Still Playing ♡ Chapter 14 & 15

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mama, kumalma nga lang ho kayo!" sigaw ko na rin para pahintuin siya.

Totoo talagang parang armalite ang mga bibig ng nanay kapag nagagalit. And I love my mom. At wala iyong connect sa nauna kong sinabi.

"Ang altapresyon niyo ho..."

Binatukan na naman ako ni Mama. "Hindi ako high blood!"

"Alam ko po... baka lang ma-high blood po kayo bigla." Hinawakan ko ulit siya sa magkabilang balikat. "Umupo muna ho kayo." At hinila ko ang isang silya para sa kanya.

"Ano ba kasing nangyayari sa kapatid mo? Bakit huminto sa pag-aaral?" mahinahon nang tanong ni Mama at mukhang iiyak na anumang oras.

"Hindi ko rin alam, 'Ma. Tsaka, paano ko malalaman kung hindi naman 'yon madalas umuwi rito? Nitong nakaraan ko lang din po nalaman," paliwanag ko. "Alam niyo naman po iyong bunso niyo... hindi rin naman din talaga 'yon nagsasabi."

Gusto ko na lang pulbusin si Renz. Bingo na siya sa akin! Ako pa ang napapagalitan sa kalokohan niya. At imbis na mag-bake si Mama, nai-stress sa kanya! Pati tiyan kong walang sala ay nadadamay.

Tumayo si Mama at bumalik sa bini-bake niya. "Kapag nakita mo ulit ang kapatid mo, pauwiin mo! Kung ayaw ay ilagay mo sa sako at iuwi dito sa bahay!"

That's a good idea. Gagawin ko talaga iyon, basta pakainin muna ako ni Mama.

After twenty minutes ay natapos na rin si Mama mag-bake. Excited pa akong dumampot ng muffins pero pinalo ni Mama ang kamay ko.

"'Ma—" protesta ko sana pero pinutol agad iyon ni Mama.

"Ihatid mo muna ito sa kabila," utos niya sa akin kasabay ng pag-abot sakin ng isang bowl ng pinakaaasam-asam kong muffin.

Tsk! Nagugutom na nga, nautusan pa. Pero siyempre kahit gutom na talaga ako ay sumunod pa rin ako. Kapag ganitong nangungunsumi si Mama sa kapatid kong ugok, ayokong dinadagdagan ang pangungunsumi niya dahil ayokong naa-armalite. Nasampulan na nga ako kanina, eh.

At isa pa, mabait talaga ako. Wala akong kasing bait! Mas mabait ako kay Ejhay. Hindi lang halata. Kahit nasasaktan na nga ako, sinusunod ko pa rin si Lianne.

Kung uutusan lang ako ng nanay ko na pikutin si Lianne, gagawin ko talaga agad! Ang kaso, hindi naman nila alam na break na kami. Ayaw ko ring malaman nila at parang ganoon din naman si Lianne. Which is a good sign. She must be doing all of this because she thought, Hannah likes me. And that's a big mistake.

Wala akong nakikita ni katiting na pagkagusto sa akin sa Hannah. Everytime na magkasama kami ay puro tungkol kay Lianne naririnig ko sa kanya. May minsan pang nakita ko siya na nangingiti habang may ka-text sa cellphone niya and that's probably a guy. Well, I just know how a girl smiles when she's in love.

Dahil katulad iyon ng ngiti sa akin ni Lianne.

Alright... I'm being too optimistic here and assuming that Lianne really loves me.

Pero hindi ko talaga alam kung saan niya nakuha ang ideyang may gusto sa akin si Hannah. She's probably imagining things! But of course, kahit pa ganoon ay hindi pa rin ako susuko and at the same time, hindi ko siya pipiliting bumalik sa akin.

I'll just wait until she comes back to me.

Malapit na ako sa gate nila Lianne nang makita kong lumabas mula roon si Hannah. Naglakad pa ako palapit sa kanya at huminto ako sa likuran niya. Nagulat pa siya nang malingunan niya ako matapos isara ang pinto.

"Kuya Mark!"

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"S-sa school ni Lianne." Halata sa kanya na kinakabahan siya sa hindi ko malaman na dahilan. Para siyang bata na nahuling gumagawa ng kalokohan.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon