CHAPTER 45

1.5K 28 20
                                    

Chapter 45

Kurt is waiting for me downstair at sabay sabay na kaming kumain sa hapag.

"Britt." Tawag nya sakin habang nakain kami. Nagtinginan samin sila mommy at nick.

"We will talk later Kurt. Nakakahiya sa pagkain." Tinunguhan lang ako ni mommy at nagpatuloy na sa pagkain.

I don't know kung anong gagawin ko. Ayaw kong isuko ng ganon ganon na lang ang anak ko. Ilang taon kong binuhay ang bata at kukunin nalang nila ng ganon ganon lang.

Nagtataka siguro kayo kung nasaan si Kurt nung mga nakalipas na taon. Busy sa trabaho si Kurt. Alam nya na nabuntis nya si Loah at ganon nalang ang galit nya dito ng malaman nya na sumama si Loah sa ibang lalaki at iniwan nya ang anak nila. Hindi nya matanggap na iniwan sya neto kaya nagpakabusy sya sa trabaho nya.

Madalas nyang dalawin ang anak nya at di ko naman pinagkait sa kanya iyon. Alam ng bata kung sino ang ama nya pero hindi nya alam na hindi ako ang totoong mama nya. Anong gagawin ko, nawalan ako ng anak at may blessing na dumating. Ang sama ko ba dahil pinagkait ko sa kanya ang totoong mama nya? Masisisi nyo ba ako na mahal ko ang bata at ako na ang tinuring nyang nanay?

Natapos na kaming kumain at di ko pa din alam kung anong mararamdaman ko pag nakita ko si Loah. Isusumbat ko ba sa kanya ang lahat? O ibibigay nalang si nick?

Hinawakan ni Kurt ang kamay ko. At naramdaman nya ang kaba ko dahil sa lamig ng kamay ko.

"Britt napakadami kong utang na loob sayo. Simula ng dumating si Nick sa buhay mo, itinuring mo na syang anak at pinalaki ng maayos ang bata. Nagpapasalamat ako sa lahat Britt. Kaya pwede ba akong humingi ng pabor? This will be the last time Britt. Pwede bang ipaubaya mo na saamin si Nick. I'm begging you Britt. Alam kong masakit sa part mo to pero masakit din samin na mga magulang na hindi namin nakapiling ang anak namin." Kumuyom ang mga palad ko at pinipigalan ko ang pag iyak ko. Pwede bang wag nyo nalang syang kunin saakin? Gusto kong sabihin ka Kurt yon kaso alam kong sasabog ako once na nagsalita ako. Kaya nanatili nalang akong tahimik hanggang sa makarating kami sa destinasyon namin.

When the restaurant door open. I've already saw Loah waiting for me. Agad naman na nagliwanag ang muka nya ng makita ako.

"Britt." Sabi nya ng makaupo ako sa harapan nya.

"Explain." Ayun nalang ang nasabi ko.

Huminga muna sya ng malalim at nagsimula ng mag salita.

"Alam kong napakadami kong kasalanan sayo. Britt mapapatawad mo pa ba ako? Ako kasi hanggang ngayon hindi ko mapatawad ang sarili ko sa pagiwan sa mag ama ko. Alam mo bang gabi gabi akong umiiyak dahil sa ginawa ko. Mahal na mahal ko si Kurt..." Pinutol ko ang sasabihin nya.

"Mahal mo pero iniwan mo? Anong pagmamahal don? Alam mo bang gabi gabing naglalasing yun dahil sa ginawa mo? Bakit anong rason mo para ganon ganon mo nalang abandonahin ang mag ama mo? Ina ka ba talaga?" Napahagulgol sya sa sinabi ko.

"Hindi mo ko naiintindihan Britt." Sabi nya habang umiiyak.

"Then explain it all to me. Nang maintindihan ko." Pasigaw ko. I saw in my peripheral vision na pinagtinginan na kami kaya kinalma ko ang sarili ko.

"May kapatid ako Britt. He needs me. Alam mong wala na kong magulang at kelangan ako ng kapatid ko. May malubhang sakit si Kuya at kelangan nyang operahan. Wala akong mahingian dahil nahihiya ako sainyo ni Kurt. Ayaw kong isipin nyo na ginagamit ko lang kayo. Pagkatapos kong manganak iniwan ko sayo si Nick dahil alam kong mas magiging maayos ang buhay nya pag sayo ko sya iniwan. Nung nagsama kami ni Kurt hindi ko alam kung anong gagawin ko lalo nat buntis ako dahil ang dami nyang babae Britt. Gabi gabi akong umiiyak sa sakit dahil nakikita ko sa cellphone nya na may mga babae sya. Alam kong niloloko lang ako ni Kurt at ikaw ang mahal nya dahil kayo naman talaga ang dapat na magsama kasi pinagkasundo kayo." Hinawakan ko ang mga kamay nya.

