Chapter 19 - DOCUMENT

496 23 0
                                    

Kallie POV

"Naguguluhan na'ko. Ano ba itong nararamdaman ko?? Ang wierd."

Nakatayo ako ngayon sa terrace at dinadama ang napakalamig na hangin. Patuloy pa rin ang pag eco sa pandinig ko ang sinabi ni Eric kanina. Anong ibig niyang sabihin??

Napailing na lang ako at naisipan kong pumasok muli sa loob ng mahagip ng paningin ko si Eric. Ngayon ko lang napagtanto na magkatabi lang pala ang kwarto namin. Kaya siguro nakapasok rin siya sa banyo.

Napansin kong may kausap siya sa cellphone niya. At mukhang tuwang tuwa pa siya. Naka plain white shirt siya at shorts.

Hindi ko marinig kung ano ang pinag uusapan nila dahil medyo may kalayuan ang pwesto namin sa isa't isa. Mismong tawa niya lang ang naririnig ko.

Umupo ako ng may makita akong monoblock dito at pinagmasdan lang siya. Hindi ko alam pero, biglang nag slow motion lahat. Ang mga punong sumasabay sa hangin at ang mga dahong nagliliparan dahil na rin sa malakas na simoy ng hangin. Ang wierd.

Natauhan ako ng may tumapik sa balikat ko. Agad akong napatingala at nakita si Nanay Linda.

"Ija, bakit hindi ka pa natutulog??" Tanong niya.

"Hindi pa po ako inaantok." Sagot ko at bahagyang ngumiti. Napatingin naman siya sa terrace ni Eric bago nag salita "Alam mo, napaka bait niyang bata, ni Eric. Pero dahil lang sa isang babae, nag iba ang ugali niya, akala mo pasan na niya ang mundo..." saad niya. "Lagi siyang sumasagot, nakikipag away, lasing dito lasing doon. Nang malaman kong pina uwi siya ng magulang niya dito ay agad kaming tinawagan ng magulang niya. Binawalan siya ng magulang niya na pumunta rito sa bahay nila. Kaya kahit labag sa kalooban ko ang desisyon ng magulang niya, ay wala akong magagawa. Ngunit, isang araw ng kayo ay makauwi galing Macau ay pinakiusapan kami ng kanyang Lolo na dito siya patuluyuin. Laking pag tataka ko ng makita ang pagbabago kay Eric. Pero nung makilala kita, Ija. Mukhang alam ko na kung bakit naging ganyan."

Napalingon ako sa kanya at bahagyang napangiti.

"Teka po, bakit parang ang dami niyo pong alam??" Takang tanong ko sa kanya.

"Nako, Ija. Ako lang naman ang nag aalaga diyan kay Eric at sa kapatid niya mag mula ng bata pa sila. Madalas kasi wala ang mga magulang nila at laging nasa trabaho." Pagpapaliwanag niya.

Agad akong napatayo sa kinauupuan ko ng marinig kong nag ring ang cellphone ko. Pumasok ako sa loob at kinuha sa may kama ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Hello, Tatay??"

["Anak! A-ang i-iyong Nanay..."] uutal utal na sabi niya. Mukhang hapung hapo siya. Kinabahan naman ako sa hindi malamang dahilan.

"Anong meron Tay?? Anong meron kay Nanay??"

["May mali sa pag kamatay ng iyong Nanay."]

"Anong may mali??!" Seryosong tanong ko.

["May dumatin------"] Hindi ko pinatapos si Tatay sa pag sasalita.

"Tay... ako na lang ang pupunta diyan para, mas maayos tayong makapag usap."] Paalam ko at nag suot ako ng pantalon at kinuha ang cellphone saka tuluyang lumabas.

"Ija!! Saan ka pupunta?!!" Tanong ni Nanay Linda.

"Pakisabi po kay Eric may pupuntahan lang ako!" Sigaw ko habang patuloy pa rin sa paglakad. Pababa na ako ng hagdan nang may humawak sa braso ko.

"Saan ka pupunta??" Napalingon ako sa nag salita.

"Alam mo Eric, kung gusto mong sumama sabihin mo lang. Madaling madali na ako oh!" Sabi ko at hinigit ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

"Saan ka ba kasi pupunta anong oras na oh??" Pag uulit niya.

"Kila Tatay. Ano? Ayos na ba? Maaari na ba akong umalis?" Pabalang kong saad sa kanya.

"Mag hintay ka diyan. Sasama ako." Saad niya.

"Wag ka ng mag palit ayos lang yan kahit naka boxer shorts ka. Natatakpan naman nung tshirt mo eh." Sabi ko at bahagyang natawa.

"Ulol! Ewan ko sayo! Basta mag antay ka diyan!" Sigaw niya at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto niya. Tumungo ako sa sala nila at hinintay doon si Eric. Matapos ng ilang minuto ay bumaba na rin siya hawak ang----helmet???

"Teka, mag mo-motor tayo??" Takang tanong ko at sinundan siya papunta sa may garage nila. Tumango lang siya kaya nag tanong ulit ako para sure. Mamaya ipahamak pa ako nito.

"Marunong ka??" Naninigurado lang.

"Malamang! Mag mo-motor ba tayo kung hindi ako marunong?! Mag isip ka nga! O isuot mo!" Pabalang niyang sagot at pabato niyang ibinigay sa akin yung isang helmet.

Binuksan ng isang lalaki ang garage nila. Ini-start naman ni Eric yung motor niya saka ako umangkas sa likuran niya. "Kapit." Sambit niya.

Hindi ko alam kung saan ako kakapit dahil ngayon lang ako nakasakay sa motor. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat, ang makasakay sa motor. Dahil feeling ko anytime pwede akong mahulog dito.

Dahan dahan akong kumapit sa damit niya. Nang maramdaman niya 'yon ay mabilis niyang pinaharurot ang motor kaya wala akong nagawa kung hindi yumakap sa kanya. Narinig ko naman siyang tumawa. "Nahihiya ka pa kasing yumakap. Ayos lang naman sa'kin 'yon, basta ikaw." Rinig ko ng sabi niya.

"Pwe! Ewan ko sayo!!" Sigaw ko sa kanya. Natawa lang siya at mas lalo niya pang binilisan ang pagtakbo ng motor.

"ERICCCC!!! ANO BA!! BAGALAN MO NGAAAA!!! MAMAMATAY TAYO NITO!!! KINAKABAHAN AKO SAYO!!!" Sigaw ko kay Eric. May sinabi naman siya ngunit hindi ko 'yon narinig dahil sa busina ng isang motor sa gilid namin. Hindi 'yon pinansin ni Eric at patuloy pa rin siya sa pagharurot ng motor. I'll gonna kill you! I swear!

Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa may apartment. Bumaba ako ng motor at hinampas siya ng helmet. "ARAY!! MASAKIT 'YON HA!!" Reklamo niya at hinaplos ang braso niyang natamaan. Hindi ko na siya pinansin at tuluyang pumasok sa loob ng apartment.

Nakita ko si Tatay na naka upo sa sofa habang nakahawak sa kanyang sentido. Na upo ako sa harap niya.

"Tay, ano ho ang problema??" Tanong ko sa kanya. Sandali akong napalingon sa may pintuan ng pumasok si Eric at na upo sa tabi ko. Binaling ko muli ang tingin ko kay Tatay na hindi mapakali sa pwesto niya.

"Iyan. Nakuha ko ang dokumento mula sa hospital niyo, Eric. Ang sinasabi diyan, namatay ang Nanay mo dahil sa aksidente. Hindi na agapan, kaya namatay." Pag papaliwanag niya at iniabot ang isang brown envelope.

"Hindi ba ang sabi mo Kallie, nasaksak ang Mama mo??" Taka akong napalingon kay Eric na ngayon ay tinitingnan ang mga dokumentong binigay kay Papa.

"Oo." Tipid kong sagot.

"Tingin ko... Parang may mali..."

"Mali??" Kunot noong tanong ko.

"Una palang alam kong makaka survive ang Mama mo. Malaki ang chance na maka survive siya kasi naidala mo agad siya doon... At sa tingin ko hindi naman ganoon ka lalim ang sugat na natamo niya dahil nahagip ng paningin ko ang Mama mo habang nasa ICU." Humugot siya ng malalim na buntong hininga bago nag patuloy sa pagsasalita. "Pero ang ipinag tataka ko... Paano humantong sa pagkamatay ang Mama mo??" Tanong niya at napahawak pa siya sa baba niya saka niya inilapag sa coffee table ang dokumento at patuloy pa rin sa pag susuri dito. "Malpractice. 'Yon lang ang nakikita kong rason." Tumigil ang mundo ko ng marinig mula kay Eric ang katagang 'Malpractice.' Namuo ang galit ko at naikuyom ko ang mga kamay ko.

Memories Of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon