Chity Chity Bang Bang

13.3K 366 24
                                    

CHAPTER SEVEN

T o r i

31st of July, 2022 at 2103H

I was drumming my fingers while sitting on a chair made of mahogany, that's placed in my study. Nakaupo lang ako habang labas-masok ang mga utusan ko sa kwarto upang maglinis. Lima sila dahil malaki ang ispasyo nito. Ang iba rin sa mga bantay ko ay naglalaro ng pusoy-dos. Lahat sila may ginagawa, maliban sa akin. Ang hindi nila alam, abala rin ako sa pag-iisip kung pa'no ko maisagagawa ang plano kong pagsalakay sa isang lugar, ngayong wala naman si Llowell. Buhay pa daw, eh. Reliable naman ang source.

"Any news from Rancid and that kid he went with?" Tanong ko sa isa sa mga kasamahan ko sa grupo, pero umiling lang ito. Hindi man lang nagsalita, natatakot siguro. Minsan kasi nasisigawan ko sila at natututukan ng baril o patalim, pero dala lang 'yun ng aking galit. Hindi ko kasi makontrol. Hirap talaga akong kontrolin ang init ng aking ulo. "Bakit parang ang tagal naman yata nilang bumalik?" Speaking of the devil, nandito na si Talon. Pinatayo ko siya dahil hindi naman ako Diyos para luhuran. "Talk."

"Patay na po si-"

"Is she dead?" I didn't let him speak. Pinalakpakan ko pa siya. Nakatingin sa akin ang isa kong bagong tauhan, at mukhang nangangatog ang mga binti. "Great. Mabuti naman at nawala na sa landas yang babaeng 'yan. Peste, nabulilyaso tuloy ang plano ko. Kung hindi lang dahil sa taong 'yan, baka naisagawa ko na ng maayos ang lahat, pero wala eh, naisahan niya ako. She captured Llowell, and I can't execute the plan properly and successfully kung wala siya. Nasaan si Rancid? Kailangan ko siyang makausap."

"Wala na po siya."

"Umalis na naman ba? 'Tang ina, sabing walang aalis!" Bigla-bigla na lang kasing umaalis si Rancid ng walang paalam. Naaasar na nga ako minsan, pero hindi daw talaga niya mapigilan ang mambabae. Sa tingin ko, nasa bar na naman 'yun at may kasamang chick. Kelangan ko na talaga siyang pakawalan. Everyone know what that means. "Makakatikim na talaga sa akin yung gagong 'yun."

"Pero-"

"Ano, ano?! Magsalita ka."

"Patay na po si boss Rancid."

Nagulat ako. Hindi lang nagulat, nabilib pa. Una, nahuli niya si Llowell, tapos ngayon, napatay naman niya si Rancid. The man is known for killing without remorse and he's one of the best gun-handlers in the group. Isa kasi siya sa mga personal kong tinuruan noon. "Ano?!" Tumayo ako sa aking kinauupuan para kwelyohan siya. "Pa'no nangyari 'yun?! Nevermind, he's dead anyway." Binitawan ko na si Talon. Napaupo siya sa sahig at tinutukan siya ng baril ng dalawa ko pang kasama. "Alis na."

Lumabas naman ng kwarto ang bago kong tauhan. Hindi ko na lang ito pinansin at wala naman talaga siyang gagawin dito sa aking opisina. "Huwag niyong sasaktan yang bata, hindi tulad niya ang dapat idinidispatsa." Agad namang ibinalik ng dalawa kong kasama ang kani-kanilang baril sa kanilang likod bago tinulungang tumayo si Talon. "Nasaan ang katawan niya?"

"Nasa sasakyan po." Nang malaman ko kung saan, dali-dali akong bumaba upang makita kung saan natamaan si Rancid. Baka napuruhan sa paa, kaya hindi na siya noon nakagalaw nang nagpalitan sila ng putukan.

Kasalukuyan na nilang ibinababa ang katawan ng nasawi naming kasamahan papasok sa garahe. Tinanggal ko ang aking salamin para makita ng malinaw ang sugat na natamo ng aking tauhan. "How the hell did this happen, Talon?" Mas lalo akong namangha sa ispihang 'yon dahil sa sintido niya natamaan itong si Rancid. Hindi magandang balita para kay Llowell. Sumalangit nawa ang kaluluwa nito. "Close combat ba?"

Guns and Stilettos (Agent x Mafia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon