CHAPTER 34

1.8K 34 0
                                    

CHAPTER 34


Bumagsak ang balikat ko ng makita ang dalawang guhit. Napaupo ako sa sahig at humagulgol. Pano na to? Pano na ang future ko. Masyado pa kong bata. Hindi pa ko handa na maging ina. Umiyak lang ako ng umiyak.

Bakit mo kasi ginawa? Sabi ng isip ko.

Taliwas ang gusto ko sa iniisip ko. Ayaw kong ipalaglag ang bata hindi mangyayari ang iniisip ko. Just because of the flesh nakabuo kami ng bata. Nang dahil sa kahinaan at kagustuhan kong maranasan ang ligaya nakabuo kami ng bata. 

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa napagod na ko. Namumugto ang mga mata ko pag tayo at pagharap ko sa salamin. Nag cross finger ako na sana'y tanggapin eto ni Ford dahil sya ang ama neto.

Nagpasya na kong lumabas ng cr at nginitian si Ford. He look concerned. May pagtatanong sa mga mata nya. "Ford" tawag ko at lumapit sa kanya 

"What happened? Masama ba pakiramdam mo? Bakit namamaga ang mata mo?" Andami nyang tanong kaya naman niyakap ko na sya at doon na lumabas ang mga luha ko.

"B-buntis ako" Nakayakap ako nang mahigpit at inalo alo nya ko. Tinignan ko ang reaksyon nya at natulala sya.

"It's ok babe. Papanagutan ko" Hinalikan nya ko sa noo at nag usap kami ng masinsinan.

Napagdesisyunan namin na sabihin eto sa mga magulang ko. Ang pinangangamba ko lang ngayon ay kung anong magiging reaksyon nila mommy and daddy. I'm afraid to dissapoint them. Baka kung anong mangyari pag sinabi ko ang sitwasyon ko ngayon.

Kinabukasan hindi na muna pumasok si Ford. Dito din sya natulog buong gabi sa condo. May dala namam syang gamit sa sasakyan nya kaya no hassle.

Kabado ako nang huminto ang sasakyan ni Ford sa tapat ng bahay namin. Hinawakan nya ang kamay ko and i feel secure. Nginitian ko sya at sabay kaming lumabas ng kotse.

"Ford kinakabahan ako" sabi ko ng nasa tapat na kami ng gate. Pinisil nya lang ang kamay ko at kalmado lang ang tindig nya.

"Matatanggap nila yan. Trust me!' Proud na proud na sabi nya. Sinuklian ko lang sya ng ngiti at pinindot na ang doorbell. Pangalawang pindot ko palang ay nagbukas na ang pintuan at lumabas si yaya Ising.

"Oh anak kamusta ka na? Antagal mong nawala dito ah" Masayang sambit ng matanda

"Nay, si Ford nga po pala" sabay turo sa katabi ko. Nginitian lang sya ni yaya at bumaling na ulet ang atensyon sakin.

"Tuloy kayo. Nasa loob ang mommy at daddy mo." Pumasok na kami sa loob at nakita ko agad ang pagkasabik sa muka ni mommy ng makita ako.

"BABY!" Sigaw nya at sinalubong ako ng matinding yakap.

"Mom i can't breath." Natatawa kong sabi.

"Where have you been? Antagal mong di nagpakita saamin ng daddy mo" Sabi neto habang hawak ang magkabilang pisngi ko.

"Mom sorry, di ko lang matanggap na ipapakasal mo ko kay Kurt tsaka hello magkaibigan na kami ngayon kaya please lang wag na nating pag usapan to." May sasabihin pa sana si mommy kaya lang lumakad na ko papunta kay daddy at niyakap eto ng mahigpit.

"Dad." Sabi ko ng bitawan nya ko sa pagkakayakap.

"May papakilala po ako sa inyo ni mommy". Tinignan nya si Ford at tinaasan ng kilay na may pagtatanong sa mga mata. 

 Alam nila mommy na may boyfriend ako dahil napanuod nila ng isang beses sa presscon si Ford nung pinakilala ako neto sa harap ng maraming tao. Pero ngayon lang nila nakita ito ng personal.

