CHAPTER 42

1.3K 25 6
                                    

Chapter 42

Nagising ako na magkasama pa rin kami. Tumayo ako at dumiretso sa bathroom.

"Ginawa ko ba talaga ang nangyari kagabi? Ginusto ko ba yon?" Tanong ko sa salamin at ngumiti eto sakin. "Yeah Britt you really love that" para kong tangang kinakausap ang sarili ko.

Isang text ang natanggap ko galing kay mommy.

"Nak umuwi ka dito. Nandito si Loah"

"Ok wait me there" sent

Naligo at nag ayos na ko. Binigyan ko lang ng isang matamis na halik ang lalaking nakahiga sa kama ko.

"Be a good boy darling. My meeting lang ako. I love you." Napangiti ako sa sulat na ginawa ko. After a years ngayon ko lang narealized na mahal ko talaga ang lalaking eto.

Umalis na ako at dumiretso sa bahay.

"Mommy ." Bungad saakin ng anak ko at sinalubong ako ng yakap. "There is a beautiful lady in our living room. Bestfriend mo daw sya sabi nya."

"Really baby? Is she beautiful?" Tanong ko sa kanya.

"Yes mommy. But you are more beautiful." Tinap ko nalang ang head nya at pumunta kung nasan sila Loah.

"Mom." Napatingin naman sila ng marinig ang boses ko.

"Upo ka." Malamig na sabi neto sakin. "Pag usapan nyo yan and Nick come on lets play sa room mo." Umalis sila mommy at naiwan kami ni Loah.

"Kamusta ka?" Pag umpisa nya

"Sa nakikita mo. Ok naman ako. Malaki na din ang anak.." naputol ang sasabihin ko ng bigla syang lumuhod sa paanan ko.

"Britt forgive me please. Hindi ko sinasadya ang nangyari." Pagmamakaawa nya

"Nangyari na Loah. Nangyari na. Sa tingin mo maibabalik pa ng pag iyak mo ang nawala na? Sa tingin mo maibabalik pa nyan ang nawala sating dalawa?" Pasigaw kong sabi sa kanya.

"Sorry Britt. Hindi ko kukunin ang meron ka ngayon but please forgive me."

"What the fu*ck is wrong with you Loah?" Mas lalo akong nainis sa sinabi nya. "Pitong taon. Pitong taon na wala kang pakialam? Pitong taon ang sinayang mo at hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap?. Ina ka ba talaga?" Lalo syang umiyak at napahagulgol.

"Hindi ko pa kaya Britt." Nakayuko nyang sabi.

"You did that. Gusto mong patawarin ko ang mommy ko sa nangyari dahil hindi ko matanggap na isa sya sa rason ng pagkalaglag ng anak ko. Kung hindi nila pinaalis si Ford sa bahay sana hindi mangyayari ang lahat. Sana buhay ang anak ko. Tapos ikaw gusto mong patawarin ko sila? Ano sumagot ko. Lumandi landi ka ginawa mo pero ang managot sa pinaggagagawa mo hindi mo kayang harapin?" Iyak lang sya ng iyak. "This is non sense. Bakit ka pa pumunta dito kung ganyan lang din ang gagawin at sasabihin mo. Ako gustong gusto ko ng mag kaanak pero ikaw. Mygad Loah. Hindi ko alam kung ikaw pa ba yan!" Tumayo ako at napapaypay nalang sa sarili ko.

"Britt. Ikaw na munang bahala sa kanya. Alam kong hindi nya pa din alam na ako ang ina nya. Alam kong mali ang nangyari samin ni Kurt. Alam kong mali ang ginawa ko. Pero hindi ko kaya Britt. Napamahal na sayo ang anak ko. Napamahal na sya sa iyo. Kung magpapakilala ako ngayon hindi nya din matatanggap dahil kitang kita ko sa malayo. Kitang kita ko kung gano ka nya kamahal. Please Britt." Humahagulgol sya habang sinasabi ang lahat ng iyon.

"Alam mo Loah. Sa totoo lang naaawa ako sayo. Hindi ka na din ang Loah na nakilala ko. Nasan na ang dating ikaw? Nasan na yung masayahing kaibigan ko. Bakit ka nagkaganyan? Alam kong may nangyaring one night stand sa inyo ni Kurt. Kahit ilihim mo pa ito saakin dati. Hinabol ka naman nya diba. Bakit di mo sya tinanggap. Pitong taon kong hinintay kung magpapakaina ka ba sa anak ko. Pero mukang ayaw mo. Didiretsuhin na kita Loah. Kung hindi ka magiging ina kay Nick ako na ang nanay nya habangbuhay. Hinding hindi ka nya makikilala dahil ikaw mismo hindi mo kayang matanggap ang katotohanan." Napaupo sya sa sofa at lalong napaiyak. Sa totoo lang naaawa talaga ako sa kanya. Nawala ang dating sya simula ng isilang nya si Nick. Hindi ko alam ang rason nya sa pagbigay nya sakin sa bata. Siguro meron ding dahilan kung bakit sya nagkaganyan.

