Chappy 08 - Wet look ^^

22 1 0
                                        

Chapter 8: Wet look

WAAAAAAAH. Nakakabingi na talaga dito sa CR! Alam mo yung pakiramdam na sa sobrang tahimik, feeling mo bingi ka na? Ganun yun eh! Yan mismo ang nararamdaman ko ngayon

Si Raven naman kasi nakahig sa may loob ng tub. Ayun, tinulugan ba naman ako. Ako naman palakad-lakad lang dito sa CR. Pakiramdam ko nga napaparanoid na ko sa kakaisip ng pwedeng paglibangan habang kulong kami dito sa CR. Tsk Pakiramdam ko nga isang taon na kami ditong nakakulong kahit na ang katotohanan nyan eh halos limang minuto palang. Psh

"Psst!"

Napalingon ako ng de-oras sakanya pero nakapikit parin siya. Nagulat nga ako eh pero ayun, alam kong nanloloko nanaman 'to kaya di ko nalang pinansin.

Napagod ako kakatayo kaya naupo ako sa may tub. Hindi naman dun sa loob kasi nga andun si Raven. Di rin naman ako pwedeng maupo sa sahig kasi basa. Tsaka ganun din sa bowl. Syempre ang pangit tingnan lalo pa't may kasama ako dito. Anyways, natulala ako kakatitig sa mukha ni Raven. Nakakamiss siya.

Bigla nalang bumukas yung mga mata niya. At dahil sa gulat ko at hiya narin sa palihim na pagtitig sakanya, nag-panic ako.

Pero natigil ako kaka-panic ng bigla niyang tinapat sakin yung shower. As in yung shower na may lumalabas na tubig. Kaya nabasa ako.

Whatdahell O / / / / O

Teka, ilang segundo lang pala ako kumalma. Dahil pagkatapos ng ilang segundong pag-load ng nangyari sa utak ko,

"AHHHHHHHH! ANONG GINAWA MO?! " Gulat at inis kong tanong.

"Anong ginagawa mo kanina kaya ka nag-panic? "

Natigilan ako dun.

"O, bat di ka na makapagsalita? "

Namumula na ata yung mukha ko sa hiya.

Please lang dumating na si Mama o si Heaven o! Parang awa niyo na. Palabasin niyo na ko dito.

"Ang cute mo talaga! " Tinapat niya nanaman sakin yung shower at swear, yung blouse ko dumidikit na sa katawan ko sa sobrang basa nito.

At syempre di naman ako papatalo sakanya. Kaya nakipag-agawan ako ng shower. Wet look na kung wet look pag lumabas dito. Pareho na kaming basang-basa. At patuloy lang kami sa ginagawa namin. Walang magpatalo ni magpaawat samin.

Siguro sa sobrang ingay namin sa loob, di na namin napansin na may dumating na pala. Natigilan lang kami sa pagbabasaan ng biglang bumukas yung pinto ng CR.

"Anong ginagawa niyo?! "

Uh-oh.

"Uh.. Good evening Julian." sabay pilit ng ngiti.

To be Continued ^^ (On-going)Where stories live. Discover now