Chapter 17: Bitch

17.4K 833 581
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

_

SOUTHERN'S POV

"Do you really have to go?" His low voice cracked as he stare at me with sadness.

My heart twitch. Nanunuot sa dibdib ko ang kalungkutan niya. Bumagsak ang mga balikat ko at inabot ang pisngi nito. He closed his eyes when he felt my touch.

"Babalik ako bukas. I just have to finish my business."

Kailangan ko ng bumalik sa hospital. Malapit nang mag-alas dose kaya kailangang nandoon na ako bago pa dumating si Lachlan at madiskobreng wala ako roon.

"Matatapos na ba ang business mo bukas? You're not going to leave again after that?" tanong niya at tumitig sa akin.

Tumango ako at ngumiti. "Hmm, hindi na ako aalis."

Dumaan ang tuwa sa mga mata niya. He held my hand that placed on his cheek and brought it to his lips. My heart did a somersault. Binalot ng kuryente ang puso ko. Ang lakas talaga ng tama ko sakanya. I never imagined that I'll be this in love with him.

"Good. 'Cause I'm not going to let you leave, though. Kung aalis ka, sasama ako" sabi niya at hinalikan muli ang kamay ko. "Mas mapapanatag ako kapag nasa tabi mo ako."

If he keeps on doing that, hinding hindi na ako makakabangon kapag iniwan niya ako. Hinding hindi ko makakayanan ang sakit. I love him so much to the point that I'll lost my sanity if he hurts me.

Hindi naman niya siguro ako iiwan 'di ba? Hindi naman siguro kami magagaya sa mga magulang ko. Kasi ako, nasisigurado kong hindi ako gagaya sa Nanay ko. Hindi ako aalis. Natatakot lang ako ngayon dahil baka si Genesis ang gagaya sakanya. I hope not. I'll probably going to jail with the case of murder kapag iniwan niya ako dahil lang sa ibabang babae. That's how crazy I am with him.

"Isasama kita, pwera sa banyo dahil ayokong mamatay ka sa explosion na ginagawa ko roon."

Napaatras ito at ngumiwi sa sinabi ko. Kita ang pandidiri sa mukha niya. Tinaasan ko ito ng kilay.

"That's gross!" sabi nito.

"Kung maka-gross ka akala mo naman hindi mo iyon ginagawa" depensa ko.

"Can we drop that topic? It's just so unnecessary to talk about" umangat ang gilid ng labi nito sa pag-ngiwi. "that. That is so gross, Bebe ko."

"Ang arte mo. Nilapitan ka ba ni North kanina? Mukhang may nasagap kang virus niya" sabi ko. Nangunot ang noo ko nang maisip na possible ngang nilapitan siya ni North. Wala pa naman ako. Mahilig iyon landiin ang mga Crane kapag wala ako.

"Are you jealous?" tanong nito imbes na sagutin ang tanong ko.

"Hindi. Bakit ko pagse-selosan iyon" agap kong sagot.

Naningkit ang mga mata niya at mainam akong tinitigan na para bang naghahanap ng sagot na gusto niyang marinig. He's not convince with my answer.

"She did go near me" maingat nitong sabi. "Nagkatabi pa kami sa upuan kanina."

I raised my brow again. "So?"

"Aren't you jealous about that?"

Nangunot ang noo ko. "Hindi."

"Are you sure? What if I told you that she also put foods on my plate. Sinubuan pa niya ako at..." tumikhim siya at bahagyang nag-iwas ng tingin. "pinaghubad para malagyan ng pulbo sa likod."

The Badass Babysitter Vol.2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon