CHAPTER 10: Angelo's Side

16.7K 331 8
                                    


ANGELO'S POV

Di ako pumasok sa subject namin sa afternoon nakakapagod kasi .Tutal ako naman may ari ng school kaya walang magawa ang mga teacher dito , kahit prinsipal nga namin napapasunod ko eh , dapat lang din naman kung ayaw niyang mawalan ng trabaho . amo nag papatakbo ng school nato tapos di nila ako susundin ? naku lang ! magsisisi talaga sila

Naiinip ako dito sa labas ng classroom namin ,kaya naisipan kong pumunta dun sa garden sa likod ng school , napaka tahimik kasi dun saka ang ganda ng view . Iniwanan ko yung tatlong ugok dun sa room namin bahala sila dun

Pagdating ko sa garden , inaasahan kong walang tao kaso nagkakamali ako . Nandun pala yung kapatid ko , nandu. si Angel . ano kayang ginagawa niya dito ?saka bakit mag isa lang siya ? siguro may problema nanaman to. nilapitan ko siya at tinanong

"bat ka mag-isa dito?" mukhang nagulat siya , di niya kasi alam na nandito ako

"Pusang lintek !" nagulat nga

"ang gwapo ko namang pusa"

"ang hangin mo!" anong hangin ? totoo naman eh

"tss! walang support"

"ahmm kuya?" teka ? bat ang cold niya ata ? kinakabahan ako

"hmmm?"

"kahit kaylan wala kabang nasilihang gang?" patay na ! anong i sasagot ko ? bat niya naman na tanong yun ? baka may alam siya ? baka alam na niya ! takte

"ahh...ehh.." teka , anong isasagot ko ? nauutal ako saka kinakabahan . bakit ba kasi siya nag tanong ? hayss

"wala" pagka sabi ko nun , umiwas ako ng tingin, parang hinihigop kasi ako ng mata ng kapatid ko

"Blood fight gang" ano ?! pano ?! saka , kanino niya yan nalaman ?!

"paano mo nalaman?" pambihira naman to eh !

"kay Steph" steph ? yun yung kasama niya palagi diba ? yung

"Steph ? yung kaibigan mo? san niya nalaman ? saka pano?!" tanong ko sa kanya , pero mukhang alam ko ang sagot ..

"Sa kuya niya nalaman" kuya ? sinong kuya niya ?! ano bang apelyedo niya ?

"sino bang kuya niya?"

"kilala mo siya , kilalang kilala mo?" kinakabahan na talaga ako dito sa kapatid kong to
Sino ba kasi yung tinutukoy niya?

"sino nga?!" nasigawan ko siya , di ko sinasadya
"patawad" dagdag kong sabi . di ko naman kasi talaga sinasadya na nasigawan ko siya. saka sinekreto ko pa sa kanya ang pagkakaroon ko ng gang ang Blood Fight Gang

"patawad dahil di ko sinabi sayo" hindi ko sinabi sayo ang dapat na malaman mo . pero hindi pa ngayun , di pa tamang panahon

"patawad dahil tinago ko ang lahat ng yun , napaka unfair kong kuya. Ikaw , sinabi mo lahat sa akin .Lahat ng sekreto mo, lahat ng tungkol sayo , lahat ng tungkol sa buhay mo. Sinabi mo lahat sakin , wala kang sinekreto. Lalo na yung pag kakaroon mo ng gang , Nag tiwala ka sakin , pero ako , di ko man lang pinapakita sayo ang pagtitiwala ko, patawad" kung pwede lang talaga , kung pwede ko lang sabihin sayo lahat ngayun na , di yung tungkol sa gang ko , di yung tungkol sakin kundi tungkol sayo , tungkol sayo na miski ikaw di mo alam , at di ko man lang pinaalam patawad Angel

"ok lang naman sakin yun kuya eh ..pero sigurado ka ba talaga ? yun lang yun?" di ako sigurado Angel , pero ang dapat mong malaman , oo yun lang

"Ang dapat mong malaman ? sa ngayun Oo ,oo yun lang sigurado ako dun .. pero ang di mo pa dapat malaman sa ngayon , marami pa Angel" nakikita ko sa mga mata niya na nalilito siya , nagtataka siya at curious na talaga siya

The Bad Girl Hidden in an Angel (COMPLETED)Where stories live. Discover now