Chapter 40 - PICTURE

466 15 3
                                    

Eric POV

"Eric." Tawag ni Clark. Nilingon ko siya na nanonood ng tv.

"Nag text Lolo mo. Pinapapunta ka sa hospital." Sabi niya.

Tumayo ako at tumungo sa may garage. Tuesday ngayon umalis sila Kallie at Ate Erika. Sabi ko kasi sasama ako sa pag papa check up sa kanya para masigurado ko kung tama ang hinala ng Tatay ni Kallie. Ayaw naman ni Ate. Kinuha ko yung susi ng motor at isinuot ang helmet. Nang buksan ni Nanay Linda ang garage ay agad 'kong pinaharurot yung motor.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating din agad ako sa hospital nai park ko ang motor at pumasok sa loob. Tumungo ako sa elevator at pumasok doon. Pinindot ko ang 5th floor ng biglang may kamay na humarang para hindi tuluyang mag sara ang elevator. Sumama ang tingin ko ng makita si Ricardo Alvdrez na pumasok.

Tumikhim siya at iniayos ang kanyang sarili. Nai kuyom ko ang kamay ko. Sinusubukan kong pigilan ang sarili kong masuntok siya.

"Eric De La Garza, right??" Rinig kong tanong niya. Hindi ko siya pinansin at hinintay ang pagbukas ng elevator.

"Balita ko humihingi ka ng kopya ng operasyong nangyari doon sa Cortez na 'yon." Nagpantig ang tainga ko ng marinig 'yon.

"Kanino mo nalaman??" Seryosong tanong ko.

Umayos siya ng tayo bago nag salita. "Wala. Diyan lang sa tsismosang nurse." Sabi niya. Bahagya akong napangisi ng sabihin niya 'yon.

"Wala pa akong pinagsasabihan patungkol doon. Wala ka naman sigurong kinalaman doon diba??" Napalingon ako sa kanya at tiningnan siya ng masama. Nag iwas siya ng tingin habang hindi mapakali sa pwesto niya.



Checkmate!



Saktong bumukas ang elevator at tuluyang lumabas. Siguraduhin mo lang wala ka talagang kinalaman kung hindi sa kulungan ang bagsak mo.

Mabilis akong pumasok sa loob ng office ni Lolo. Naabutan ko siyang naka upo sa sofa at seryosong nakatingin doon sa papel na nasa coffee table.

Umupo ako sa harap niya. "What is it?? Bakit mo ko pinatawag?" Tanong ko at sumandal sa sofa.

"Ito na ang orihinal na dokumentong pinapahanap mo." Seryoso akong napatingin sa kanya. Iniabot niya sa 'kin ang papel na kanina niya pa tinitingnan.

Sinuri ko ang papel. Sandali akong natigilan ng makita kung sino ang lalaking nag sagawa ng operasyong 'yon.

Teka, bakit... bakit siya?? Hindi ko alam pero, biglang kumabog ang dibdib ko ng makita 'yon. Parang may mali.






○○○

Umuwi ako sa bahay dala dala ang brown envelope. Pagkarating ko doon ay pansin kong nandoon rin ang kotse ni Ate Erika. Napangiti ako at agad bumaba ng motor ko. Dali dali akong pumasok sa loob ng bahay at hinanap ng paningin ko si Kallie.

"Anong resulta??" Nakangiting tanong ko ng makitang naka upo siya sa sofa at kumakain ng mangga.

Tumayo siya at takang napatingin sa 'kin. "Bakit parang mas excited ka pa sa 'kin??" Bahagya siyang natawa.

"Ano nga??" Pag uulit ko. Agad siyang sumimangot at napayuko.

Wait, don't tell me...

Memories Of You Where stories live. Discover now