Ilang minuto ang lumipas at tulala syang umalis ng bahay.

"Anak." Si mommy habang papalapit saakin.

"Yes mom." Niyakap nya ko bigla at napaiyak na lang ako.

"I'm so sorry anak. Akala namin ng dad mo na mas mapapaganda ang buhay mo pag wala si Ford. Hindi namin sinasadya ang ginawa namin. Gusto lang namin na maging mas mabuti ka kung nandito ka saamin. Sorry anak." Nalungkot ako sa sinabi ni mommy. Dahil imbes na maging maganda ang buhay ko. Naging worst pa ito. Binago nila ko. They made me a monster. The monster inside of me slowly killing the real me. The monster took me.

Pitong taon. At ngayon ko lang naramdaman na yakapin ng isang ina. Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung bakit nangyari to. Nawala ang lahat saakin. Nawalan ako ng anak. Nawalan ang ako ng mahal sa buhay at nawalan ako ng magulang.

Niyakap ko nalang din si mommy at di na nagsalita. Gusto kong ganto nalang kami. Yung bata nalang ulit ako. Yung wala nalang ulit akong problema.

Akala ko kasi kaya ko na eh. Kaya ko ng tumayo sa sarili ko na walang inaapakan na mga tao. Hindi ko pala kaya. Kahit na mukang perfect ang buhay ko sa camera. Marami akong kulang na hinding hindi ko mapakokompleto kung wala ang mga taong nasa paligid ko.

Why life didn't tell me that being adult is hard.

Lalong humigpit ang yakap ko kay mommy. Si mommy alam ko at ramdam ko na araw araw nyang sinisisi ang sarili nya sa nangyari saakin. Dahil sa nangyari nasira ang masayang pamilya na binuo nila. Nawala ang masayang pamilya na dating mukang walang problema. Nang dahil sa nangyari nawala ang buo at matibay naming relasyon.

"Mom I'm sorry. Ako ang higit na may kasalanan dito. Hinayaan kong kainin ako ng pride ko. Hinayaan kong kainin ako ng kabitteran ko. Hinayaan kong maging ganito ako. Alam ko po na kaya nyo iyon nagawa upang mapabuti ako. At dahil dito natuto ako. Naging marunong ako sa buhay. I'm really sorry mom. Kung may mas higit na nasasaktan dito kayo po yun. Kayo po yun ni dad. I'm really really sorry mom and I miss you." Lalong napahagulgol si mommy at tinap ang likod ko.

"Thank you anak. Ang tagal kong hinintay ang araw na ito. Ang araw na mapapatawad mo kami sa lahat ng nagawa namin. Salamat anak. Matutuwa ang dad mo pag nalaman nya ito." Napaluha ako ng lalo ng maalala si daddy.

"Mom ok na ba si daddy?" Nagtungo kami sa kwarto nya at napaiyak ng makita sya.

"Dad. I'm sorry. I'm sorry. Mahal na mahal kita dad" Niyakap ko ang katawan ni daddy na nakahimlay sa kama. Ang malakas kong daddy. Ang masiyahin kong daddy. Ngayon walang malay at lantang gulay. "Dad mag pagaling ka ah. Maglalaro pa tayo nila Nick pag gumaling ka." Iyak lang ako ng iyak sa kalagayan nya.

Ganto na ba ko kamanhid na hindi ko alam na ganito na pala kaworst ang nangyari sa magulang ko. Sobrang mahal na mahal ko sila at di ko kayang makita sila na nagsusuffer sa ganitong sitwasyon.

"Dad wag kang susuko ah. Sobrang mahal ko kayo ni mommy. Nandito na ang baby mo. Bumalik na ko dad. Ako na to dad si Britt. Kaya magpagaling ka ah kasi madami pa kong utang sayo. Diba gusto mo maging successful ang baby mo? Eto na ko dad oh. Successful na ko. Natupad ko na ang wish mo. Kaya gising ka na dad ah. Hindi tayo susuko diba. Pagsubok lang to at malalampasan din natin to." Patuloy lang ang luha ko sa pag agos. Nakakaawa si daddy. Ako talaga ang may kasalanan ng lahat ng to.

Sorry guys super short update! Love love.

Read Vote and Comment.

Not yet ReadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon