Chapter 36 (Meeting Arvin Suarez)

Start from the beginning
                                    

"Ay palaban. Yan ang gusto namin." Wika ng barkada niya.

"Diba may coffee shop kayo?"

"Yes."

"I will meet you there."

"Okay."

"Yan ang gusto namin. Madaling kausap." Wika ng barkada niya.

"Bye." Sabi ko at tumalikod na at nagflying kiss pa sa kanila. Nagtungo na ako sa room at napabuntong hininga ako. Sana naman mapakinabangan ko ang paglapit ko sa kanya. I have to know the truth, Jake. Sorry. Para sa'yo naman ang ginagawa ko.

Tapos na ang klase namin at papalabas na ako ng room nang mapansin kong nag-aabang si Arvin Suarez sa may pintuan. Pinagtitinginan pa siya ng mga kaklase ko. Ngumunguya-nguya pa siya ng bubble gum para magmukhang cool, kumbaga e mukha naman siyang tae tapos yung kamay niya nakalagay pa sa bulsa ng pantalon niya. Nagdire diretso lang ako ng lakad samantalang naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin. Inalis ko ito at medyo dumistansya sa kanya.

"Nakalimutan mo na agad ako ha." Wika niya.

"Paano mo nalaman na doon ang room ko?" Tanong ko.

"Kinuha ko ang schedule mo sa registrar." Sagot niya.

"Buti binigay sa'yo."

"Bakit hindi nila ibibigay e ako ang anak ng mayor? Malakas 'to." Mayabang niyang sabi. Edi wow, ikaw na.

"May mga kapatid ka pa ba?" Tanong ko.

"Yes, why?"

"Wala lang."

"Dalhin kita sa bahay para makilala mo sila." Wika niya

"No, thanks." Sabi ko

"Uuwi kana ba? Hatid na kita."

"You told me earlier na sa coffee shop tayo magkita." Sabi ko at napatigil sa paglakad.

"Yup and sabay na tayo pupunta doon. May kotse ako." Wika niya.

"May kotse din ako at may driver. Hindi mo na kailangang magpakabayani para maimpress ako. Alam kong wala sa dugo mo 'yun." Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang parking lot.

"Ten minutes kang late bago matapos ang klase mo." Wika ni Jake pagkapasok ko sa kotse. Tiningnan ko ang relo ko at totoo nga ang sinasabi niya.

"I will meet Arvin Suarez, sa coffee shop."

"Bakit?"

"Basta." Sabi ko at nagtungo na kami sa coffee shop.

"Sino 'yang asungot na kasama mo?" Tanong niya pagkarating ko.

"Bodyguard ko." Sagot ko at umupo na samantalang si Jake ay nakatayo sa tabi ko.

"Okay." Sagot niya.

"Ang gusto kong flavor ng kape niyo ay Vanilla Caramel." Dagdag niya habang nagtitingin sa menu.

"I'm not asking." Sabi ko at napatingin siya sa akin.

"Kidding aside." Dagdag ko at kunwari natawa. Lumapit sa amin si Darren at kinuha ang order niya. Nilibre niya ako sa sarili kong coffee shop.

"So, may boyfriend kana?"

"Yes." Agad kong sagot at inayos-ayos niya ng kamay niya ang buhok niya. Mukhang hindi siya naniniwala sa sagot ko ah.

"Kaya kitang sulutin sa boyfriend mo."

"Catch me if you can." Sagot ko sabay inom ng kape at ngumiti sa kanya.

Natapos ang kwentuhan namin sa kung ano-ano lang. Sa mga walang kwentang bagay na ginagawa niya sa buhay niya katulad ng pag-aaral niya, bakit siya nag civil engineer, tuwing naboboring siya nagpupunta siya sa ibang bansa at uuwi din kinabukasan. Something like that. Hindi naman 'yun ang gusto kong malaman e, gusto kong malaman ang baho ng pamilya niya.

"Bakit ang tahimik mo?" tanong ko kay Jake na kasalukuyang nagdadrive.

"Wala." Matipid niyang sagot.

"Galit ka?" Tanong ko.

"Sino 'yung lalaki na 'yun?" Tanong niya. Galit nga.

"Anak ni Mayor Suarez."

"Bakit kailangan niyong maging magkaibigan?"

"Dahil may dahilan ako. May purpose ang pakikipag kaibigan ko sa kanya. Magtiwala ka nalang sa akin." Sagot ko at hinawakan ang kamay niya. Hindi na siya sumagot. Nakarating na kami sa bahay.

"Wag kang mag-alala. Sa'yo lang ako, mahal." Dagdag ko sabay yakap sa kanya.

"Magkita nalang tayo bukas, ingat ka pauwi." Sabi ko at nagmotor na siya pauwi. I feel so exhausted today. Nakakapagod kausap si Arvin, napakayabang at ang daldal. Ang hyper. Parang nakatake ng drugs. Hindi naman ganoon si Jake kahit na nagdadrugs siya.

Kinabukasan, pagkababa ko palang ng kotse agad niya akong sinalubong at inakbayan. Si Jake ay nasa likod ko, dala ang aking gamit. Inagaw niya ang gamit ko kay Jake at siya na ang nagdala.

"I'll just text you Jake, hintayon mo nalang ako sa parking lot." Sabi ko at hindi ko na siya nalingon kase ang gulo ni Arvin. Inalis ko ang braso niya sa balikat ko. Nakita kong pabalik na ng parking lot si Jake. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante at teachers. Famous pala ang gagong 'to sa University na'to. Kung sa bagay, anak ng mayor eh.

"Ano mo 'yan, Arvin?" Tanong ng babaeng nakasalubong namin.

"Girlfriend ko." Sagot niya. Girlfriend? Wow. Kailan pa?

"Kailan mo pa ako naging girlfriend?" Tanong ko sa kanya.

"Ngayon lang." Sagot niya. Nakakainit ng dugo ang maybang na lalaki na ito.

"Why don't you just bring me to your home? And get to know your prestigious family." Sabi ko at napatigil kami sa paglalakad.

"Yes, why not, baby. Doon tayo sa bahay magdidinner mamaya." Wika niya at muli akong inakbayan. Aish. Ang clingy masyado ng lalaking to. Ni hindi nga ako maganito ni Jake eh. Kakainis. Hinatid na niya ako sa room at ninakawan pa ako ng halik sa pisngi. Gago talaga. Kapag nalaman ni Jake na hinalikan mo ako, patay ka dun.

"Bakit kasama mo ang anak ng mayor? At may pahalik pa siya sa'yo? At akala ko may boyfriend ka?" Tanong ni Ashly.

"It's none of your business." Sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Taray. Ano nga? Akin nalang ang boyfriend mo tapos sa'yo nalang ang anak ni Mayor." Tiningnan ko siya ng masama.

"Joke lang, Kaz. Ano nga?" Pangungulit niya.

"Basta. Sa akin nalang 'yun." Sagot ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Jake.

BUNSO: Kuya, okay ka lang?

Tama ba ang tanong ko? I mean, nakita ko sa kanya kanina ang inis.

KUYA: OOo, okay lang ako. Makinig kana sa teacher mo.

BUNSO: May dinner kami mamaya sa bahay nila Arvin.

Text ko subalit wala siyang reply.

/////////

Just A KissWhere stories live. Discover now