CHAPTER 35

1.6K 35 5
                                    

CHAPTER 35

Nagising ako kinabukasan ng tirik na ang araw.

“Ford!” Tawag ko sa lalaking katabi ko kagabi

Inulit ko pa ang pagtawag pero walang nasagot. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang sala baka nandon at nanunuod lang ng TV pero wala parin. Hinanap ko sya sa kitchen at may kaluskos akong narinig.

“Ford, are you there?” Tanong ko dito pero si Mommy ang sumagot

“Umalis na sya!” Madiin nyang sabi. Lalapitan ko na sana sya para makapag usap kami pero tinaas nya lang ang kamay nya. “Kumain ka na mag tatanghali na”  Malamig nyang sabi.

“Mom-“ naputol ang sasabihin ko at nilagpasan nya lang ako patungong sala. Sinundan ko sya ng tingin at nagkibit balikat nalang ako.

Tinext ko si Ford at tinanong kung nasaan sya. Hindi sya nag rereply kaya tinawagan ko na. Nabigo ako dahil hindi ko sya macontact.

Baka busy lang. Sabi ko sa isip ko.

Lumipas ng mabilis ang araw na ito at buryong buryo na  ko sa loob lang ng bahay. Kaya nagpasya akong mamili ng mga gamit. Nakaleave nga pala ako ng ilang linggo kaya wala akong pasok ngayon.

“Britt” Tawag sakin ng dati kong classmate

“Oh hi, kamusta ka na Rose? Ang ganda mo ngayon ah. Balita ko kinasal ka na daw kay Nikko? Grabe no ang bilis ng panahon” Maligaya kong sabi

“Salamat naman! Oo be nung nakaraan. Bakit di ka pumunta? Ininvite kita ah.” Malungkot na sabi nya.

“Sorry be, masyado lang talaga kong busy these past few months.” Napansin ko namang hinihimas himas nya ang tiyan nya. Napatingin naman ako sa kanya nang may pagtatanong at nginitian nya lang ako.

“I’m pregnant britt” masayang sambit nya “2months and 3days to be exact!” Hinawakan ko ang tiyan nya at napangiti ng may laman na nga iyon.

“Congrats Rose! Kelan mo malalaman ang gender?” Tanong ko habang naglalakad. Napansin kong wala ang asawa nya. “Nasan pala siNikko?”

“Sa pang 6months pa sya malalaman britt. And si Nikko ayon alam mo naman mahilig sa mga sapatos kaya iniwan ko na muna sa nike para naman hindi ako maburyo kakapili nya kung anong gusto nya.” Napa ah nalang ako sa nalaman ko. So pang 6 months ko pa pala malalaman ang kasarian ng baby ko. Napangiti nalang habang iniisip yun. Bigla naman akong nahimasmasan ng hawakan ako ni rose.

“Ok ka lang?” tiningnan ko lang sya. “Hinahawakan mo din kasi ang tiyan mo. OMY don’t tell me-” nilakihan nya ko ng mga mata at masayang nag tatatalon. “Omy preggy ka rin ba britt?” Naupo kami at don sya nag tatatanong. “Who’s the father?” napaawang ang bibig ko.

“He’s busy eh.” Pagaalinlangan na sagot ko.

“Be anlayo ng sagot mo, ang tanong ko kung sino ang tatay, tas sasabihin mo busy haha” napangiti nalang ako at tinuro yung likuran nya. “Oh he’s here!” tumayo na sya bineso ako. Nag hello lang din si Nikko at umalis na.

Tinext ko si Ford na nag shoshopping lang ako at aantayin ko sya para samahan ako. Pero wala pa rin syang sagot. Kinontak ko ulet at tinawagan nag ring naman.

“Hello?” bati ng sa kabilang line.

“Sino to?” Tumaas ang boses ko ng babae ang sumagot. Shit bakit may babae?

“Hi this is Aira. Ford’s Fiancé and this is?” Nairita na talaga ko dahil ang arte nyang magsalita.

“Oh really I’m his wife so back off bitch! I know this is a big joke so can you give the phone to my husband?” patataray ko sa kausap ko.

“No miss. This is not a joke. If you want to know the truth Ford will talk to you. This convo is nonsense.” Tinawag nya si Ford kaya naman kumalma ako.

“What it is?” malamig na sambit nya. So ano nga ba ang nangyayari?

“Who the hell is she?” Sigaw ko

“She’s my fiancé britt. I don’t love you and  I never been inlove with you for the first time. Isa ka lamang sa mga babae ko at labasan ng sama ng loob ko.”

“No Ford! I know this is a big joke. Pupuntahan kita sa condo mo. Malapit lang ako sa building mo.” Binaba ko na tawag at dali daling sumakay sa sasakyan ko. Wala pang 10mins ay nakarating na agad ako pinto nya.

“Yes?” Mataray na bungad sakin ng malanding higad.

*PAK*

Sinampal ko agad sya at pumasok dirediretso kung nasaan si Ford. Pano ko nalaman nalaman kung nasaan sya? Madali lang sabi ng instinct ko. Nakita ko syang nakatingin sa bintana kaya di nya ko napansin.

“How dare you!” Bago pa ko Makita ni Ford ay nahablot na ng higad ang buhok ko.

“What the-“ Hinila nya ko papaharap sa kanya at sinampal ako.

“Para yan sa pagsampal mo.” Galit na sabi nya. Napahawak ako sa pisnge ko. Shet may lahi ba tong basag ulo? Ang sakit ng sampal nya.

*PAK* hindi pa ko nakakarecover sa sampal nya ay dumapo na ulet ang mga palad nya sa kabila.

“At para yan sa malalanding katulad mo! You’re a bitch a slut gold digger! Inahas mo ang fiancé ko. Mangaagaw ka” sinabunutan nya ko kaya napaupo ako.

“ENOUGH” Sigaw ng lalaki sa tabi ko. “Are you Ok?” tanong nya sakin. Pero walang emosyong ipinapakita. Napatungo nalang ako at napaiyak.

Bakit ang sakit? Ang sakit ng damdamin ko. Ang sakit ng mga sampal nya at ang sakit ng tiyan ko? Napatingin ako sa mga paa ko ng Makita kong may kulay pulang umaagos. Napahagulgol ako.

“Ford.” Tawag ko dito pero nakatulala lang sya.

“FORD!” Sigaw ko na sa kanya.

“What is happening to you?” Tanong ng higad sakin at natataranta na sa harap ko. Tinignan ko nalang sya ng masama at dinuro.

“Kasalanan mo to. At ikaw?” Sabay hampas sa katabi ko. “Kung hindi ako pumunta dito sana di ako ganito ngayon” Patuloy lang ang pag agos ng dugo sa binti ko. “Pag may masamang nanyari sa baby ko. Hindi hindi ko kayo mapapatawad.” Umamba kong tatayo na pero nanghina ako. Ang huli ko nalang naalala ay tinakbo ako ni Ford sa sasakyan nya naiyak syang hinahawakan ang mga kamay ko.

READ COMMENT VOTE.

Not yet ReadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon