CHAPTER 3: Jiruel Sean

97K 2.4K 121
                                    

HAZETH

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HAZETH

"Kasi naman, eh! Ang laki talaga!" reklamo ko habang hawak hawak ang Jersey shirt na ibinigay niya. "Para naman akong manang nito!"

Andito kami ngayon sa harap ng cr ng mga babae. Pinagbibihis niya ako kasi basang-basa ako ng pawis dahil sa kakatakbo. At nang sabihin kong wala akong extra na damit, eh, binigay niya ang jersey niya na super laki at haba na halos umabot sa tuhod ko.

"'Wag ka na mag-inarte. Isuot mo nalang kesa naman matuyuan ka!" anas niya't tinulak ako papasok ng banyo. "I-tuck-in mo na lang para 'di halata." pahabol pa niya.

Psh. Masuot na nga lang kesa sipunin pa ako dahil sa pawis ko. Tsaka kasalanan ko din naman 'to, eh, kung ba't ba kasi ako pumayag sa kalokohan ng kapre na 'yon. 'Yan tuloy napasubo ako sa relasyon ng wala sa oras.

Wala naman na akong nagawa kaya isinuot ko nalang talaga ito. Ti-nuck-in ko nalang siya para 'di pangit tingnan, buti nga at medyo abot tuhod ang palda ko kaya natago ko ang kahabaan ng damit na ito.

Lumabas na din ako pagkaraan at nakita siyang nakasandal sa pader sa tabi ng pinto. Nakasimangot akong tiningnan siya. Pero takte! Ngumiti lang talaga, eh!

"See? Its not that awful as you think." aniya't ginulo pa ang buhok ko na animo'y isa akong paslit.

"Not that awful? So ibig sabihin hindi magandang tingnan!?" inis na bulyaw ko pero nginisihan niya lang ako sabay patong ng jacket niya sa balikat ko.

"Suot mo."

"Ano naman 'to? Ang unit na nga, eh!" reklamo ko at binalak itong tanggalin pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Isuot mo, kita bra mo eh. Bastusin ka pa dito." nakaiwas na sabi niya.

Pinanlakihan ko ito ng mata't sinipa sa binti. "Manyak kang kapre ka!!" sigaw ko at pinulupot 'yung jacket sa sarili ko.

Kasi naman, sa laki ng jersey na 'to, sa malamang ang laki din ng armhole kaya kita talaga panloob ko. Nakalimutan ko pa namang magsuot ng sando.

"Oh, mas nagmukha ka pang dwende sa suot mo, hahahaha!" pang-aasar niya kaya inapakan ko ang paa niya para tumigil siya.

Inirapan ko siya at naunang maglakad. Pero dahil sa mahahaba ang binti niya ay ganun din kahaba ang bawat hakbang niya kaya siguro tatlong hakbang lang niya ay naakbayan na naman niya ako.

"Tampuhin naman nitong dwende na 'to," turan niya.

"Shut-up, Giant!" bulyaw ko.

DON'T TOUCH HER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon