Still Playing ♡ Chapter 14 & 15

Start from the beginning
                                    

"Bakit? Pinapapunta ka ba niya roon? At bakit ikaw lang mag-isa ang aalis?" magkasunod ko pang tanong, and thinking if something have had happened to Lianne.

"G-gusto ko lang siyang puntahan. Wala kasi si Manong kaya—"

BEEP!

Agh! Napalingon kami pareho ni Hannah sa bumusinang sasakyan at nakita namin ang kotse ng magaling kong kapatid.

Himala! Ano kayang masamang hangin ang nagpauwi sa kanya? Gugunaw na ba ang mundo?

Dumungaw si Renz sa bintana ng kotse niya. "Buksan niyo nga 'yong gate!" wala man lang pakiusap na utos niya.

Kung makautos siya ay akala mo alila kami! Minsan talaga ang sarap bangasan nitong kapatid ko, eh. Ay, hindi pala 'minsan.' Kundi 'madalas.'

"Buksan mo! Kotse mo papasok, 'di ba?" pabulyaw kong balik sa kanya.

At wala talaga akong balak buksan ang gate pata sa kanya. Namumuro na talaga, eh. Nawili na masyado. Ganitong ako ang na-armalite ni Mama ng dahil sa kanya, baka gusto niyang ma-armalite ko din siya!

But to my surprise, may magandang babae na lumabas sa kotse ni Renz at siya ang nagbukas ng gate. Ipinasok ni Renz ang kotse niya at pagkatapos ay isinara rin ng magandang babae ang gate.

Kung alam ko lang na may ganyan kagandang babae na nakasakay sa kotse ni Renz, edi sana, nakakandarapa ko pang binuksan ang gate para sa kanila! Kaya pala umuwi ang kapatid ko dahil may magandang nagpahatid sa kanya.

Tsk... sana ako na lang ang sumundo kung uuwi pala siya. But it's only Thursday. Bakit siya napauwi? Balak ko pa naman siyang sunduin bukas! Lintek talaga!

Lumapit siya sa amin ni Hannah at walang salitang kumuha na lang siya ng dalawang muffins sa bowl na hawak ko. Isinubo niya ang isa at ngumiti nang malasahan iyon. Nakaramdam ako ng gutom ulit. Pero parang mas gusto kong papakin ang labi niya kaysa dito sa muffins.

Ugh! Where did that came from, Mark?!

Dammit! I miss her so much!

"May lakad ka, Ate?" tanong niya kay Hannah sa pagitan ng pagnguya.

"Wala." Umiling si Hannah. "Pupunta lang sana ako sa university to see you."

"Ahh..." Tumangu-tango si Lianne at isinubo niya ang isa pang muffin na nasa kamay niya. "Bakit? May kailangan ka ba sa 'kin, Ate?" tanong pa niya habang ngumunguya pa rin.

I just watch how she chew the food. And I swear... I wanted to grab her to kiss her lips.

"Wala naman." Ngumiti si Hannah at kumapit sa braso niya Lianne. "Tara, pasok tayo sa loob."

Pumasok silang dalawa sa maliit na gate at wala sa loob na sumunod naman ako. Pero isang paa ko pa lang ang nakahakbang papasok sa gate nang huminto silang dalawa. At natural na mapahinto rin ako. Napaangat pa ang ulo ko sa pagharap sa akin ni Lianne. Nakalimutan kong ang tangkad ko nga pala kaya nauntog ako sa gate.

"Fudge!" napahawak ako sa ulo kong nasaktan.

Pero parang hindi man lang napansin ni Lianne ang pagkauntog ko, kahit yumanig ang buong gate nila at pati yata ang dalawang poste sa magkabilang dulo ng gate. Kumuha lang ulit siya ng dalawang muffins sa bowl na hawak ko.

"Paki sabi kay Tita Belle, ang sarap," nakangiting sabi niya bago siya ulit tumalikod at naglakad na ulit kasabay si Hannah.

Napatingin ako sa muffins na nasa bowl at nagpasalamat doon dahil napansin ako ni Lianne at mukhang naging good mood siya dahil nginitian niya rin ako. Pero sana ay hindi ako magkabukol.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now