Chapter 3: Long time neighbor, Brand new acquaintance
Nakaramdam ako ng lindol. Hala! Lumalakas pa!
"Hoy Ate, bumangon ka na dyan! Malelate ka na!"
Napadilat naman ako. Si Heaven lang pala. Kala ko naman kung ano na. Amp
"Babangon na." Naupo naman na ako ng may maalala ako. "Hoy Heaven, may bisita ba tayo? "
Tumigil naman siya sa paglalakad palabas ng kwarto ko at humarap sakin.
"Wala. Kung iniisip mo na nasa sala nanaman natin ang crush mo na si Arry Potter o kaya naman natutulog ang crush mo na si Lee Min Ho sa guestroom, pwes magising ka na Ate. Nananaginip ka nanaman." tapos umalis na siya.
Ambilis naman lumabas ng kwarto ko. Sasabihin ko pa sana na Hindi Arry Potter. Kundi Harry Potter. As in may Capital H sa unahan. For the nth time ata kailangan ko nanaman yan sabihin dun sa bwiset kong kapatid. Tsk. Siguro alam niya na na sasabihin ko yun kaya mabilis nang umalis.
Pero teka, yung sinabi niya kanina...
Woah. Sabi ko na nga ba panaginip lang yun eh Thank you Lord!
Pagkatapos kong mag-ayos ng hinigaan, naligo narin ako at nagbihis ng uniform. Ngiti-ngiti pa ko ng bumaba sa may dining.
"Good Morning Ma "
Nginitian lang ako ni Mama na ngumunguya pa ng niluto niyang breakfast para saming lahat. Nakabihis pang-alis narin si Mama. Nagtatrabaho kasi siya sa may Provincial Chuchu. Ewan ko kung anong ginagawa dun.
Si Papa naman wala ngayong week. Yung trabaho niya kasi madalas mag-travel. Kaya ayun, kung saan-saan nanaman napapadpad. Sanay naman na kaming wala siya. Tsaka para samin din naman ang ginagawa niya.
"Good Morning Heaven " sabay ngiti sa kapatid ko na katapat ko lang ang upuan.
Tinarayan niya lang ako tapos balik na ulit sa pagkain niya. Grade 6 na siya at addicted masyado sa DOTA. Honestly, What's up with boys and DOTA?
"Good Morning "
Natigilan naman ako sa pagsubo at napalingon ng mabilis sa taong nakatayo sa may likuran ko.
My jaw dropped. Panaginip parin ba 'to?
"Maupo ka na Brian sa tabi ni Heaven. Kain ng madami ha."
Teka, teka... so totoo nga yung nangyari kahapon?
"Tammy, may papasok na dyan sa bunganga mo."
Naisara ko naman agad. At pilit na kumain kahit na di parin ako maka-move on sa kasalukuyang nagaganap sa loob ng pamamahay namin. Patingin-tingin tuloy ako sa direksyon ni Raven. Tapos dun sa kapatid ko na pangisi-ngisi lang pag nagtatama ang mga tingin namin.
Naku, may atraso pa 'tong bubwit na 'to sakin
"Hey Tammy, di ka kumain kagabi ah."
"Diet kasi yan si Ate. Di kumakain pag gabi "
"Bakit naman? "
Tumawa tuloy ng malakas si Heaven dahil sa tanong niya. Psh
"Ang taba-taba kaya ni Ate "
Ayun, sinipa ko na talaga si Heaven. Buti naman natigilan na. Eto namang si Mama wala lang paki sa away namin ni Heaven.
Bumalik nalang ulit ako sa pagkain ko. At ng tapos na ang lahat, sabay-sabay na lumabas ng bahay kasi lahat may pasok. Si Mama sinasabay sakanya si Heaven dun sa kotse namin. Ako naman mag-isa tutal highschool naman na ako. At si Raven, erm... ewan ko.
"Sabay nalang kaya kayo ni Tammy tutal pareho naman lang kayo ng school." sabi naman ni Mama kay Raven.
"Ma wag na! Kaya ko naman mag-isa eh." Yan agad yung lumabas sa bibig ko.
Ayoko kaya kasabay si Raven. Kung noon pinagpapantasyahan ko yan mangyari, pwes NOON yun! Hindi na ngayon!
Strong dislike na yung nararamdaman ko para sakanya simula nung araw na nagkalapit kami at may ginawa siya saking karumaldumal. Hinding-hindi ko yun makakalimutan. Umasa ako na magkatulad sila eh. Yun nga lang, nagkamali ako.
"Tita may dadaanan pa po kasi ako eh. Baka ma-laate pa po ako. Madamay pa si Tammy."
Napairap nalang ako ng sinabi niya yun. Okay, ayaw niya rin pala ako kasabay. Oh well, pareho tayo!
Sinipa ko naman si Heaven na naglalaro ng PSP niya. Nakahanap lang ng mapagbubuntungan ng inis.
"Hoy Hell, may atraso ka pa sakin ha. Sabi mo wala tayong bisita.tss"
Minsan talaga Hell ang tawag ko dyan kahit na kabaliktaran naman talaga nun ang pangalan niya. Lagi niya kaya akong inaasar. Di tuloy bagay yung pangalan niya sa ugali niya.
Sumagot naman ang magaling kong kapatid habang busy parin sa paglalaro sa PSP niya, "Wala naman ah."
"Adik ka ba? Eh anong tawag mo kay Raven?"
"Sabi ni Mama, wag daw ituring na bisita si Kuya Brian. Part of the family daw."
Part of the family? Double meaning ba yun o ako lang ang nag-iisip na meron?
"Hoy Samantha, halika nga dito. Inaaway mo nanaman yang kapatid mo."
"Hindi naman ah. May binulong lang ako." Pagdadahilan ko naman.
"Anong pinagbubulungan niyo? "
Hay naku! Si Mama talaga daig pa ang abogado kung makapag-tanong. Lahat di makakalusot. Buti nalang gamay ko na 'to
"Yung anak kasi ng teacher niya kaklase ko. Ayun, tinanong ko lang si Heaven para iconfirm Ay Ma, alis nadin ako."
Palabas na sana ako ng gate ng pigilan nanaman ako ni Mama.
"Ikaw lang mag-isa? "
"Sino pa ba? :" Napairap naman ako ng pabiro kay Mama sabay bulong ng, "Alangan naman magsasabay kami ng isa dyan."
"Sabay na nga kayo ni Brian papunta sa sakayan ng jeep. Baka may mangyari pa sa'yong masama dyan sa daan. Dami pa naman mga masasamang nilalang ang nakakalat ngayon sa Pilipinas."
Si Mama talaga o! Ilang taon na ko pumapasok ng mag-isa tapos ngayon niya lang yan naisip para sakin?
"Wag na nga po Ma. May ibang kasabay si Raven. Tsaka..." May naisip naman ako. "May kasabay din ako. "
"SINO? " Sabay-sabay pang tanong ng tatlo sakin.
"Ako."
Napataas nalang ako ng kilay dun sa lalaking nagsalita. Teka, siya yung dati na akong tinawag na... O_______O
YOU ARE READING
To be Continued ^^ (On-going)
Teen FictionIf you're shopping for a happy ending and you couldn't find one, buy a box of To be Continued instead.
