CHAPTER 38

1.9K 32 9
                                    

  Chapter 38 

 "Ready One, two, three go" Sigaw ng photographer at nag pose na ako. 

 "Go Miss BN ang ganda ganda mo talaga" Sigaw ng isang crew kaya nginitian ko sya at nag pose ulit. 

 "Ok guys. 10mins break and we'll resume later" Sabi ng manager ko. Inabot naman nya sakin ang towel at robe at hinarang ko na agad ito sa medyo hubad kong katawan.

 "Nice pose Britt. Wala ka paring kupas." Bineso nya naman ako at tinabihan 

 "Kanino pa ba ko mag mamana edi sayo. Sus mas magaling ka kayang magpose sakin madam ikaw lang naman ang bihasang nag turo saakin." Nag high five kami at tinitigan nya kong mabuti. Nilakihan ko naman sya ng mata nagulat ng nilapit nya ang muka nya sa muka ko at braso ko. 

 "What the hell is that?" Sigaw nya at turo sa mga kalmot ko. 

 "Wala may nakabangga lang at yun napuruhan kaya yun" Sabay nguso sa braso ko. 

 "Who the hell is that?" Kunot noo nyang tanong. 

 "Oi mga tingin mo madam. Wala lang yun ano ka ba. Isang impakta lang yun na lumabas ng kanyang lungga at nakakita ng dyosa kaya nainsecure ." Nginitian ko lang sya pero di pa rin nakontento. 

 "Nako nako britt kilala kita. Sino nga yun aber?" Pagtataray na nya"Hay nako! Si Aira madam kilala mo yung babaeng higad na lumandi sa ex ko? Ayun nakabunggo ko sa EK at nakilala ako kaya nagkaganito muka at braso ko." Ininda ko naman ang mejo mahapding kalmot ko. 

 "Eh ano ba kasing ginawa mo bakit ka inaway? Shempre di naman mang aaway ang isang tao kung wala ka ding ginagawa." 

 "Hala? Ako pa? Sinabihan ko lang naman syang bitch tas ayun nagalit." Nakapout na sabi ko 

"Nako britt wag ka ngang ampalaya jan. Move on girl successful ka na kaya wag mong hayaan ang sarili mong hatakin pababa ng pagiging bitter mo. Umayos ka. Di maganda yun. What if may media na nagkalat dun edi nabalita ka nanaman? Wag ganon. Kegandang babae napaka war freak." Sabay pose ng fierce. Nagtawanan lang kami at bumalik na sa trabaho. "

Bye Ms. BN" Paalam ng mga katrabaho ko at ngumuso sa likuran ko. Tinignan ko ang tinuturo nila at laking gulat ng makita si papsi na nakatayo doon. 

 "Papsi." Masigla kong bati at lapit sa kanya. 

 "Anak" Mahigpit nyang yakap saakin. "Kamusta ka na?" Sabay ngiti nya. Mahahalata mong tumatanda na talaga sya dahil sa puti netong buhok. 

 "I'm ok. Kayo po? Nabalitaan ko pong itake daw kayo at naconfined sa hospital? What happened papsi? Ok na po ba kayo?" Alalang tanong ko. Inatake kasi sya ng high blood last weedend at hindi ko sya nadalaw dahil busy ako. 

 "Ok naman ako anak. Ikaw ba? Antagal na nating hindi nagkita. Panay usap lang tayo sa telepono. Ok ka lang ba sa project mo ngayon?" Tumango lang ako at nag thumbs up 

 "Mabuti naman dahil malapit na ang pag eend ng contract mo. I came here to say that you are invited sa launching ng aming kompanya. Dahil ikaw ang aming modelo dapat ay dumalo ka." Nagisip na muna ko bago sumagot. Alam kong kasama sa launching na yon ang babae ni Ford at hindi ako makakapayag. 

 "Papsi. Sasama lang ako kapag sinundo ako ng anak nyo." Napangiti naman ang matanda at tumango. 

 "Sige anak I will tell Ford na sunduin ka. Pero wag kang mabibigla anak dahil naandon si Aira at ang pamilya nya. Remember one of our share holder was Aira's parents so be a good girl." Tinapik naman nya ko na parang bata at alam na may kalokohan akong gagawin. After a year kasi ng pangyayaring pagkikita namin ni Aira sa condo ni Ford hindi na muli nila ko nakita at  naabutan ko sya sa company nila at sinugod ko sya. Hindi ako iskandalosang babae pero namutawi sa aking kalooban ang galit at inis sa ginawa nila saakin. 

Not yet ReadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon