Chapter 26: Holdapers

16.5K 724 682
                                    

Enjoy~

CHAPTER TWENTY SIX

SOUTHERN'S POV

"Are you sure you're alright?"

I sighed and look at him. "Pang sampung tanong mo na 'yan sa akin."

"You cannot stop me from worrying. What if balikan ka ng mga taong gustong manakit sa'yo? What if, mas malala sa pagbaril ang gawin nila sa'yo?" his concern voice melts me.

Lumapit ako sakanya at tinapik siya sa balikat. How I wanted to erase all his worries.

"Daddy, your daughter is a soldier. I'm always ready for a war" I grinned but he just glared at me.

"You're a Gangster, Southern. That's far from being a soldier" he said sternly. Matalim ang tingin niya pero nakikita ko parin sa mga mata niya ang labis na pagaalala sa kalagayan ko.

Palabas na ako ng hospital kaya nag-aalala ito sa possibleng mangyari sa akin paglabas ko rito. They haven't caught yet the real suspect of the gun fire. Nahihirapan silang alamin kung sino ang nagpakana nang pamamaril sa akin dahil tiklop ang lalaking hinuli nila sa parking area.

"I'm a soldier, Father. You just have to believe I am one."

He tsked and took a deep breath. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at may nangungusap ang mga matang tumingin sa akin.

"Please, come back home, Southern. Mas mapapanatag ako kapag magkakasama tayo sa iisang bahay. Mas mapo-protektahan kita kapag nasa tabi kita."

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang sagutin ang sinabi niya kaya napayuko nalang ako. I'm sure, he already knows the answer I'm afraid to say.

"You love them that much, don't you?"

Kinagat ko ang ibabang labi at sinalubong ang malungkot niyang mga mata. Tipid akong ngumiti.

"I'll be on Japan this week. Pagbalik ko, kasama ko na si Tito Jackal. Ibabalik ko siya sa mga Crane. Hindi ko sila pwedeng iwan nang hindi ko sila nakikitang maayos. Alam mong hindi ko sila pwedeng iwan ng basta nalang. Maybe, if Tito Jackal back, pag-iisipan ko na ang sinabi mo. Sa ngayon, hindi ko pa sila pwedeng iwan" sabi ko.

I cannot leave them just like that. Hindi ko pa nga nasasabi sakanila ang tungkol sa pag-alis ko e. I'm having a hard time constructing a sentence. Hindi ako makabuo ng salita para sa pag-alis ko. I cannot tell them either my real purpose of leaving. Kapag nalaman nilang nasa Japan ang Ama nila ay baka sumama pa sila sa akin.

"Okay, I'll look forward on your decision" pinisil niya ang mga kamay ko kaya napatingin ako sakanya. May maliit itong ngiti sa labi kaya medyo napanatag na ako.

"Anyways, have you told them you're leaving?" tanong niya.

Lumabi ako at umiling. "Hindi pa. Hindi ko nga alam kung papaano ko iyon sasabihin e."

He patted my shoulder. "You have to tell them now. Bukas na ang alis mo."

Tumango ako. The thought that I'll be leaving them tomorrow breaks my heart. Parang hindi ko kayang malayo sakanila. Masyado na silang napalapit sa akin kaya nahihirapan akong lumayo. Kahit na sabihin nating babalik naman ako ay hindi ko parin matanggap. Malungkot at masakit.

The door suddenly opens. Sabay kaming napalingon ni Daddy sa pumasok at nakita si Genesis. Sumulyap siya kay Daddy bago tinuon ang mga mata sa akin.

"Let's go?"

Ngumiti ako at tumango. Tumingin ako kay Daddy na nakasimangot na ngayon. I chuckled and patted his shoulder.

"Aalis na kami, nandyan na ang sundo ko" sabi ko.

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon