Chapter 11 The Nixie ✔

Start from the beginning
                                    

Kulay puting balahibo na kapag nasinagan ng araw ay kumikinang, puting puting pakpak natalaga namang nakaka mangha at ang maliliit nitong sungay na bumagay sa kagandahan nito. Bakit nga ba hindi ko na naalala na sila ang mga Nixie. Mga mapanganib na mga Nixie.

Ang pinagtataka ko lang ay bakit sila nakakapagsalita. Wala namang sinabi na kayang magsalita ng mga Nixie at bakit ba nila ako tinatawag na reyna hindi naman ako reyna.

"Ikaw ang aming bagong reyna na matagal na naming pinaka hihintay Mira Noelani" saad ng isa sa kanila. Sa tingin ko ang nasa gitna ang nagsasalita dahil siya lang naman ang naka tingin sa akin.

"Hindi ako isang Reyna isa lamang akong hamak na estudyante mula sa paaralan sa labas ng lugar na ito" mahinahong pagkausap ko sa kanila. Muka tuloy akong baliw dahil nakikipag-usap ako sa kanila. Parang kailan lang ng kausap ko ay aklat ngayon naman ay mga Nixie.

Nababaliw na ba ako?

"Pero simula ngayon ang isang hamak na estudyante lamang ay siyang magiging bagong reyna na naming mga Nixie" saad niya sa akin at mukha naman siyang seryoso pero hindi parin ako naniniwala.

"Ano namang dahilan at ako ang naging bagong reyna niyo? " tanong ko sa kanya. Nagawa ko naring umupo ulit at pagmasdan ang lawa sa harap namin. Napakaganda nito dahil kulay asul ang tubig at maraming isda ang naninirahan dito. Sa tingin ko ay nasa gitna kami nitong tirahan nila.

Kampante narin ako sa kanila dahil mukha naman na silang mabait at hindi naman na nila ako sasaktan. Subukan lang nila dahil kakatayin ko sila haha joke lang diko sila kaya. Napatingin naman ako kanila ng naging tahimik silang lahat.

"Simple lang ang sagot mahal na reyna dahil ikaw ay may busilak na kalooban kaya't ikaw ang napili ng aming dating reyna at dahil ikaw at ako ay iisa" saad ng malaking Nixie na siyang tumabi sa akin. Naguluhan naman ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Iisa? Tayo? Anong ibig mong sabihin malaking Nixie? " tanong ko sa kanya habang naka kunot ang noo pano kami naging isa eh dalawa kami.

Muntikan pa akong matawa sa sarili ko dahil pagmay nakakita sa akin sa kalagayan ko ngayon ay mapagkakamalan pa akong nababaliw dahil nakiiipag-usap ako sa isang hayop.

Napatigil lang ako sa pag-iisip ng unti unting binalot ng puting usok ang Nixie na nasa harapan ko. Hanggang sa hindi ko na siya nakita. Hindi nagtagal ay unti unti naring nawala ang usok na nakapalibot sa kanya.

Halos mapanganga naman ako ng makita ang nangyari. Isang ganap na tao na ang nasaharapan ko ngayon. Isang lalaking nasa tingin ko ay kaedadan lang namin. Napakunot naman ang aking noo ng may mapansin ako sa kanya.

Mukhang pamilyar sa akin ang itsura niya. Sinubukan ko naman siyang alalahanin at habang inaalala ko ay kita ko ang unti unting pagbuo ng isang ngiti sa kanyang labi.

Siya yung lalaking nagligtas sa akin noong muntikan na akong tamaan ng gate dahil sa katangahan ko. Siyang pumigil sa gate kaya hindi ako natamaan. Ito rin yung araw na nabangga ko yung taong sardinas na iyon noong naligaw ako at napadpad ako sa dormitoryo nila.

Amphitrite University: The Sea PrincessWhere stories live. Discover now