Chapter 5: Crying in the Rain

Začít od začátku
                                    

I grimaced. "Ako? Boyfriend ko iyong lalaking iyon? Seriously? That guy?" sarkastiko akong napatawa dahil sa sinabi ko. Dang! It's so funny! He's not even close on my standard!

"Oh well, puwede na rin naman. Ang guwapo niya, eh. Ay hindi! Kahit guwapo siya, hindi tamang magsinungaling siya sa ibang tao na girlfriend niya ako! That's very very wro–" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto. Ano ba naman iyan! Panira ng momentum!

"Mom! Dad!" bulalas ko habang ngumingiti ng peke sa kanila. Joke lang naman pala 'yong sinabi kong panira ng momentum ko. Nagulat naman kasi ako sa kanila. Hindi man lang sumignal na papasok sila. Well, hindi naman sapat iyong pagbukas ng pinto basta-basta. Wait what? Shems, nababaliw na ako. Kung ano-ano na naiisip kong kabobohan dahil sa lalaking iyon.

But then... I pouted as I remember him meeting me at the CR. What a very spontaneous place and time to meet that guy. Love story na ba ito? Funny. I think I'm gonna throw up?

"Sweetie, are you okay now?" alalang tanong ni mommy sa 'kin nang makalapit na sila sa 'kin. Ito na naman po tayo.

I smiled. "Mom, I'm always okay. Don't worry. This is just an allergy."

"Don't say that!"

"Aray!" Napanguso ako nang hampasin niya ang balikat ko. Totoo naman kasi, eh. Normal lang naman magkaroon ng allergy.

"Ang tigas kasi ng ulo mo. Sinabi ko naman sa 'yo huwag ka na munang pumasok dahil hindi ka pa tuluyang magaling. Look what happened to you today. Mabuti na lang at may mabuting tao ang nagdala sa 'yo rito. Naku, Eve! Palagi mo na lang kaming pinag-aalala."

Habang nagsasalita siya ay patuloy lang din ako sa pagtango sa kanya. May paturo-turo pa siya ng daliri sa 'kin. But something caught my attention on what she's saying to me.

"Mabuting tao? Sino po?" Tumaas ang kanang kilay ko sa kanila. Don't tell me it's that guy? The jerk one?

"Oo. Ano nga ulit pangalan niya? Bink? Bins? Bi... hon, what's his name again?" tanong ni mommy kay daddy nang hindi niya maalala kung sino ba talaga iyong 'mabuting' tao na iyon. Hmm. Let's see...

"Binx Cristobal. Siya rin ang tumawag sa amin para pumunta kami rito. Sayang lang at hindi na namin siya naabutan pa," si Daddy.

Ha! Binx! Binx pala ang pangalan ng lalaking iyon, ah? Ang pangit naman, kasing pangit lang ng muk – pag-uugali niya! Tsk. Makikita niya kapag nagkita ulit kami. Gagantihan ko talaga siya. Pero ano naman mapapala ko? Naman oh! Huwag na nga lang! Bahala na kung ano ang mangyari.

"Tsk. Pakitang-tao," I mumbled.

"Ano iyon, sweetie?" Nabalik ang tingin ko sa kanila at agad naman akong umiling-iling saka ngumiti. Oh, my. Napaka-plastik ko. "Ang sabi ko po, mahal na mahal ko po kayo..." I gave them my sweetest smile as I open my arms wide to give them a hug.

That was close!

"Oh, sweetie. You're so sweet. We love you too," my mom said as they both hug me too. Naramdaman ko rin ang paghalik nila sa ulo ko. Pumikit na lang ako at dinama ang yakap nila. Ang sarap lang sa pakiramdam ng ganito.

Sana ganito na lang palagi...

"Next time, don't do something reckless again, okay? Hindi namin kakayanin na mawala ka sa amin."

Napangiti naman ako sa sinabi ni daddy. Kumalas na kami sa yakap pagkasabi niya 'non.

"Sus, Dad! Ang OA mo po! Hindi naman agad ako mawawala sainyo! Hello? I'm a strong woman kaya! I can easily get through this," sabi ko naman sabay flip hair at taas-noo akong tumingin sa kanila.

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Kde žijí příběhy. Začni objevovat