Chapter 31 (The News)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Just a kiss. Promise."

After that conversation, nagdecide kami na manood nalang ng movie. Gusto sana siya sa sinehan pero naginsist ako na sa bahay nalang kase maraming VCD doon. Papasok na sana ako sa kotse nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Si Jacob. May dalang bulaklak habang tumatakbo papalapit sa akin. Nang makalaput siya ay lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko. Parang nagpopropose na siya eh. Lumapit sa akin si Jake.

"Kazrine, sorry na. Patawarin mo na ako."

"Jacob, tumayo ka diyan. Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan mo." Wika ko pero hindi pa rin siya tumatayo.

"Pinapatawad na kita, tumayo kana." Sabi ko at tumayo na siya.

"Pero hindi ibig sabihin nun magpapatuloy ka sa panliligaw sa akin. May mahal na akong iba, Jacob." Sabi ko at hinawakan ang kamay ni Jake.

"Siya ang boyfriend ko at mahal namin ang isa't-isa." Wika ko sa kanya.

"The damage has been done, Jacob and I don't have a choice but to forgive you." Dagdag ko pa.

"Hindi ko alam na may reserba ka." Sagot niya.

"Hindi ito reserba. I tried to love you back, I tried to pushed him away but my heart just keep saying na mahal ko ang lalaking ito kesa sa'yo and I was grateful because you cheated to me, I mean you lied to me and I've got the reason to leave you. And I was happy because you did that." Sabi ko sa kanya.

"You disappointed me pero kagaya ng sinabi ko sa'yo kanina, wala akong choice kundi patawarin ka. You are a good person Jacob. Alam kong natukso ka at tama ang sinabi mo dati na walang taong perpekto, lahat nagkakamali. Yes. Beacuse you're a human. A human is design to make mistakes to learn a lesson from it, and not do the same mistake twice. Sana lang wag mong gawin ang ginawa mo sa akin sa magiging girlfriend mo o asawa mo in the future." Dagdag ko pa at kita ko nag pagpunas niya ng kanyang luha sa mata.

"Just do what makes you happy and leave me alone." Dagdag ko at pumasok na sa loob ng kotse. Napabuntong-hininga nalang ako.

Nabasa ko sa libro ni Louise Hay na You Can Heal Your Life, ang sabi diseases and illnesses comes from the state of unforgiveness. And in order to be free sa sakit na iyon, kailangan mo daw patawarin ang taong nakagawa ng kasalanan sa'yo kahit na hindi sila humihingi ng tawad. At kung sino pa ang taong mas nahihirapan kang patawarin, 'yun ang mas nangangailangan ng tawad mo. It is just related to Jacob kaya nasabi ko but I don't have a disease.

Nagdrive na siya at tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa makarating kami sa bahay. Naupo ako sa couch, isinandal ko ang ulo ko at pumikit. Ramdam ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

"Anong dapat kong gawin para mawala ang bigat ng nararamdaman ng mahal ko?" Wika niyam

"Kiss me." I told him and suddenly, I feel his lips touches mine. Nahiga ako at siya ang nasa ibabaw ko. Bigla kong naimulat ang mata ko at napaupo.

"Shit. CCTV." Sabi ko at agad akong tumayo at nagtungo sa office ni papa, naiwan siya sa sala. Yes. Doon nakalagay ang computer. At laking pasasalamat ko nang nakapatay pala ito. Nakakapagtaka lang na, patay ito kase ang alam ko, araw-araw itong binubuksan ni papa. Napaupo ako sa couch at napahinga ng malalim. Thanks Universe.

Tumayo ako at lumapit sa table ni papa. Binasa ko ang newspaper na nasa ibabaw ng lamesa.

MULING BINUKSAN ANG KASO LABAN SA TAKAS NA SUNDALONG PUMATAY SA PAMILYANG HERNANDEZ KABILANG NA ANG DATING MAYOR NG MAYNILA. NAGANAP ITO NOONG AUGUST 13, 1997. HINDI MABIGYAN NG HUSTISYA ANG PAMILYA NG MAYOR DAHIL SA PAGTATAGO NITO. MAY ISANG DAANG MILYONG PABUYA ANG SINO MANG MAKAPAGTUTURO SA DATING MIYEMBRO NG SPECIAL ACTION FORCE NA NAGNGANGALANG GIO EMILLE. ANG SINO MANG MAKAPAGSUMBING SA AWTORIDAD AY MAPUPUNTA SA KANYA ANG PABUYA. NARITO ANG PAHAYAG NG NATITIRANG KAMAG-ANAK NG DATING MAYOR NG MAYNILA.

"Nararapat sa kanya ang parusang kamatayan." Ani ng pinsan ng anak ng mayor.

"Hustisya ang kailangan namin. Hustisya." Dagdag pa nito.

"Kapag nahuli siya, hindi lang dapat siya mabulok sa kulungan. Patayin din dapat siya kagaya ng pagpatay niya sa tito at mga pinsan ko. Wala kang puso. Hindi ka tao! Paano mo nagawa 'yun. Hayop ka!" Galit na sabi nang namatayang kamag-anak.

Halos labing limang taon na ang nakalipas magmula nang mangyari ang kalunos-lunos at karumal-dumal na pagpatay sa pamilya ng mayor at hanggang ngayon ay nagdadalamhati pa rin ang kamag-anak ng Mayor. Makuha na kaya ang hustisya ng pamilya hernandez? Ano kaya ang motibo sa pagpatay? May kinalaman ba ito sa pulitika? O sa droga?

Janet, Philippine Trend News
Reporter

Binuksan ko ang computer ni papa at nakita ko ang sketch ng mukha ni Jake. Nanginginig ang kamay kong ibinalik sa lamesa ang dyaryo. Napaub-ub ako sa lamesa. Gusto kong maiyak pero ayokong makita ni Jake ito. Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. Bumalik na ako sa sala.

"Patay pala ang CCTV." sabi ko at humiga sa hita niya. Ipinikit ko ang mata ko at dinama ang kamay niyang humahaplos sa ulo ko. Hindi ko alam na tumulo na pala ang luha ko kakaisipa sa nabasa ko kanina. Naaawa ako sa kanya. Bakit kailangan maging ganito ang tadhana niya? Why it has to be me meeting him?

/////////////

Just A KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon