Chapter 37 (Psycho)

Start from the beginning
                                    

"Mawawala din ang epekto niyan. Magbihis kana." Wika niya at kinuha niya ang damit ko at binihisan ako.

Hindi na ako nakapasok sa isa ko pang subject. Pinahulaw ko muna ang epekto ng droga sa katawan ko.

"Bakit kasama mo ang Arvin na 'yun?" Tanong niya.

"Tumawag siya sakin kaninag breaktime. Nandito sila sa parking lot. Sa loob ng van niya sila nagmamarijuana. Nagpunta ako."

"Anong naisipan mo at nagpunta ka?"

"Kasi pupuntahan din sana kita. I mean, nasa parking lot naman sila kaya pupuntahan na din kita. Hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari."

"Paano kung may ginawa siyang masama sa'yo? Hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng isang adik. Paano kung rape-in ka niya? Tapos wala ako sa tabi mo dahil hindi ko alam? Sinong mananagot sa magulang mo, ako diba? Mag-isip ka muna bago mo gawin, Kazrine." Galit niyang sabi.

"Relax. Walang nangyaring masama sa akin. Tinuruan mo naman ako ng self-defense." Sagot ko.

"Yun na nga. Tinuruan kita ng self defense. Ginagamit mo ba? Hindi diba?" Galit niyang sagot.

"Okay. Sorry. Mag-iingat na ako sa sunod."

"Sabihin mo naman sakin kung saan ka nagpupunta para alam ko, hindi lang bilang bodyguard mo kundi boyfriend. May karapatan akong malaman kung nasaan ka." Wika niya at ramdam ko ang selos at pag-aalala sa kanyang boses.

"Ayoko ng makita kang kasama ang Arvin Suarez na iyon." Dagdag niya.

"No. I can't."

"Bakit?"

"May kailangan ako sa kanya at para sa'yo din 'yun."

"Ano?!"

"May gusto akong malaman sa pamilya niya at naniniwala akong makakatulong 'yun sayo."

"Ano, Kazrine?" Kunot-noong tanong niya.

"Si Mayor Suarez ang nagpapatay sa pamilya ni Mayor Hernandez. At gusto kong makakuha ng ebidensya laban sa kanila at gagamitin ko si Arvin para magawa ko 'yun." Paliwanag ko at nagulat ako sa paghampas niya sa upuan ng kotse.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Nakatadhana na sa akin ang makulong at mamatay at handa na ako para dun!" Sigaw niya sa akin at namumula na ang mata niya sa galit at sa iyak.

"Ang selfish mo. Hindi ka man lang gagawa ng paraan para mag-iba ang nakatadhana sa'yo? Hindi mo man lang ako inisip? Hindi mo man lang iniisip ang future natin. Gusto kong magpakasal sa'yo, gusto kitang maging asawa at tumira sa iisang bubong kasama ang mga anak natin tapos ikaw? Tatanggapin mo lang na ganun ang tadhana mo? Wala kang gagawin na paraan para magbago? Isipin mo naman ako, Jake." Wika ko sa kanya at umiwas siya ng tingin sa akin. Kita ko ang pagtulo ng luha niya.

"I will risk my life for you, Jake. Hindi mo na ako mapipigilan." Sabi ko at lumabas na ng kotse at nagtungo sa classroom. Nagtulog lang ako habang nagkaklase kasi masakit ang ulo ko.

Uwian na at patungo na ako sa parking lot nang makasalubong ko si Jacob.

"Kaz.." tawag niya sa akin.

"Nakita kita kasama ang anak ng Mayor. Masama siyang tao, Kaz. Bully siya dito sa school at ayaw kitang masaktan." Wika niya at ngumiti ako.

"Alam ko ang ginagawa ko, Jacob. Thank you sa concern." Sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang si Jake.

"Magdidinner kami mamaya sa bahay nila." Wika ko. Hindi ako tumingin sa kanya. Ramdam ko ang coldness na pumapagitna sa amin.

"Hindi ka pupunta." Agad niyang sagot. Hindi nalang ako umimik para wala ng away pero pupunta ako. I need to do it.

//////

I just decided to wear a Royal Blue Surplice Midi Dress and a sandal na may konting heels.

"Pupunta ako sa bahay ni Mayor Suarez."

"Ano?" Parang nabingi si mama sa sinabi ko. Nasa couch siya, nanonood ng balita.

"His son invited me for dinner."

"Who's son?"

"Arvin."

"Alam ba nila na anak ka ng Chief of Police?" Tanong ni mama at tumango ako.

"Kakakilala lang po namin nung isang araw. Parehas kami ng school na pinapasukan." Sagot ko at tumayo si mama at lumapit sa akin.

"Alam nilang wala kaming anak ng papa mo." Wika ni mama at napabuntong-hininga siya.

"Wala naman na akong magagawa at nandiyan na yan. Alam ko din naman isang araw malalaman nilang may anak kami. Natatakot lang ako kasi baka may gawing masama sa'yo ang pamilyang Suarez. Hindi mo sila kilala. Mabangis, mayabang at mautak ang pamilyang 'yan. Wag kang magpapadala." Dagdag ni mama habanh inaayos ang buhok ko. Hinubad niya ang kangang jacket at isinuot sa akin.

"Call Jake para may kasama ka." Dagdag pa ni mama.

"Okay." Sagot ko nalang pero hindi ko siya tinawagan. Pagkalabas ko ng garahe ay may nakamotor na sumusunod sa akin. Napangiti nalang ako. Alam kong si Jake 'yan. Hindi niya talaga ako matiis.

Nakarating na ako sa bahay ng pamilya Suarez. Lumabas na ako ng kotse at sinundo ako ni Arvin.

"You look beautiful." Sabi niya at nanakaw na naman sana siya ng halik pero lumayo ako. Nakareveive naman ako ng text mula kay Jake.

KUYA: Nasa likod mo lang ako.

BUNSO: Opo. Salamat, mahal. :)

Mansyon ang bahay ng pamilya Suarez. May malaking swimming pool sa harap at made of glass ang pader nila kaya kitang-kita ang loob. Pagkapasok ko sa loob ay magagara at mamahaling chandelier ang tumambad sa akin. May family picture sila na nakadisplay sa sala. Agaw pansin sa akin ang kapatid niyang nakasuot ng military uniform. Nang makarating na kami sa kusina ay nakipagshakehands ako sa kapatid niyang babae at nakipagbeso naman sa kapatid niyang lalaki pati na kay Mayor. Naupo ako sa tabi ni Arvin.

"Hindi namin alam na may anak pala si Chief Sardone. Nabigla at nagulat kami." Wika ng kapatid niyang babae.

"Ako si Catherine at ito naman si Alvin, siya ang panganay sa amin." Dagdag pa ni Catherine at ngumiti ako sa kanya.

"Tapos si Tyler, anak ko at si Romnick, asawa ko." Dagdag ni Catherine. Si Mayor ang nasa gitna ng hapag-kainan. Bakit wala ang asawa ni Mayor?

"Kazrine po." Sabi ko at ngumiti.

"Bakit po wala ang nanah niyo?" Tanong ko at napatingin silang lahat sa akin.

"Patay na siya. Pinatay ni Mayor Hernandez, dating mayor ng manila." Wika ni Catherine.

"Sorry." nasagot ko nalang.

/////////////////////

Just A KissWhere stories live. Discover now