Written Time Machine

12.2K 345 9
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

I r i s

6th of November, 2024 at 1146H

I ran away. I left her. I left her just like that. Kahit ano pa'ng dahilan ang meron ako, hindi mababago ang katotohanang iniwan ko siya. Nakita ko kung gaano siya nasaktan noong isinara ko ang pinto. Naramdaman ko kung gaano niya ako kamahal. Mahal niya ako. Mahal na mahal. At ganun din ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero bakit? Bakit hindi pa rin pwedeng maging kami? Bakit ako lumayo? Bakit ko siya iniwang luhaan? Bakit? Isa lang naman ang sagot dyan, at 'yun ay dahil mahal ko siya.

It's been two years. Two years after Victoria was sentenced with Reclusion Perpetua. She will spend the rest of her life in prison. Ang daming kasong ibinato sa kanya, iba't ibang klase. Wala siyang kawala. Noong una, akala ko magiging masaya ako kung mahuhuli ko siya, nagkamali ako. Ito pala ang magbibigay sa akin ng pasakit at matinding pagsisisi. It was like yesterday.

Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako bumabalik sa bayan ko upang dalawin siya. Hindi ko alam kung ano'ng mukha ang ihaharap ko sa kanya. Ni, hindi ko nga magawang tawagan ang mga kaibigan niya upang kamustahin siya dahil may sa isang taong nagsasabing 'wag na 'wag ko raw lalapitan si Victoria dahil ang kapalit nito ay kamatayan naming dalawa. I'm not scared to die, but I'm afraid that they might hurt her.

Wala pa rin akong ideya kung sino 'yun, pero alam niya ang tungkol sa misyon. Alam din niya ang background naming dalawa ni Victoria. Akala ko noon, isa lang yung klase ng pananakot na walang katotohanan, pero nang tinawagan niya ako at sinabing alam niyang ako si Isobel, doon na ako kinabahan. At that moment, I knew Tori's life was at stake. I can't risk it, that's why I've decided to leave. But before that, I agreed to have that fake interrogation, for me to be able to hear her side of the story. But that was two years ago. I miss her.

Ding. Dong.

"Package for Irisveil Guevarra." Sa pagkakaalam ko, walang nakakaalam kung nasaan ako. Nandito ako sa Japan, at si Morri lang ang nakakaalam na narito ako. She promised not to tell anyone para daw makabawi sa akin. I had chosen this place because of the paintings that she said. I am hoping it would help me take back my memories. The real ones.

"Wait, what?" Sandali, naalala ko yung babaeng binilhan ko ng bahay. Sinalubong niya ako sa airport, na parang nagtitinda ng DVD sa Quiapo. May ipinakita siyang litrato ng isang modernized na Japanese style na bahay. Nang makita ko 'yun, at kaya ko naman agad binili, may naramdaman akong kakaiba sa larawang 'yun. Nakaramdam ako ng saya at lungkot nang makita ko ito. Fully-furnished ang bahay. The price was too cheap for a house like this, but I thought the seller was in a hurry, so they had to lower the price in half.

"Please sign right here." Pumirma na ako. Sinubukan kong kausapin ang delivery girl, pero ayaw niyang sumagot. Nakita ko lang yung nametag niya, Renesmee ang pangalan. "Doumo arigatou gozaimasu."

"Dou itashimashite," Sagot ko sa kanya. Pumasok na ako sa loob ng aking bahay nang makuha ko ang pakete. I sat on the elegant black leather sofa and began opening the package. "Kanino kaya galing 'to?" Kumpleto ang address ko, pero wala man lang kahit isang impormasyon na nakasulat patungkol sa nagpadala nito. I had my dog sniffed the package, good thing, wala namang bomba.

"Letters?" Bakit mukhang matagal na panahon nang selyado ang mga 'to? Mga sulat na hindi naipadala. O, kaya naman ay mga sulat na hindi natanggap. "J-journal?" 'Ka ko, nang makita ang isang kulay pulang aklat-talaan. I know I shouldn't be reading this, but I have this urge to open the letters and the journal I'm holding.

Guns and Stilettos (Agent x Mafia)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon