CHAPTER 10: Angelo's Side

Start from the beginning
                                    

"ok lang kuya , nagtitiwala parin ako sayo" sana pagka tapos mong malaman ang lahat , andyan parin yang tiwala mo sakin Kapatid ko .

Niyakap niya ako , ramdam na naraman ko sa yakap niya na nalulungkot siya , pero mas ramdam ko ang magmamahal at pagtitiwala niya

"malalaman mo rin sa tamang panahon" mahinahon kong sambit , kumawala naman siya sa yakap ko

"tara na nga ! uwi na tayo ,wala narin akong klase eh" inaya ko nalang siyang umuwi , mukhang wala siyang balak mag salita ehh
. Dumiretso na kami sa kotse namin

Pagkarating namin sa bahay , dumiretso ako sa kwarto ko , habang si Angel at yaya ay nag uusap pa sa baba . Maya maya ay pumunta narin si Angel sa kwarto niya at mag bibihis lang daw siya .

Habang nandito ako sa kwarto ko , napag isip isip ko.. Kelangan naba niyang malaman ? Sa totoo lang , di ko talaga alam kung pano ko sasabihin sa kanya to
ang totoong dahilan kung bat nagbanggaan ang gang namin at ang gang nina Red

Oo nag away kami dahil dun sa girlfriend niyang si Kate , nung nakita niya nakayakap siya sakin . Tinulungan ko lang naman yung girlfriend niya nun sa mga lalaki ehh .. Yan ang akala nilang dahilan ng pag aaway namin . Pero hindi nagkakamali sila

Nung sumunod na araw , humingi ng patawad sakin si Red dahil dun sa nagawa niya .Nag usap kami nun sa isang restaurant . Nilagay ko yunh cellphone ko sa table . Sa gitna ng pag uusap namin , tumawag si Angel . Nakita niya yung picture ni Angel na naka save sa phone ko .Di ko sinagot ang tawag ng kapatid ko sa pagkakataong iyon . nag tanong siya sa kin kung maaari ba daw niyang makita ang picture ni Angel nung bata pa ito , di naman ako nag alangan na pinakita sa kanya yun . at nag taka ako

***
flashback

"teka ? ka ano-ano mo ba siya ?" tinanong niya sakin sabay pakita ng picture ni Angel nung bata pa ito

"ahh , yan ? kapatid ko yan , si Angel " mukhang nagulat siya sa sagot ko kaya nasigawan niya ako

"kapatid mo siya ??!!" wala akong reaksyon na pinapakita sa kanya pero sa loob ko , nagtataka na ako

"oo, bakit ? anong problema?" tumingin lang siya sakin at binalik niya yung cellphone ko

"siya , siya yun ! di ako nagkakamali, siya yung batang nakilala ko sa park !" di ko pa masyadong na iintindihan ang ibig niyang sabihin kaya tinanong ko pa siya

"anong siya ? saka anong sa park ?" wala siyang reaksyong tumingin sakin

"si Angel , yang kapatid mo . nagkita na kami dati sa park , bata pa siya nun .Naging mag kaibigan kami , naging close pero aaminin ko , gusto ko na siya noom pa , pero nung umalis na kami , nalungkot akong sobra ,di ko man lang alam yung pangalan niya .Kaya para pareho kami , di ko na rin sinabi sa kanya ang pangalan ko .Kaya ang ginawa ko , sumulat ako sa isang papel . ang nakasulat sa papel, di ko alam yung pangalan mo , kaya di ko nalang din sasabihin yung pangalan ko sayo. kikilalanin nalang kita bilang princess kasi ikaw yung princessa ko .kilalanin mo nalang rin akong prince ,kasi ako yung princepe mo" pagka tapos niyang mag salita , di muna ako agad na lumikha ng ingay , pero nagulat ako sa sinabi niya , Siya ? siya yung batang naging kaibigan ng kapatid ko ? yung may ari ng papel na nilagay ni Angel sa frame ?

The Bad Girl Hidden in an Angel (COMPLETED)Where stories live. Discover now