TMTIL Chapter 5

67 4 0
                                    

MISTLETOE POV

"Ikaw, may kasalanan ka pa sa akin huh" inismiran ko siya at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya dito.

Ngumuso naman siya. "Ano naman ang kasalanan ko" nakanguaong sabi niya. Cute niya my ghad.

"Bakit nagsusuntukan kayo ni Xander?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya.

"Napakalapit kasi ng mukha niya sayo at hinahaplos niya, bumili lang ako ng pagkain kasi lunch na pero hindi na kita ginising kasi ang himbing ng tulog. Siya ba yung Xander na sinasabi mo?" Sabi niya natawa naman ako.

"Oo" tango tangong sabi ko.

"Hayst siya pala yun, hindi naman pala gwapo." Sabi niya.

"Luh kala mo ikaw gwapo." Sabi ko.

"Eh nainlove ka nga sa akin ehh" nakangising sabi niya. Hindi naman ako nakasagot gwapo kasi niya eh hehe.

"Oh ano bakit hindi ka makasagot?" Sabi niya nakangisi pa rin siya.

"huh wala, by the way na saan pala ako?" Pagiiba ko sa usapan.

"Ahm na sa hospital ka." Pormal na sabi niya.

"Huh hospital? Bakit nandito ako?" Takang tanong ko.

"Masyado daw kasing malaki yung sugat mo, pero sorry baby huh kung sana hindi ko na siya pinatulan pa nadamay ka tuloy, pero kasi hindi ko mapigilan eh hindi ko kayang may ibang lalaki kang kasama" nakangusong sabi niya.

Napangiti naman ako, hinalikan ko siyang mabilis sa labi nagulat naman siya. "Kahit na may iba akong kasamang lalaki, sayo pa rin itong puso ko dahil ikaw lang ang nagmamay ari nito." Nakangiting sabi ko.

Ngumiti naman siya at hinalikan ako. "Mamaya makakauwi ka na" sabi niya.
Tumango naman ako.
.
.
.
Mga 9 na ng gabi ng maihatid ako ni Luke sa bahay, pero agad rin naman siyang umuwi dahil may pupuntahan pa daw ito.

"Magpagaling ka ha wag kang maglilibot hindi ka pa magaling at wag ka masyadong magulo baka sumakit yang braso mo." Sabi niya natawa naman ako.

"Yes, sir. Osya alis na baka gabihan ka pa I love you" hinalikan ko siyang mabilis.

"I love you" sabi niya at umalis na.

Kinabahan naman ako ng umalis na siya, parang may kung anong bumabagabag sa kin na... hayst ewan, bahala na.

Pumunta na ako sa itaas at pumasok na sa kwarto, nag bihis muna ako at humiga na sa kama ko at pumikit na.

Pagkalipas ng limang minuto ay hindi pa rin ako na kakatulog. Nag pagulong gulong ako sa kama para mapagod ako at makatulog pero hindi pa rin talaga ako makatulog.

"Ughh why i cant sleep!" sigaw ko. Wala si na mama at papa pumunta sila birthday ng kaibigan nila kaya pwedeng pwede akong sumigaw ng sumigaw, tinignan ko kung ano ng oras na sa aking cellphone, pag katingin ko nagulat na lang ako dahil 11pm na! aba'y! tagal ko palang nakatulog na akala ko ay limang minuto lang at nagpagulong gulong. Pero bakit wala pa sila mama?

Bumangon ako sa pagkakahiga at bumaba, nagtungo ako sa kusina upang uminom, uminom ako ng uminom ng tubig pero hindi pa rin nawawala ang aking kaba na dinadama ko pa kanina. Tumalon talon ako para maibsan at mawala itong kabang ito, pero pagkalipas ng ilang minuto hindi pa rin talaga mawala wala ang kaba ko, ugh kala ko namn worth it ang ginawa kong pag talon talon, nag mukha tuloy akong baliw kanina hayst... kinuha ko ulit ang baso sa dinning table namin ng mabitawan ko ito at masugatan ako sa paa, pinulot ko agad ang mga pira pirasong bubog ng baso, na hindi ko namalayang nasugat pala ako.

At ng biglang narinig kong parang may nagca-call sa aking phone sa itaas kaya dali dali akong pumanhik sa itaas para tignan kung sino ang nagca-call, binuksan ko agad ang pintuan ng kwarto ko, habang nag lalakad ako patungo sa karoroonan ng phone ko sa table malapit doon sa kama ko ay bumilis ang pagtibok ng puso ko at kinabahan pa ako lalo.

°°°°°
Vote| Comment| Share
Click the star button at the bottom
Thanks for reading
TMTIL

Follow me^^







The Man That I LoveWhere stories live. Discover now