"Loah hindi namin mahal ang isat isa. Alam mo yun. Alam mong may mahal akong iba at si Ford yon." Kumpirma ko sa kanya.

"Hindi ko pinagkatiwalaan si Kurt Britt dahil gabi gabi akong nakakatanggap ng mensahe mula sa mga magulang nya at hiwalayan ko daw ang anak nila dahil hindi kami bagay. Isang araw pumunta ang mama ni kurt at kinausap ako. Binigyan nya ko ng cheke at sinabing ibibigay nya lahat ng sustento sa bata pag nanganak na ko basta wag na kong magpakita sa anak nila. Sobrang sakit Britt. Na hindi ako tanggap ng pamilya ng tatay ng anak ko. Masama ba kong babae para gawin sakin yon?" Patuloy lang sya sa pagiyak. Naaawa ako sa kaibigan ko. Hindi ko alam yon. Wala din akong alam sa nagyayari sa kanila ni Kurt ang tanging alam ko lang ay may relasyon sila. Pero hindi ko alam na ganito na pala ang pinag daanan ng kaibigan ko.

"Hindi ko tinanggap ang cheke at tinabi lang yon sa drawer namin. Malapit na kong manganak that kasi ramdam ko na ang pananakit ng tyan ko pero di ko sinabi sa mama nya. Kaya pagkaalis nya tinawagan kita." Naalala ko yung pagtawag nya saakin. Kaya agad akong napasugod sa unit ni Kurt. Sinugod ko si Loah sa ospital. Wala si Kurt at di makontact.

"Nasaan si Kurt nung nanganganak ako? Wala sya diba. Kasi alam ko nasa babae nya sya non. Kahit sa huling araw ng pagbubuntis ko wala ang tatay ng anak ko." Lalo syang napahagulgol. "After kong manganak alam kong eto na ang pinakahihintay mo Britt na marinig.  2 buwan. Sabi ko may pupuntahan lang ako. Totoo naman Britt pupuntahan ko lang ang Kuya ko. Hindi ko din inakala na sa pag iwan ko sa anak ko sayo ayon na pala ang huling makakasama ko sya. Hindi ko ginustong iwanan ang anak ko Britt dahil minahal ko sa sinapupunan ko si Nick. Dinala ko sya  ng ilang buwan at dugo, pawis at buhay ang inalay ko para makita lang sya. Kaya ganon nalang ang pagsisisi ko na bakit di ko sya nakasama.

"Bakit ka nga ba umalis?" Tanong ko na may senseridad.

"Pagkabigay ko kay Nick sayo umuwi muna ko ng unit. At nagulat ako sa binalita ng pinsan ko. Nagkasakit si Kuya. Pinuntahan ako ng pinsan ko sa condo ni Nick at yun ang nakita nilang lalaki. Sumama ako agad dahil inaatake nanaman daw ang kapatid ko. At anytime soon baka bigla nalang sya bawian ng buhay. Hindi na ko nakapag paalam sayo at kay Kurt. Nagtataka ka kung bakit ngayon lang ako? Umayos ang pakiramdam ng kuya ko nung nadala na sya sa ospital. Pero Malubha ang kalagayan nya at kinailangan syang operahan dahil sumuko na daw ang dalawang kidney nya. Nangailangan kami ng donor at wala akong choice kung hindi ibigay ang isang kidney ko" sabay pinakita nya ang opera nya sa tagiliran. "Naiwan ko lahat ng gamit ko sa condo kaya hindi ako makatawag or text sa inyo. Masyadong malayo ang probinsya at wala ding signal. Hindi ako nakabalik agad dahil sa kalagayan ko. Ang sabi ko babalik ako ilang bwan ang nakalipas pero lumala ang sitwasyon. At nanghina ang resistensya ko. Ilang taon akong nagkasakit Britt. At ngayon alam kong ok na ko. Kaya ko na Britt." This time nagalit ako kay Kurt. Bakit may mga babae pa sya alam nyang buntis si Loah. At si Tita. Bakit nya ginawa yon. Napakabait ni Loah para maging ganon sya.

"Britt." Hinawakan ni Loah ang mga kamay ay bigla nalang sya lumuhod sa harapan ko na syang ikinagulat ko. "Please I'm begging you. Nagmamakaawa ako. Si Nick. Pwede bang akin nalang ang anak ko." At that moment nawalan ng malay si Loah.

Woaaaah. Mukang naaamoy ko na ang nalalapit na katapusan. Nagwowonder ba kayo kung nasan si Ford? Maski ako din nagwowonder kung nasan sya ngayon eh. Hehe

Read Vote and Comment

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not yet ReadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon