CHAPTER 24: Aminan

12.8K 201 0
                                    


Angela's POV

*Crrrrriiiiiiinnnngggg*

Agad kong binuksan ang mata ko at pinatay ang maingay na bagay sa gilid ko . Parang ang sakit pa ng ulo ko dahil sa nangyari kagabi . Pero wala na akong naaalala Ah basta , bahala na . Tatanongin ko nalang sila Claire at Loraine mamaya.

Agad akong bumangon at naligo ,satingin ko di ako komportable sa araw na to , para bang may mangyayari na diko inaasahan . hays bahala na nga

Pagkatapos kong maligo , nag bihis na agad ako . naka long sleve na black ako at maong na shorts saka rubber shoes at cap narin . pupunta ako ng school bibisita lang ako dun

"Good morning yaya" bati ko kay yaya sa kusina

"Sige kumain kana" sabay abot niya ng pagkaim sakin

"San po si kuya ?" Tanong ko habang kumakain

"Nasa school niyo , kanina payun" dina ako sumagot at nagpatuloy nalang sa pagkain

"Alis na po ako" pagpapa alam ko kay yaya

"San ka nanaman gagala ? Mukhang uuwi yung nanay mo mamaya" waah ? Si mommy uuwi

"Talaga po ? Hihi pupunta po akong school" sagot ko kay yaya

"Sge mag ingat ka" tumango nalang ako at lumabas na ng bahay , mukhang wala naman akong masasakyan kaya napag desisyonan ko nalang na mag lakad .tutal maaga pa naman kaya exercise narin

Nang maka rating akong sa school , tinungo ko agad ang daan papuntang office , sigurado andon si kuya ngayon

Walang pasok ngayon , kaya malamang wala ring tao dito sa school . Bored kasi ako sa bahay kaya napag desisyonan kong pumunta dito
Bahala na .

"Loyyd !" Sigaw ko ng makita ko sa di kalayuan si Loyd .

Lumingon siya at inaasahan kong lalapit siya sakin at sasalubungin ako pero . Mali ako
Muli siyang tumalikod at pumasok sa office

Anong problema niya ? Wala lang siguro sa mood . oh baka di niya ako napansin . Pero lumingon siya ! Kinakabahan tuloy ako

Bahala na !

Dumiretso ako sa office at bago ko binuksan ang pinto para maka pasok , huminga muna ako ng malalim

"Pano na...." Naputol ang sinasabi ni Liam ng napansin nilang dumating ako , naka tingin silang lahat sakin
Oo kompleto isa .

"Ako lang ata ang walang alam na magkikita pala tayong lahat dito ngayon ?" Dumiretso ako sa upuan ko na hinihintay ang mga sagot nila . pero wala ni isang nagsalita

"Kung di ako pumunta dito , siguro natapos niyo na pinag uusapan niyo . wala naman pala akong parte sa plano niyo" tumayo ako at akmang aalis na ng tinawag ako ni kuya

"Angela Devilla Flores" kinilabutan ako sa boses ni kuya at sa tono ng pananalita niya . higit pa ron , tinawag niya ako sa buong pangalan ko . naiiyak na ako

Muli akong humarap sa kanila at gaya kanina , naka tingin parin silang lahat sakin

"Upo" sabi ni Loyd

Wala akong nagawa kaya umupo nalang rin ako , gusto ko nang umiyak sa di ko malaman na dahilan

"Wala ka bang sasabihin samin ?" Malamig na sabi sakin ni Loraine

Shit ! Ano bang gusto nilang sabihin ko eh wala nga akong alam sa nangyayari dito !

Nanatili akong tahimik

Diko maintindihan yung gusto nilang ipa intindi sakin ewan ko pero parang kinakabahan ako sa awra dila dito

"Girl in Mask" napa lunok ako ng wala sa oras ng marinig ko ang sinabi ni Loyd

The Bad Girl Hidden in an Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon