Chapter 11 The Nixie ✔

Magsimula sa umpisa
                                    

Napahinto lang kami ng dumating na ang mga Araxie na pinakawalan nila Talya at Kai kanina. Buti nalamang ay isang Cari din si Kai katulad ni Talya kaya masmaraming Araxie ang natawag nila para tulungan kami.

Bakit ba kasi wala akong ganyan. Siguro kung may alaga akong Araxie lagi kong katabi sa patulog at lagi kong kasabay sa pagkain. Pero okay narin naman at masaya na ako bilang isang Lana.

Habang pinagmamasdan ko naman sila ay lalo akong kinabahan dahil naging seryoso ang mukha ni Kai na ayokong nakikita dahil minsan lang siyang mag seryoso at iyon ay ang panahon na may nangyayaring hindi maganda.

Maslalo akong kinabahan ng makita ko silang dalawa ng tumakbo ng mabilis papunta sa kung saan. Wala kaming nagawa kundi ang sumunod sa kanila kahit hindi namin alam kung nasaan sila.

"Nasan na si Mira? Saan tayo pupunta? " tanong ko sa dalawa dahil hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon.

"Nixie" ang tanging sinagot ni nilang dalawa ng hindi manlang tumutingin sa akin. Pero alam ko na ang sinasabi niya dahilan para masbilisan ko pa ang pagtakbo ko.

Hindi, hindi maaaring nandoon siya. Masyadong dilekado maaari siyang mapahamak. Walang nagtatangkang pumunta doon dahil masyadong dilekado. Kahit gaano pa kaganda ang tanawin doon ay masyado namang mapanganib ang mga Nixie na naninirahan doon.

Ang mga Nixie ang pinaka mapanganib na hayop dito sa Atlantis. Sila rin ang pinakamalakas na hayop dito. Kahit sa isang iglap ay kaya ka nitong patayin. Pero sila din ang pinakamabait na hayop dito iyon ay kung mapapa-amo mo sila na siyang napaka imposible dahil isang Atlantians palang ang nakakagawa nun at iyon ay ang kauna-unahang Reyna ng Atlantis si reyna Amphitrite.

Marahas kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking mata. Hindi ko ito mapigilan dahil sa halo halong emosyon na aking nararamdaman. Takot na baka mapahamak siya, inis dahil napabayaan namin siya at bigat ng dibdib na hindi ko alam kung bakit.

Huminto kami sa harap ng gate papasok sa bahay ng mga Nixie at maslalong tumulo ang aking mga luha dahil sa mga nakikita ko. Kahit nandito kami sa labas ay nakikita namin ang mga natumbang kawayan. Kawayan na siyang nagpapaganda sa paligid pero ngayon ay sira sira na at halata na may nangyari ditong hindi maganda.

Hindi na ako nagdalawang isip at mabilis akong tumakbo papasok doon. Halos kasabay ko naman si Kai na punong puno ng pag-aalala. Hindi ko na tinignan kung sumunod ba si Talya sa amin ang mahalaga ay mailigtas namin si Mira.

Third person's P. O. V.

Kasalukuyang ina-atake ng pinuno ng mga Nixie ang walang malay na si Mira. Galit na galit ang mga ito dahil sa ginawa ng dalaga dahil ang pinaka ayaw ng mga Nixie ay ang pagpasok sa kanilang teritoryo.

Habang ina-atake ng mga Nixie si Mira ay bigla silang napahinto dahil ang simbolo na matagal na nilang hinahanap ngayon ay nasa harapan na nila. Ang simbolo ng isang Misty isa itong patak ng tubig na kulay asul. Napapalibutan din ito ng mga kumikinang na gintong alikabok na nalalaglag papunta sa katawan ni Mira.

Nagkagulo silang lahat dahil sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa katawan ni Mira. Hindi alam ng mga Nixie ang kanilang gagawin. Lahat sila ay nagkagagalo dahil hindi sila handa, hindi sila handa sa pagdating ng kanilang bagong reyna.

Hindi nila inaasahan na sa ganitong paraan nila makikita ang prinsesa na matagal nilang hinahanap. Hindi nila inasahan na ang babaeng sinaktan nila ay ang bagong reyna nila na pinangako sa kanila ng kanilang dating reyna na walang iba kundi si Reyna Amphitrite

Unti unting lumutang ang nagliliwanag na katawan ni Mira kaya maslalo pang nagkagulo ang mga ito. Nagkakagulo sila dahil hindi sila handa sa pagdating ng kanilang reyna at nasa masama pa itong kalagayan.

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon