CHAPTER 6: Courting Her I

79K 2K 53
                                    

HAZETH

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HAZETH

Inabot ko ang phone ko sa side table nang bigla itong mag-ring. Ikinakunot ko pa ng noo nang makitang number lang ang naka-flash sa screen. Though kahit ganoon ay sinagot ko pa din ito.

"Hello," bungad ko bagama't ibinalik ang mata sa mga notes na binabasa ko.

"Dwarf, let's date!" pasigaw na sagot sa kabilang linya na ikinangiwi ko.

How persistent.

"Court me first," tipid na sagot ko.

"Ayuko nga!" tanggi niya. At alam ko sa tono ng boses niya ay paniguradong nakasimangot ito.

Iniisip ko palang ang itsura niya habang nakasimangot ay 'di ko magawang mapangisi. Parang cute naman kapag lalaki ang nakanguso, eh. Well, parang bata din minsan ang Kapre na 'yun, eh.

"Edi ayaw ko din. Bahala ka." pagmamatigas ko pa din at pinatay na ang phone. Napabuntonghininga pa ako bago ito ibaba sa dating kinalalagyan.

Naging girlfriend na niya ako ng ganun-ganun lang, noh, nakuha na niya first kiss ko kaya ako naman. Pa choosy, eh? Pati date ganun lang din? Heck, no!

Napaangat ako ng mukha dahil sa nadinig kong katok mula sa pinto. Sakto naman ang pagbukas nito't pagsilip ng kapatid ko nang nakangiti.

"Bakit?"

"Bantayan mo daw ang kambal. Iiwan nila Tita rito." aniya. Tumawa pa ito nang-nakakaasar.

Psh. Lagi naman ako ang nagbabantay sa dalawang 'yun, eh.

• • • • •

The ruckus of other students around fills my ear, the air was prisky against my skin. I smiled to myself as I let out a sigh, relishing on the warmth. Somehow, without Lyla around it feels peaceful. My bestfriend has a loud mouth and her voice is kind of annoying, too.

"Dwende!"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sigaw na iyon. Kaagad din akong lumingon at nakita itong lumalapit sa akin. Alanganin pa ang ngiting nakapaskil sa mga labi niya.

"Oh, manliligaw ka na ba?" pang-aasar ko nang makalapit ito sa akin.

Umingos ito. "Sa 'yo na!" aniya sabay tulak ng kung anong bagay sa mukha ko. "Para sa 'yo!"

Imbes na matuwa ako ay nainis pa ako lalo. Eh, paano ba naman, tumama sa mukha ko at halos isilid niya buong mukha ko sa pinaglalagyan ng bulaklak. Ang sakit, ah! Salampak sa mukha ko!

DON'T TOUCH HER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon