Chapter 6: Binx Cristobal

Start from the beginning
                                    

Agad namang nabalik sa reyalidad si Reanna nang matanto niya ang sinabi ng lalaki sa kanya. Napatingin siya kay Eve at agad na umalis para maghanap ng sasakyan. Nang makahanap na siya ay agad na nilang pinasok sa loob si Eve. Naupo si Reanna sa may driver's seat samantalang sa likod naman iyong lalaki para umalalay kay Eve. Tiningnan ito ni Reanna at wala siyang maisip na ibang dahilan kung bakit ganito na lamang sila tulungan ng lalaki. Unless, magkakilala sila ni Eve.

"Do you really need to look at me like that?"

Napapitlag si Reanna nang bigla niya na lamang ulit marinig ang boses nitong napakalamig at wala man lang kaemo-emosyon. Bigla siyang kinabahan at nakaramdam ng pagkailang kaya agad siyang napaiwas ng tingin sa lalaki.

"Uhm, may I know your name?" Reanna asked while stuttering. She cursed under her breath then closed her eyes for making herself an embarrassment in front of the stranger guy.

'Why am I acting weird today? Is it because of this guy? Nah...' she mumbled.

"You don't need to know. It's not that important."

Kung hindi lang nasa panganib ang buhay ni Eve ngayon ay kanina niya pa ito sinugod dahil sa weird at rude na pag-uugali nito. She just rolled her eyes at hindi na ulit nagsalita pa. Nakarating sila sa hospital at agad naman silang dinaluhan ng mga nars at doktor.

"What happened?" tanong ng nars kay Reanna na hindi niya naman nasagot dahil sa sobrang pag-aalala at pagkataranta.

Naiwan siya sa labas ng emergency room at nanghihinang napaupo sa isang bench. Nakita niya na kausap ng nars iyong lalaking tumulong sa kanila kaya hindi na siya nag-abala pang mag-isip ng sasabihin sa nars. Maging siya ay hindi alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa best friend niya. Ngayon lang niya ito nakita ng ganito. Hindi niya lubos maisip na may sakit ito.

Mayamaya lang ay napansin niyang tapos na mag-usap ang nars at ang lalaki. Naglakad ito patungo sa kanya at sinabing...

"Call her parents. I need to go." Saka siya nito tinalikuran na parang wala lang. Hahabulin niya sana ito pero wala na siyang lakas para gawin iyon. Mas importante pa rin sa kanya si Eve.

Nilabas niya ang cell phone niya mula sa bulsa niya at nakitang may missed call at text sa kanya si Eve. Binuksan niya naman agad ang mensahe pero naputol ito sa hulihan at hindi niya na napigilang mapaluha dahil bigla siyang nakaramdam ng guilt at pagkaawa sa matalik niyang kaibigan.

Lumipas ang ilang minuto na iyak lang siya nang iyak hanggang sa tuluyan na siyang tumigil. Nanginginig man ay sinimulan niya nang tawagan ang mga magulang ni Eve.

"Hello, Tita?" Sinubukan niyang huwag pahalatain ang nanginginig niyang boses sa kabilang linya pero hindi niya pa rin ito nakayanan.

"Oh, napatawag ka hija? May problema ba?" Lalo lang ulit siyang nakaramdam ng guilt nang marinig niya sa kabilang linya kung gaano kasaya ang mommy ni Eve habang kausap ang daddy nito tapos sisirain niya lang.

"Si Eve po... dinala po siya sa ospital ngayon. Pumunta na lang po kayo rito. Pakibilisan lang po..." Bago pa man makapagsalita ulit ang mommy ni Eve ay agad niya nang pinutol ang tawag.

Napahagulhol siya habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ni Eve, ang nag-iisa niyang best friend...

Tumayo siya habang marahas na pinupunasan ang mga luhang kumawala sa mata niya. Napatingin siya sa pinto ng emergency room kung nasaan si Eve ngayon. Mabigat man sa loob niya na iwanan ito, kailangan niya pa ring gawin dahil baka lalong hindi niya makayanan na makita ang mga magulang nito na umiiyak at nasasaktan.

Nang makuntento na siya sa pagtingin niya sa pinto ng ER ay tinalikuran niya na ito at agad nang nagsimulang maglakad palabas ng ospital. Bago pa man siya makaliko nang tuluyan sa daan palabas ng hospital ay narinig niya na ang boses ng mga magulang ni Eve. Dala ng sobrang pagkataranta ay agad siyang bumalik at dumaan na lang sa fire exit.

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now