Kallie POV
Ka agad naman lumapit sa pwesto ni Eric si Clark. Sumunod naman ako.
"Bakit ka narito?! At anong ginagawa mo dito?? Pinadala ka ni Lolo dito ano?!" Inis na tanong ni Eric.
"Look, Eric. Hindi nga ako pinadala ni Lolo dito. I'm here for a vacation."
"Vacation! Vacation ka diyan! Bakit kasi ayaw mo na lang aminin?!" Pasigaw na tanong ni Eric. Mag sasalita pa sana siya ng mapansin niya si Clark.
"Oh! Hi Clark." Bati niya kay Clark at niyakap 'to. Napatingin naman siya sa gawi ko na nag tataka.
"And, you are??" Tanong niya at tinuro pa 'ko.
"Kallie. Kallie Cortez po." Pagpapakilala ko.
"Are you Eric's girlfriend?! Omyyy. You're so pretty!!" Hindi makapaniwalang saad niya at masayang niyakap ako.
"Hehehe. Girlfriend po talaga siya ni Eric!" Sabay kaming napalingon ni Eric kay Clark at masamang tiningnan. Nag peace sign naman siya.
"Ahh.. ano.. h-hindi---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang mag salita ulit siya.
"I know what you're trying to say. Baka against sa relationship niyo ang parents namin? Dont you worry, I'll keep it secret." Saad niya at kumindat pa.
Napa face palm na lang ako. Ate hindi niyo po naiintindihan. Hindi ko po boyfriend 'yan kapatid niyo.
:<
"Ate Erika! I'm talking to you!!" Inis na saad ni Eric.
"Cut it out Eric!" Sabi niya kay Eric. Nakaka dugo naman ng ilong itong mga 'to.
"So, where did you guys met?" Masayang tanong niya at nag papalit palit ng tingin sa 'min ni Eric.
"Wala ka ng-----"
"Sa bus." Pag puputol ko sa sasabihin ni Eric. Masama siyang napatingin sa 'kin.
"Anong nangyari?" Tanong muli ng Ate niya.
Mag sasalita pa sana ako ng may sumingit "Oh, Erika. Narito ka pala." Napalingon ako sa nag salita at nakita ang Lolo nila.
"Good Morning po Lolo." Bati ni Ate Erika.
"O siya, doon na lang tayo sa Vergnano Italian Restaurant mag antay." Saad nung Lolo ni Eric at nag simulang mag lakad.
Agad akong napalingon sa Ate ni Eric ng biglang kumapit siya sa braso ko. "Bonding naman tayo minsan." Nakangiting saad niya.
"Hindi. At pwede ba?? Umalis ka na lang?!" Iritadong pakiusap ni Eric at hinila ako papa lapit sa kanya kaya, nabitawan ako ni Ate Erika.
"Lo! Pwede naman akong sumama diba??" Tanong ni Ate Erika at lumapit sa Lolo niya.
"Sure, ija." Sagot niya.
Napalingon naman siya kay Eric at saka siya inirapan.
"Bakit kasi hindi na lang umuwi. Tsk." Rinig kong sabi ni Eric. Inis naman siyang napalingon kay Clark.
"Hoy! Clark! Anong sabi mo kanina?! Siya?? Girlfriend ko?!!" Hindi makapaniwalang tanong niya at tinuro pa 'ko.
"Ay hindi ba?? Akala ko kasi mag syota kayo eh. Pasensya." Saad ni Clark at napakamot sa ulo niya. Binatukan naman siya ni Eric. "Araaay!! Masakit 'yon ha!" Sigaw niya kay Eric.
BINABASA MO ANG
Memories Of You
Teen FictionEric De la Garza, isang anak mayaman. Ang pamilya nila ang may ari ng isang Hospital sa Pilipinas. Palagi siyang nasasangkot sa gulo o kaya'y lagi siyang nakikipag basag ulo. Isang araw, napag desisyunan ng magulang niya na ipa uwi siya sa Pilipinas...