Chapter 19

2K 42 0
                                    

Chapter 19

Nilingon ng dalaga ang binata na ngayon ay nakadamit na. Di nya ata kayang tingnan eto ng walang saplot at baka kung ano pa ang mangyari sa loob ng opisina nila

"tapos ka ng kumain? Ilalagay ko lang eto sa kusina" humakbang na ang dalaga papuntang kusina at hinugasan ang pinagkainan ng binata

Di alam ni britt kung bakit sya kinakabahan gayong nakita nanaman sya netong nakabra nalang.

"matulog ka na muna jan dito lang ako sa tabi mo. Tutal anong oras na naman dito na muna tayo itetext ko nalang ang driver mo na sunduin ka pagkagising mo" tumango naman ang lalaki at ipinikit ang mga mata

Lumipas ang ilang minuto at mahimbing na ang tulog ni ford. Sinusuri ni britt ang muka ng lalaki at kahit anong bakas walang makita sa makinis netong balat.

Ang mga mata neto, pilikmatang mahaba, ilong na matangos at ang labi na malambot. Dahil di na mapigilan ni britt ang sarili hinawakan na nya ang nang aakit na labi neto.

Dahil sa nilalagnat ang binata ang labi neto ay pulang pula kaya naman naakit ang dalaga na hawakan eto di naman malalaman ng binata dahil tulog eto.

"hmmmmm" nagulat sya ng biglang umungol ang binata sa hawak nya.

Dahan dahang binuksan ni ford ang isang mata nya at nakita nya na titig na titig ang dalaga sa kanya. Napabalikwas sya ng higa at ipinikit ulet ang mata. Tila nahiya naman ang dalaga at namula sa ginawa nya.

"ok na ba ang pakiramdam mo?" tanong ng dalaga sa kanya

Umayos ng higa si ford at sinuri din ang magandang muka ng dalaga na ngayon ay nakatingin sa malayo.

Tila na sisinagan eto ng liwanag ng buwan at tumatama ang liwanag neto sa magandang muka ng dalaga.

Napangiti ang binata ng makitang namumula ang muka ng dalaga.

"bakit ka nakangiti jan" naiiritang tanong neto sakanya

"nakangiti ba ko? Di naman ah" natatawang sambit nya kay britt

"tsss bahala ka na nga jan. Uuwi na ko may camp pa ko mamayang 5 mag aalas dose na ng madaling araw baka malate ako pag di pa ko umuwi" nalungkot naman ang binata sa nalaman.

Kahit na may sakit sya ngayon sasama pa rin ang mahal nya sa camping ng kaibigan neto

"di ba pwedeng wag ka na munang sumama dun. Pag gumaling ako magcacamping din tayo" hinawakan ng mainit na kamay nya ang braso ng dalaga at tila napaso eto sa pagkakahawak nya.

Obvious nga na mataas ang lagnat nya dahil bukod sa namumula ang buong muka nya di nya din maigalaw ng maayos ang katawan nya dahil pakiramdam nya ay lumulutang sya.

"baby ang init init mo. Ano ba kasing ginawa mo?" nagulat ang binata ng tawagin sya sa endearment nilang eto. Ngayon lang nya eto narinig ng ganoon kaya naman ang muka nyang kaninang walang gana ay nagkaroon na ng buhay ngayon.

"uwi na tayo baby gusto ko ng matulog sa kwarto. Nandyan na ba yung driver ko?" tumango naman ang dalaga at dahan dahang itinayo at binata at inalalayan eto.

Aware ang binata na nararamdaman ng dalaga ang panginginig ng katawan nya. Buti nalang at inaalalayan sya neto kahit na hamak na mas malaki sya dito.

Nakarating na sila ng parking lot at sinalubong naman sila ng driver neto.

"manong kayo nalang po ang maghatid sa kanya may sasakyan naman po ako susundan ko nalang po kayo" ngunit hingpitan ni ford ang pagkakahawak nya kay britt at napatingin ang dalaga sa kanya

"don't you dare to drive alone!" mariin na sabi ng binata at nawalan na sya ng malay

Itutuloy...

Not yet ReadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon