Chapter 6: Stalkers
Dahil nga hindi ako kumain ng lunch, sobrang nanghihina na ko. Breakfast at Lunch nalang nga ang bumubuhay sakin, gumawa pa ko ng dahilan para di makapag-lunch. Sisihin kasi ang bwiset na Liz na yun >______<
Di pa nga tapos pagka-BV ko sa babaeng 'yun, nakadaupang-palad ko nanaman siya kaninang recess ng hapon. At sa CR pa. Kung kelan ihing-ihi na ko.
"Hey Samantha Aragon!" then she rolled her eyes.
Eto nanaman yung pakiramdam na pamilyar yung pag-deliver niya ng pangalan ko. San ko nga ba yun narinig?
"How sweet of you. Inalam mo pa talaga ang pangalan ko. Parang stalker lang ah. Na-touch naman ako " Sarcasm.
"Syempre, kelangan eh--"
"Ahh oo nga pala! Nag-offer nga pala ako ng help pag may mga queries ka tungkol kay Raven. Syempre kelangan alam mo yung pangalan ko pag hinahanap mo ko. Alam mo naman, ako lang nakakakilala sakanya ng lubos. @___@"
Napairap nanaman siya.
"Akala mo ikaw lang ang may alam? Of course ako din. Tungkol sa'yo." tapos nilagpasan na ko at lumabas na ng CR.
Sobra naman akong nagulat at biglang nakaramdam ng kaba pagkatapos niya sabihin yun. Di naman ako nasindak sa sinabi niya eh pero pakiramdam ko may laman yun eh! Ohwell, naiihi nga pala ako. Baka magka-UTI pa ko neto ng wala sa oras.
Ngayon naman uwian na. Actually kanina pa. Kaya lang pinatawag ako ng kung sinu-sinong teachers. Ayun, may pinagawa lang na kung ano. Tss Buti naman tapos na ko sakanila. Kaya eto ako ngayon, nakamukmok lang sa may courtyard. Nang may biglang nag-abot sakin ng burger at C2 Solo. Si Julian.
"Ahh.. Para san 'to?"
Umupo siya sa tabi ko.
"Para sa'yo. Kanina kasi sa Canteen napansin ko na mabilis ka lang sa table nila Raven. Di mo nagalaw yung pagkain na binigay niya sa'yo. Alam kong gutom ka na :) "
"Ahh.. Ano kasi Julian eh.. "
Ngumiti siya kahit di ko pa natatapos ang sinasabi ko.
Huh?
"Yeah, I know. Di ka kumakain between meals." tapos ngumiti nanaman siya.
Pano niya nalaman? O / / / / O
Baka naman sinabi ni Heaven since kapit-bahay lang nga naman namin siya
"Tapos every morning nag-jjog ka around the village. Well ngayon di mo na yan nagagawa since may pasok na. Kaya weekends nalang "
Siguro lumalaki na yung mata ko sa gulat
Pero di parin siya tumitigil sa pagsasabi ng kung anu-anong bagay tungkol sakin.
"Di ka kumakain ng dinner."
"P--"
"Nagsimula ka magpapayat ng katapusan ng 2nd year."
"E--"
"On the contrary, nagsimula kang tumaba nung 1st year, dahil sa..." tapos may binulong siya kaya di ko naintindihan.
Napataas na yung kilay ko sa mga pinagsasabi niya. At ng nagkaron na ko ng pagkakataong magsalita, eto nalang ang nasabi ko.
"Are you stalking me? "
YOU ARE READING
To be Continued ^^ (On-going)
Teen FictionIf you're shopping for a happy ending and you couldn't find one, buy a box of To be Continued instead.
