Chapter 11 The Nixie ✔

Magsimula sa umpisa
                                    

Unti unting nawala ang liwanag na nagmumula sa katawan ni Mira at kasabay nito ay ang unti-unti niyang pagbaba sa lupa. Wala paring malay si Mira ng makababa ito kaya agad itong dinaluhan ng mga Nixie.

Ang kaninang galit at mapanganib na mga Nixie ngayon ay naging maamo at maingat na sa paglapit sa kanilang bagong reyna. Reyna na matagal na nilang pinakahihintay at ngayon ay nasa harapan na nila. Puno ng sugat na sila mismo ang may gawa.

Mira's P. O. V.

Nagising ako dahil sa mainit na bagay na dumadampi sa aking katawan. Hindi ko alam kung ano ito pero masasabi kong masarap ito sa pakiramdam. Tila ba tinatanggal nito ang sakit ng aking katawan at pinapalitan ng maayos na pakiramdam.

Dahil sa pagtataka ay minulat ko na ang aking mga mata upang makita kung ano ito. Nanlaki ang aking mga mata at muntikan na akong mapasigaw ng makita ko kung ano ang dumadampi sa aking balat. Agad akong tumayo sa aking pagkakahiga ng mapagtanto ko kung nasaan ako.

Nandito parin ako sa lugar na puro kawayan at nandito parin sa harapan ko ang mga hayop na umatake sa akin kanina. Nakapalibot sila sa akin ngayon at baka kung hindi ako nagising ay baka gawin pa nila akong hapunan.

At kung itatanong niyo lang naman kung ano ang kaninang dumadampi sa aking balat ay iyon ay ang dila ng isa sa kanila. Hinihimod niya ang aking mga katawan na nakapagpatayo ng balahibo ko. Kung kanina ay gustong gusto ko ang pakiramdam niyon ngayon naman ay ayoko na.

Dahan dahan akong naglakad paatras para maka-alis na ako dito. Ayoko pang maging hapunan wala akong laman promise. Magpapataba muna ako saka nalang ako babalik dito pero wag muna ngayon parang awa niyo na.

Nakahinga naman ako ng kaunti ng maka-ilang hakbang ako at hindi parin ako napapansin ng mga ito. Tatalikod na sana ako para tumakbo ng biglang may magsalita sa kanila.

"Huwag po kayong umalis mahal reyna, ipagpaumanhin niyo po ang aming nagawa" tinig ito ng isang lalaki. Humarap ulit ako sa kanila at nakita ko kung papa-ano silang lahat ay yumuko sa akin.

Sino bang reyna ang tinutukoy nila? Ako ba? At saka sino ba yung nagsalita? wala namang tao dito maliban sa akin at sa mga hayop na ito? Baka naman may MULTO dito kaya walang pumupunta. Akala ko sa mundo lang ng mga tao may multo pati rin pala dito sa Atlantis.

Nasabi ko na rin na takot na takot ako sa multo.

"Multo? Ano yun mahal na reyna? " maslalo akong natakot ng may magsalita nanaman. Hinanap ko kung saan ito pero wala talaga akong makita. Paano naman naman nalaman ng multong yun iniisip ko.

Pati ba naman multo dito sa Atlantis may kapangyarihan din. Ano yun mind reader na multo? Masmapanganib pala ang mga multo dito. Maskailangan ko palang mag-ingat.

"Ako bang kinakausap mo? " tanong ko sa kawalan dahil hindi ko naman alam kung nasan ang kausap ko. Malay ko ba kung nasa tabi ko na pala yung multo o baka naman sa likuran ko na at handa na akong saktan.

"Mahal na Reyna kami po ba ang tinutukoy niyong multo? hindi po kami multo kami po ay mga Nixie at nandito po kami sa harapan niyo" saad nanaman niya. Kung hindi siya multo ano siya? Sabi niya Nixie siya parang pamilyar sa akin ang pangalan parang nabasa ko na.

Makalipas ang ilang taon ng pag-iisip ay naalala ko na kaya agad akong humarap sa mga tigreng puti na nasa harapan ko. Doon ko lang napagtanto na lahat sila ay nakayuko sa akin maliban lang pala sa isa. Yung pinakamalaki na nasa gitna nila.

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon