Chapter 5: Crying in the Rain

Start from the beginning
                                    

"You're still our baby no matter what. So, don't do it again, alright?" si dad ulit.

I sighed.

"Alright. Sorry po." Saka ko sila nginitian at ganoon din sila. I guess they're right. Hindi na talaga ako uulit sa pagsuway sa kanila. Sa tuwing ginagawa ko iyon, may nangyayari talaga sa 'kin, eh. Tama rin ang mga katagang sinasabi nila na, 'parents are always right.' So don't just ignore our parents when it comes to the things like this, they're just trying to protect us.

"By the way, are you hungry? Do you want something to eat? We brought some food."

Nabalik ang atensyon ko sa kanila nang alokin ako ni mommy. Tumango-tango naman agad ako habang may ngiti sa mga labi ko. Ngayon na sinabi nila iyon sa akin ay saka ko naman naramdaman ang gutom.

"Okay. Okay. I'll get you some." Kinuha ni mommy ang bag niya sa may sofa at may kinuha roon na pagkain.

"Ahhh..." Ngumanga ako at hinintay ko na subuan niya ako. Narinig ko naman agad ang pagtawa niya pati na rin si daddy kaya sinara ko na lang ulit ang bibig ko.

"Still the old you, Genevieve."

Natawa naman ako sa sinabi ni Daddy kaya naningkit naman ang mga mata ko nang tingnan ko siya na nakaupo na sa sofa at may hawak na dyaryo sa kamay.

"Hmm, how 'bout you, Dad? Baka gusto mo ring magpasubo kay mommy? Hindi ka man lang ba nagseselos? Mas mahal ako ni mommy, oh!" tukso ko sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka. Hindi naman nahihigitan ang pagmamahal mo sa isang tao. Sakto lang," aniya habang umiiling-iling. Sus! Pabagets din itong si daddy, eh! Don't tell me may mga experience ito noon? Nah, my Mom's still the best.

"Ewan ko sa 'yo, Dad!" Sinimulan ko na ang pag-kain ko.

"By the way, Mom, did Reanna texted you? Alam niya bang nasa ospital ako ngayon? May gagawin po sana kasi kami," sabi ko sa pagitan ng pagkain ko.

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni mommy saka bahagyang umiling.

"No. Besides, I will not let you."

"But, Mom–"

"No more buts. Just eat your food."

***

"Mom, I'm going to see Reanna. I need to ask her something. Can I?" I said as I saw my mom in the kitchen, baking my favorite Peanut Cookie.

Lumapit ako sa ref at agad kumuha ng malamig na tubig saka ito ininom.

"Sure, sweetie. Don't go home late or else–"

"You're grounded! Tatanungin ko lang naman po siya about sa homework namin sa Biology. At... magpapatulong na rin po ako sa kanya." Ngumiti ako ng malapad sa kanya habang itinataas-baba ang dalawa kong kilay pagkatapos kong uminom ng tubig.

"Alright. Alright. Does your dad already know?"

"Hmm." I nodded.

"Okay."

Lumapit ako sa kanya saka siya binigyan ng isang matamis na halik at napakahigpit na yakap. Wala lang, feel ko lang na gawin iyon. Ang sweet ko, 'no?

"Bye." I smiled widely as I waved my hand to her. She just laughed at me.

"Wait! Kaya mo na ba? Baka atakihin ka na naman ng allergy mo sa daan. Gusto mong magpasama?" My mom is worrying for nothing again.

"I can handle, Mom. I promise. You don't need to worry, okay?" I just gave her an assuring smile para hindi na siya mag-alala pa.

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now