Chapter 1: Meet Tammy
Maganda. Matalino. Sexy. Matangkad. Mayaman. Magaling sumayaw. Member ng Drama club. At higit sa lahat, Ms. Heartthrob ng school.
Yan ang description nila sa babaeng pinagpapantasyahan ng halos lahat ng lalaki sa campus namin.
Akala niyo ba eh ako? Tsk. Sabi lang naman ni Mama mabait daw ako. Sabi naman ni Papa magalang daw ako. Sabi naman nung lolo't lola ko nung nabubuhay pa sila, masunurin daw akong bata. At sabi nung mga pinsan ko eh matalino daw ako.
Sabi naman ng kapitbahay namin na di ko kaclose, balyena daw ako. Sabi naman nung Ale na nagtitinda ng isaw sa may kanto, biik daw ako. Sabi nung mga kaklase kong lalaki ng 2nd year, human pig daw. At sabi nung Filipino 2 teacher namin, mataba ako.
What could be worse?
Kasalanan ko ba naman na 220 pounds ako dati para i-bully nila?
Ang totoo nyan, hindi naman talaga ako dating ganito. I mean, payat ako dati. Pero dahil sa depression, naging comfort ko ang pagkain. I can't stop myself from eating hanggang sa lumobo nalang ako ng ganito.
At dahil nga sa depressed ako, lumipat din ako ng ibang school sa pagtungtong ko ng 2nd year para maka-move on. Pero hindi ko magawang i-let go yung past ko lalo na kung may nakapagpapaalala nito sakin kahit sa bago kong school.
Isang taong di ko inaasahan na mag-eexist pala.
Isang taong makita ko lang eh nasasaktan na ko.
Siya si Raven Brian Sychingco.
Unang beses ko palang na pagkakita sakanya, halos maiyak na agad ako. He resembles him. Alot. Para siyang carbon copy niya. Pakiramdam ko magkakambal sila pero alam ko naman na wala siyang kapatid.
Nagmistulang stalker na ako sakanya. Di ko din mapigilan ang sarili ko. Lagi ko siyang sinusundan. Hindi naman kami magkaklase pero kapag naririnig ko na ang bell para sa breaktime, ako agad ang unang lalabas ng room para simulan ulit ang pagsunod sakanya. Gusto ko kasing alamin ang ugali niya. Gusto kong malaman kung pareho ba sila ng paboritong pagkain. Gusto kong malaman kung gusto niya din ba ang Cookies and Cream na flavor ng ice cream. Gusto kong malaman kung magkaparehong-magkapareho ba sila
Pero isang araw, di ko inaasahan na pagkatapos ng ilang buwan na pagsunod sakanya, ako naman ngayon ang nilapitan niya
Ako?
Bat ako?
May kinukuha kasi ako sa locker ko ng bigla siyang lumapit sakin. Akala ko kung sino nanamang lalaki na mangtitrip sakin pero sa paglingon ko, Si Raven pala. Nakangisi pa siya sakin at parang napaka-friendly. Ako naman, hindi makagalaw sa pwesto ko dahil sa sobrang lapit niya sakin. Ni-corner niya pa nga ako ngayon. At wala nang dumadaan na ibang estudyante sa corridor na 'to kasi 30 minutes narin ang nakalipas ng uwian.
Dati gumagawa pa ko ng paraan para makalapit lang sakanya pero heto na siya ngayon, nasa harapan ko. Siya mismo ang lumapit sakin. Hindi ko mapigilang pagmasdan siya. Hindi ko mapigilang makita sakanya si..
Bigla nalang siya gumalaw pero hindi para lumayo sakin. Kundi para mas lumapit pa sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin niya lalo na ng mapansin kong halos 1 inch nalang ang pagitan ng mga mukha namin.
"Ahh.. R.. r..."
Pinikit niya yung mga mata niya at unti-unti nang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Ano bang ginagawa niya?
Pero di ko namalayan sa sarili ko na ipinikit ko nadin ang mata ko at hinayaan ang balak niyang gawin.
Hindi ko kayang pigilan siya. Hindi ko magawang itulak siya palayo sakin. Kasi iniisip ko siya si..
Pero wala akong naramdaman na dumamping labi sa labi ko. Kundi ang marinig ang halakhak ng hindi lang isang tao. Agad-agad kong iminulat ang mga mata ko. Sa pagbukas nito, nakita kong tumatawa ng sobrang lakas si Raven kasama ang dalawa niyang kaibigan na may hawak na videocam.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. At hiya.
"I kept on telling them that you're not one of those people who's head over heels with me. I tried to prove them wrong. But I was the one who's wrong " Sinabi niya yan habang tawa parin siya ng tawa kasama yung mga kaibigan niya.
Tinamaan ako dun. Parang may umuntog ng ulo ko sa pader para ipakita sakin ang katotohanan. Para iparealize sakin ang isang bagay.
Na madami silang pagkakaiba. Na hindi sila pareho ng mga hilig. Na iba ang ugali niya.
Na hindi siya tulad ng lalaking minahal ko.
At dahil sa eksenang yun na nangyari ng 2nd year HS ako, nagkaroon tuloy ako ng determinasyon magbago.
Nagsimula akong magpapayat. Umaga at tanghali hanggang limang subo nalang ang kinakain ko. Hindi na ako kumakain ng kahit ano between meals. Hindi rin ako naghahapunan. Every early in the morning nagjjog ako sa village namin. Mga ilang buwan at taon na din ang nakalipas at nasanay ako sa ganyang routine. Mukhang nagiging normal na ulit ang itsura ko. At unti-unti nang bumabalik ang dati kong figure. Madami nadin nakakapansin. Pero hindi ni Raven
May isang babae kasi samin na lumipat. Liz ang tawag sakanya. Agad-agad siyang nilapitan ni Raven. Palibhasa kasi maganda. Inentertain nga ni Raven si Liz buong araw. Nag-feeling tour guide sa school namin. Ayan tuloy, di ko alam sa sarili ko pero umuwi akong nakabusangot at sira ang first day ng 4th year ko
"Ma, andito na po ako!"
Di naman ata ako narinig ni Mama. Baka nasa kusina at nagluluto kaya dumiretso nalang muna ako sa kwarto ko. Inalis yung uniform at nagpalit ng sando at shorts. Dumiretso ako sa CR at sa pagbukas ko ng pinto,
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!! "
Tumambad sakin ang isang lalaking half-naked at tanging tuwalya lamang ang nakatapis sa lower part ng kanyang katawan.
"Sup? " Pangiti-ngiti pa siya ng bigalng mahulog yung tuwalyang nakapulupot sa beywang niya. At mas napatili nalang ako sa nasilayan ko.
YOU ARE READING
To be Continued ^^ (On-going)
Teen FictionIf you're shopping for a happy ending and you couldn't find one, buy a box of To be Continued instead.