"Ikaw ba ang kasintahan ng anak ko?" Matigas na tanong ni dad

"Good morning tito. Opo ako nga po." Umambang makipagkamay si Ford pero tinaasan lang sya ng isang kamay ni daddy.

"Alam mo bang nag iisang anak ko lang yang si Nicole?" Tanong nya ulet. Tumango naman si Ford at sumagot ng oo.

"Kung ganon sumama ka saakin sa taas" Pinasunod ni daddy si Ford sa study room at umakyat na sila. Naiwan kami nila mommy kaya nag kwentuhan nalang kami. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin kay mommy ang nangyari sakin.

Natatakot ako dahil sa reaksyon kanina ni daddy hindi ko alam kung galit ba sya o ano. Tinapik ako ni mommy at tinanong kung okay lang ba ako. Tumango nalang ako bilang tugon at tumayo ng makaramdam ng uhaw. 

Mag dadalawang oras na silang magkausap sa taas kaya naman naisipan namin ni mommy na handaan na sila ng lunch.

"Dad, Ford" katok ko sa pinto ng study room Lumabas na ang dalawa at nginitian lang ako ni Ford. Si daddy naman walang emosyon ng lumabas sa kwarto. Weird! 

Tinanong ko si Ford kung about saan ang pinagusapan nila pero ngiti lang ang isinukli neto sakin.

"I love you Britt mahal na mahal kita" Bulong neto habang papunta kami ng dining area.

"I love you too Ford" Nakarating na kami sa lamesa at nag umpisa ng kumain. Habang nasa gitna ng hapag biglang nag salita si mommy.

"Britt" Seryosong sabi nya. Napatingin naman ako sa kanya. "May di ka ba sinasabi samin?" Napahawak ako ng mahigpit sa kutsara ko at huminga ng malalim.

"Mom" Lumandas sa mga mata ko ang luha na kanina ko pa kinikimkim. "B-buntis po ako". Napahagulgol nalang ako at hinawakan ang muka ko. "Sorry mom dad hindi ko po sinasadya" naputol ang sinasabi ko ng biglang nalaglag ang pinggan at kutsara.

"Anak anong sabi mo? B-buntis ka?" Nag hehesterikal na sigaw nya. Dinaluhan naman sya ni daddy at tinitigan nya lang si Ford. Napatungo naman si Ford at pinatahan ako.

"Bakit? May pag kukulang ba kami ng daddy mo? Bakit ka nagpabuntis! Bakit mo ginawa ng di ka pa nakakasal. Nicole. Nakakahiya ang ginawa mo. Alam mo ba yon hah!" Galit na galit si mommy sakin. Gusto ko syang puntahan pero natatakot ako. Natatakot ako na kung anong mangyari sakanya pag nilapitan ko sya. Natatakot ako na baka saktan nya ko ng pisikal.

Humagulgol lang ako ng humagulgol habang inaalo alo ako ni Ford. Sorry mom dad binigo ko kayo. Alam kong kabutihan lang ang gusto nyo para sakin. Patawad. 

"Mommy sorry. Papalakihin ko naman po ng maayos ang baby ko. Kasama ko naman po si Ford. Papanagutan nya po ko. Diba Ford?" Binalingan ko sya at tumango naman sya. Tinitigan ko si daddy at wala syang reaksyon na pinapakita.

"Daddy" Aambang punatahan ko sya pero pinigilan ako ni Ford.

"Britt magpahinga ka na muna sa kwarto mo." Kalmado nyang sabi. "Makakasama sa baby natin pag nagpatuloy pa eto" Tinignan ko si daddy at tumango naman sya. Si mommy kelangan ko syang makausap ng maayos.

Pumasok na kami sa kwarto ko. Nakakamiss pala ang pagalis ko dito. Sinuyod ko ng tingin ang paligid at walang nagbabago. Maski ang air freshener ganon pa din. Pinaupo ako ni Ford sa kama at niyakap ng mahigpit.

"Sorry baby, patawarin mo ko." Umiiyak sya??

"Shhh. Stop crying it's ok. Everything will be ok. Magpahinga na tayo, bukas magiging ayos na din si mommy" Masaya kong sabi sa kanya at pinunasan na ang mga luha nya. Oh my baby Ford is crying. Pinahiga nya na ko sa kama at mabilis din akong nakatulog.


Read Vote and Comment

Not yet ReadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon