Chapter 47 : Payback time

Start from the beginning
                                    

Maganda ito at malaking bulas na babae pero hamak na mas maliit sa akin ng ilang dangkal. Mahaba ang diretso nitong buhok na sa tingin ko ay kinulayan ng mala-ash brown na shade habang nakaipit ang kalahati niyon. Aaminin ko, isa sya sa pinaka-magandang nurse na nakita ko. pero magkagayonman ay tila wala ng bisa sa akin ang mga kagaya nya.

Tinitigan ko ito na awtomatiko namang napayuko ng magbangga ang aming paningin.

I creased my eyebrow.

Nakita ko pa kung paano nagkulay kamatis ang magkabilang nitong pisngi kasabay ng isang kiming pagngiti.

Napailing ako.

Girls nowadays, oo!

"Tamarah!" sigaw ng isang tinig mula sa kalapit na nurse station na nakaagaw ng atensyon ko.

Bumaling ang tingin ko sa gawi nito and then i saw this matabang nurse staring at our direction particular sa dalawang nilalang na nasa aming harapan.

"Dra. Medrano is looking for you" pagbibigay alam ng matabang nurse.

Nakuha nito ang atensyon ko when she mentioned the Doctors Surname. It was Tita Red.

"o-okay" isang malumanay na tinig iyon na pagmamay-ari ng babaeng tumitig sa akin.

I glance at her.

Obviously ay sya si Tamarah na tinawag ng babaeng malusog.

The girl unhurriedly walks towards the station kasunod ng kasama nya, pero ng tuluyan na itong makalagpas sa amin ay kagyat na natigilan at dahan-dahang bumaling sa amin.

Makahulugan itong tumitig sa akin at kiming ngumiti bago tuluyang tumalikod.

I raised an eyebrow habang nahihiwagaan sa ikinilos nito.

What was that for?

Nang tuluyang makalayo ang dalawa ay ngingiti-ngiting bumaling sa akin ang katabi.

"tsk!" narinig kong usal nya.

I look at him at sinamaan ng titig ng makitang nanunukso ang mga mata nito.

Mukhang lang gago.

"what?!" singhal ko dito.

"she's clearly into you" referring to Tamarah

"and so?" masungit na sita ko.

"tsk! why don't you just smile at them. Hindi ka naman inaano ay nagsusungit ka"

"dahil hindi mo ako kagayang malandi... Mr. Heartbeaker." I said sarcastically emphasizing the last word at umakmang tatalikod.

Siraulo to'. tuturuan pa ako ng mga galawan nya.

"ang ganda nuon ah, hindi mo ba type?" tukso nito which cause me to face him.  

His now throwing me his crazy smile. 

Sinamaan ko ito ng tingin.

"tsssss! gago ka ba? O gago ka talaga?" asik ko dito.

Hindi ko naiwasang patulan ito kahit na alam kong nagbibiro lang naman.

"ayaw mo ?" hirit pa nito disregarding my question.

This guy is un-believable!

Napabuga ako ng hangin and saracastically smile at him.

Seryoso ba sya sa tanong nya?

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Where stories live. Discover now