Chapter 32 - U.S

419 19 3
                                    

Kallie POV

Tumawag si Kassy sa akin kanina na nakita niya raw si Eric kasama yung babaeng nakita namin sa may restaurant. Kaya nag paalam ako kay Ate Erika na pupuntahan ko si Eric. Pero ayaw niya pumayag kaya, sumama siya.

Pilit kong pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas. Narinig kong tinatawag ako ni Eric ngunit, nag patuloy lang ako sa paglalakad at pumasok sa loob ng kotse ni Ate Erika. "Anong nangyari??" Salubong niya sa 'kin pagkapasok. Tumulo ang mga luha ko. Badtrip!

Ang galing mo Eric!!

Niyakap ako ni Ate Erika. "Mamaya na ho *huk* kayo pupuntang *huk* states diba ho??" Tanong ko habang patuloy pa rin sa pag iyak.

Tumango siya. "Sasama ho ako." Deretsyong sabi ko. "Pero, hindi ka pa kumukuha ng damit mo." Sabi niya. Hindi ako nag salita habang patuloy pa rin sa pag iyak. "Ipapahanda ko na lang kay Yaya Linda. Dadaanan natin doon." Sabi niya at kumawala sa yakap ko. Narinig ko ang katok ni Eric sa bintana. Sumenyas ako kay Ate Erika na wag 'yon ibaba at umalis na lang. Tumango siya at mabilis na umalis doon sa lugar na 'yon.

Magsama kayo nung Cherry na yan!!

Nang makarating kami sa bahay nila Eric ay sumalubong sa'min si Nanay Linda, nasa tabi niya ang isang maleta. Pinunasan ko ang luha ko at lumabas kami ni Ate Erika. "Mag iingat kayo mga ija." Sabi ni Nanay Linda. Niyakap ko siya. "Opo." Bulong ko.

Binuhat ko yung maleta at saka nilagay sa compartment ng kotse. Pumasok kami ni Ate Erika sa passengers seat sa likod. May isang lalaki ang mag hahatid sa 'min patungo sa Airport.

Nag ring ang phone ko. Hindi ko rin naman sinagot 'yon ng makitang si Eric ang tumatawag. "Ayos ka lang??" Rinig kong tanong ni Ate Erika. Nilingon ko siya at pilit na ngumiti.

*Brzzk*

From: Marsh

KALLIE!! PAKINGGAN MO NAMAN AKO!! LET ME EXPLAIN.

Hindi ko nag reply. Ewan ko sa kanya. Matapos ng ilang minuto ay nakatanggap ako ng mag kakasunod na text galing kay Eric.

From: Marsh

Kallie!

Kallie! Please!

Mallows! Saan kayo pupunta ni Ate??!

Bumalik ka na dito please, Mallows? ㅜ.ㅜ

Wag kayong tumuloy sa U.S please.

Tinitigan ko lang ang mga text messages niyang 'yon. Hindi. Hindi ako babalik.

"Mukhang gusto ata tayong pabalikin ni Eric." Napalingon ako kay Ate Erika ng sabihin niya 'yon. "Narito lang ako, Kallie. Kung gusto mo ng kausap." Dagdag niya pa at ngumiti.

○○○

Agad kaming bumaba ng kotse nang makarating kami sa Airport. "Seryoso ka na talaga dito??" Tanong ulit ni Ate Erika. Nilingon ko siya saka tumango. Tumungo kami sa eroplano kung saan kami naka assign. Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko.

7 pm.

Inayos ko agad ang gamit ko saka umupo malapit sa may bintana. Tumabi sa 'kin si Ate Erika. "Matulog ka na lang muna. Matagal ang biyahe natin." Sabi ni Ate Erika.

Kinuha ko yung earphones ko saka 'yon isinaksak sa mag kabilang tainga ko at tuluyang nakatulog.




○○○

I

minulat ko ang mga mata ko. Kinapa ko ang bulsa ko saka kinuha ang cellphone ko.

40 missed calls from Marsh...

32 messages from Marsh...

Napa 'tsk' lang ako ng makita 'yon at hindi na 'yon pinansin. "Gising ka na pala." Rinig kong sabi ni Ate Erika na mukha kagigising pa lang.

"Haba ng tulog mo ah. Nga pala hindi na kita ginising ng marinig kong mag ring yung cellphone mo." Dagdag niya pa.

Napahawak ako sa tiyan ng maramdaman kong kumalam 'to. "Nagugutom ka??" Nilingon ko si Ate Erika at tumango. Sumenyas siya sa isang lalaking flight attendant na may tinutulak kung saan nakalagay rito ang mga pagkain. May iniabot ang lalaki sa 'min. Natakam ako ng makita 'yon. "Is this the cascade brisket chilli I ordered??" Tanong ni Ate Erika. "Yes, Miss." Sagot nung lalaki at may iniabot pa sa 'min na tig iisang bottled water.

Agad 'kong tinikman 'yon at namangha sa lasa niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Agad 'kong tinikman 'yon at namangha sa lasa niya. "Ang sarap naman po nito." Sabi ko habang patuloy pa rin sa pagkain. Bahagyang natawa si Ate Erika bago nag salita. "Ito yung paborito ko dito."

Patuloy lang ako sa pagkain ng may isang lalaking lumapit sa 'min. Bilog ang kanyang mga mata, matangkad at maputi. Magkasing height lang siguro sila ni Eric.

"Uy! Nicolo!" Bati ni Ate Erika. "Sabi ko na nga ba ikaw 'yan, Erika!!" Masayang sabi nung lalaki. Napalingon siya sa gawi ko. "Ahh... Si Kallie nga pala." Pagpapakilala ni Ate Erika. Ngumiti siya sa 'kin at ini abot ang kamay niya. Inabot ko naman 'yon at nakipag shakehands. Agad rin nanlaki ang mga mata ko ng halikan niya 'to. Hinampas siya ni Ate Erika mukhang hindi niya inaasahan na gagawin niya 'to. "Abnormal ka talaga! Girlfriend 'yan ng kapatid ko!" Sabi niya kay Nicolo.

"Ay, ganon?! Pasensya na." Sabi niya at bahagyang napangiti saka napahawak sa batok niya. Tumango lang ako at nag patuloy na kumain. Bumalik yung lalaki sa pwesto niya.

"To those passengers out there please be prepare for landing" Rinig kong sabi doon sa speaker. "Mukhang narito na tayo." Sabi ni Ate Erika na nag pupunas ng kamay marahil ay tapos na siyang kumain. Naubos ko rin ang kinakain ko at nag ayos ng sarili.

"Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the San Francisco International Airport. Please make sure one last time your seat belt is securely fastened. Thank you."

Matapos ang ilang minuto ay nag si tayuan ang mga tao ng isira nung Captian yung Fasten Seat Belt Sign. Kinuha nila ang kanya kanyang gamit matapos ay isa isa silang nag si babaan.

"Tara na?" Narinig kong sabi ni Ate Erika at tumayo. Kinuha namin ang gamit namin at saka bumaba. Sumalubong sa 'min ang sikat ng araw.

"Oh, it's already 9 in the morning." Saad ni Ate Erika at naunang bumama. Sumunod ako sa kanya.

"Anak!! Mabuti at nakarating kayo ng maayos rito." Salubong ng isang babaeng may katandaan na at mukahang mataray base sa itsura niya. Ngumiti si Ate Erika sa kanya. "Si Eric nasaan??" Tanong niya at hinanap hanap niya pa.

"Susunod ho siya Mom." Sagot ni Ate Erika.

Mom?!!!

Pinagmasdan ko yung babae. Nanlaki ang mga mata ko ng halos mag kahawig sila ni Ate Erika.

Shit!

Napalingon sa gawi ko yung Mom nila saka ngumiti "So you're Eric's girlfriend, right??" Bigla akong kinabahan ng seryoso niyang itinanong 'yon.

Napalingon ako kay Ate Erika at nag peace sign siya. Tumango ako bilang sagot.









Memories Of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon