Killer by Design

19.5K 460 38
                                    

CHAPTER TWO

I r i s

31st of July, 2022 at 0820H

It was a fine day for me; I got my usual coffee, at hindi pumasok si Horus kaya hindi ako nabibwiset at naiirita ngayong araw. No, I'm not in love with him or anything, bad trip lang talaga ako sa kanya. Wala kaming nakaraan or what. It's clear that the man hates me as much as I hate him.

Before I got here kasi, siya ang pansinin. Siya lang ang pinupuna ng mga agents at ng Tri-Force, kaya siguro nung pumasok ako dito, nawala ang angas ni gago. Gwapo naman si Caleb, but he's not my type. No one in the building is my type. Oh, and it's forbidden. Bawal man o hindi, I don't want to get attached to anybody. Ayoko ng obligasyon. I'm fine with my cat. As long as he's being fed, and I got him that pricey tower and weekly cat litter, he'll be fine. I took one from the shelter just because I know na he doesn't need that much attention. Tsaka at least 'yon, marunong umuwi. Hindi kelangan ng sundo.

"Luna, saan ka galing kagabi?" Tanong ni Nash, habang nakatutok sa kanyang telepono. Ka-text siguro niya si Patrice, ang kanyang kasintahan. Si Raijin ay isang maputing lalakeng katamtaman lang ang tangkad pati ang katawan, at bagsak ang buhok na laging tumatakip sa kanyang mata. Inaasar ko nga siyang emo minsan, eh. "Tinatawagan kita, hindi mo naman sinasagot."

"Nasa Love Club po ako kagabi, kaya hindi na ako nakasagot pa kasi lasing na lasing na ako." Ang club na nabanggit ay ang lugar kung saan ako parating pumupunta upang libangin ang aking sarili at para ipagdiwang ang aking bagong tagumpay. Nahuli ko kasi ang kanang-kamay ng isang mafia boss na si Llowell Cruz. Isang lalakeng medyo matangkad, singkit, at may pagkakulot. "Na-appreciate ko po, kuya."

"O, siya, sige, lalabas na muna ako," Sambit nito habang inaayos ang kanyang gamit at hinahanap ang susi ng kanyang sasakyan. "Basta sa susunod, kung maglalasing ka, sa bahay mo na lang. We don't wanna lose a good agent and a good friend."

"Opo," Sagot ko. "Ay, sandali, may tanong pala ako."

"Ano 'yun?"

"May idea ka ba or alam mo ba kung sino si Victoria Valmont?"

"Of course," Sabi niya sa akin. Ayos, may pagtatanungan na ako. Curious na curious kasi ako sa babaeng 'yun, kahit na hindi ko pa siya nakikita, o kahit na hindi ko pa alam ang kanyang istorya. "We've been tracking this woman for years. Nakulong siya at age of seventeen, kahit na hindi naman pwedeng ipasok sa kulungan ang ganung edad. She's so evil and elusive, they made an exception."

"And where is she now?"

"Hindi ko alam," Tugon nito sa aking katanungan. "Luna, why are you asking me this?"

"Kasi po-"

"Stay away from this woman. Don't even mention her name."

"Is she that bad?" Tanong ko. Grabe naman kasi kung ilarawan itong babaeng 'to, nakakasindak. Kahit na pangalan, hindi pwedeng banggitin. "She's the Billionaire Mafia, right?"

Tumango siya. "She can even manipulate the president if she wants to." Now, that's shocking. Ibang klase talaga. Shit, I have to meet this girl, woman, lady, whatever. Basta, gusto ko siyang makilala. I bet she's not nice, though. Maybe an old, rich lady with tons of guard dogs. "The president is her friend. She follows her like a puppy. Everybody does."

Guns and Stilettos (Agent x Mafia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon