Chapter 45

543 13 1
                                    

Eric POV

"Kayanin mo, Eric." Rinig kong sabi ni Kassy. Kinapa ko ang bulsa ko ng mag vibrate 'yon. Binuksan ko ang cellphone ko at nakitang may isang text message galing sa secretary ko.

["Sir. I already have the orignal copy of the document. Iniwan ko na ho sa bahay niyo."]

Napatayo ako ng wala sa oras ng mabasa 'yon. "Bakit, Pare??" Takang tanong ni Clark.

"Mauuna na muna ako. May pupuntahan lang ako." Paalam ko sa kanila at mabilis na tumungo sa may parking lot saka sumakay sa kotse ko.

Pinaharurot ko ang kotse para makarating sa bahay. Mahigpit akong napahawak sa manibela.


Wala kang takas, Ricardo!


Biglang tumigil ang kotse sa harap ko kaya, napa busina ako. Muntikan ko na siyang mabangga. Inis na bumaba ang lalaking driver nung kotse sa harap ko. Tumungo siya sa labas ng bintana at kinatok 'to.

"Hoy! Bwiset ka ha!" Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang siya sa pag katok ng bintana.

"POTA! ANO BA?! BUMABA KA DIYAN!!" Inis na sigaw niya pa. Dahil sa nabwisit ako, lumabas ako ng kotse.

Napabuntong hininga ako at nilingon siya.

"Bakit??" Walang ganang tanong ko sa kanya. Bahagya siyang natawa at mabilis na sinuntok ako.

Aba'y gago 'to ah!!

Inis ko siyang sinuntok sa mukha at sinipa. Pa bagsak siyang napa upo sa semento. "Tinanong kita ng bakit, tapos bigla mo 'kong sinuntok. Iba din!" Sabi ko at bumaba sa lebel niya. Hinawakan ko ang panga niya. "Alam mo, wala ako sa mood ngayon. Kaya kung gusto mong mag hanap ng away, wag ako." Inis na sabi ko at pabato siyang binitawan.

Alam kong may mga taong nakatingin sa 'min, ngunit, hindi ko 'yon pinansin at pumasok sa loob ng kotse.

Mabilis akong umalis sa lugar na 'yon. Tumungo ako sa bahay namin ni Kallie at agad ipinark ang kotse ko. Binuksan ko ang gate at pumasok sa loob. Isang napaka dilim na silid ang sumalubong sa 'kin. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa tabi at binuksan 'yon. Marahan akong naglakad sa may sala at pansin kong naroon sa coffee table ang isang brown envelope. Dali dali ko 'yon kinuha ng mag ring sa cellphone ko. Kinuha ko sa bulsa 'yon at bumungad ang pangalan ni Lucas.

Ano na namang kailangan nito?!

Pinatay ko ang phone at hindi 'yon sinagot. Wala pang dalawang minuto ng mag ring ulit 'yon. Inis na sinagot ko ang tawag.

"Bakit?!"

["Umalis ka na diyan!! Ma aabutan ka nila Kuya!!"] Sabi niya at mukhang hapung hapo.

"What do you mean?!" Kumabog ang dibdib ko.

["Shit! Nandyan sila para kunin yung dokumento! Kaya kung gusto mo pang mabuhay at makita pa si Kallie umalis ka na diyan!!!"] Sigaw niya.

"T-tek---------" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may marinig akong pag langitngit. Napalingon ako sa katabi kong bintana at bahagya akong sumilip doon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita sila Ricardo na nakapalibot sa entrance door. Kinuha ko sa isang drawer na malapit sa may bintana ang baril at nilagyan 'yon ng bala. Isiniksik ko 'yon sa pantalon ko.

Shit!!!

Unti unti kong naririnig ang mga yapak ng kasamahan ni Ricardo papasok sa loob. Marahan akong pumunta sa may backdoor namin. Nag palinga linga muna ako upang masiguradong walang tao.

Memories Of You Where stories live. Discover now