At dahil nga naalala ko ang nakakairitang kantang iyon na tila nag peplay sa utak ko ay kakantahin ko na lamang.

"Ehem" kunwari kong pagubo para mapaganda ang aking boses, nakaharap ako sa lamesa ni boss.

"Hindi ako bakla-ba-ba-ba-bakla­ hindi ako shokla-sho-sho-sho-s­hokla" hawak ng kanang kamay ko ang walis at ang kaliwang kamay ko naman ay nakaturo ang hintuturo ko na parang sinasabing hindi habang may kaunting kembot ang sabay sa aking pagkanta.

"Nililinlang ko lang ang inyong paninging babae po ako" napapikit pa ako dahil kahit inis kong kinakanta ito ay pinifeel ko naman ang pagkanta.

"He already signed the contract Dette?"

"No, I haven't finished yet"

Habang nakapikit ako ay umikot pa ako na may halong pagtalon dahil feel na feel ko nga ang pagkanta na sinabayan ng pagwagay-way ng kamay sa unahan.

"Hindi ako bakla-ba-ba-ba-bakla­ hindi ako shokla-sho-sho-sho-s­hokla, Nililinlang ko lang ang inyong paningin babae po ako ey let all sing together! hindi ako bakla-ba-ba-ba-bakla­ hindi ako shokla-sho-sho-

"The fuck!?"

"Elo?"

Feeling ko ay nakanta ako sa pyestahan dahil sa aking pagkanta. At ng marinig ko ang tila pagbukas ng pintuan at pagsantinig sa aking pangalan ay nasira ang aking pagkanta.

"Sho-sho-shok--- Boss?! Dette!?" gulat kong reaksyon habang naka tapat parin ang walis sa aking bibig at ang isa kong kamay ay nasa unahan parin.

"What the hell are you doing?!" tila gulat na may halong inis na sabi ni boss at nang mapatingin ako kay Dette ay makikita mong pinipigilan niya ang kanyang pagtawa.

Muli naman akong napatingin sa aking ayos bago ako matauhan.

"Ay boss! Wala po nagwawalis lang po!" taranta kong sabi at nag-iwas ako ng tingin sa kanila bago kunwari nagwalis-walis. Nakapikit ako ng madiin at nakakagat labi dahil nakakahiya ang aking ginawa.

"Bading" rinig kong komento ni boss bago ko narinig ang paghakbang nila papalapit sa akin.

"Baka ikaw ang bading" mahina kong bulong kaya at nagsimulang maglakad paalis sa pwesto nila. 

"Are you saying something?" napapikit ako at napatigil sa aking pwesto at dahan-dahang humarap sa kanya.

Nakataas ang kanyang mga kilay.

"Wala po sabi ko po mag lilinis na ako" sabi ko dito, habang si Dette at hindi na mawari ang mukha sa tawa. 

Inirapan akong muli nito at tuluyan ng pumunta sa table niya.

"Tss, papirmahin mo na siya Dette before i signed that contract" sabi nito boss at rinig ko ang paglangitngit ng swivel chair niya.

"Okay" rinig kong sabi ni Dette at ako naman ay tuloy sa kunwaring pagwawalis "Elo" pagtawag sa akin ni Dette kaya dahan-dahan akong humarap sa kanya.

"Elo" muling pagtawag sa akin nito na ngayon ay suot ang kanyang nakakalokong ngiti.

"Dette?" pagtatanong ko dito "Bakit?"

The Boss: Lucas MalvaciniWhere stories live. Discover now