Chapter 31

2.4K 32 39
                                    

Chapter 31

[Kristine’s POV]

“Bestfriend~~!”

Nagtatatakbo ako pababa ng marinig ko yung boses ni Liezel sa baba. Nandito na pala siya.

“Bestfriend~~!” sabi ko din pagkababa na pagkababa ko ng hagdan at agad ko siyang niyakap.

“Aga mo ata ngayon?” tanong ko sa kanya nung umupo na kami.

Nagpout siya. “Eh kasi sabi ni Aries tumawag daw sa kanya si Lara dahil may practice daw para dun sa kasal. Eh gusto ko sabay na tayo papunta dun tutal sabi ni Aries kasama ka din naman sa entourage kaya maaga kaming pumunta dito.”

Tumingin ako kay Aries na nasa kabilang upuan. Ewan ko kung dapat akong matuwa o kilabutan. Nakangiti siyang mag-isa at pangisi-ngisi. OHMYGOD! Gwapooooooooo ;”>

“Hoy. Wag mo ngang pagnasaan.” nabalik ako sa pagdedaydream ko sa sinabi ni Liezel. Jealous much ang bestfriend ko. HAHA! XD

“Sige. Bihis lang ako.” umakyat ako sa taas para makapagbihis at iniwan silang dalawa doon. Bahala sila. Sus. Kinikilig tuloy ako. :”>

Dating gawi, alam niyo naman ang ginagawa ko pag nagbibihis ako. Minadali ko na kasi baka kung ano na ginagawa nung dalawa dun. Mahirap na. Hindi pa bumabalik ang alaala ni Liezel. Pero unti-unti na din siyang nakakacope up.Sana nga magtuloy-tuloy na. Kaso nag-aalala ako para kay Liezel, pag bumalik ang alaala niya, baka masaktan ulit siya. Yun lang ang kinatatakutan ko. Kasi naman, Daren, nasan ka ba? Ikaw lang ang sagot sa lahat ng ‘to. San ka ba nagpunta? Bakit di ka pa bumalik?

Huminga ako ng malalim bago bumaba para makaalis na kami.

*lakad lakad*

*lakad lakad*

*lakad lakad*

O_O

B-bakit? A-akala ko? Sht. Dumating na si Adrian. Kasama si Tj, yung kapatid niya, pati parents ni Tj. Akala ko ba 1 week bago nila ibabalik si Adrian? Patay. Pano na ‘to? Nandito din si Aries. A-anong gagawin ko?

Napansin na ata ni Liezel na nakababa na ako kaya agad niyang tinawag ang pangalan ko. Nag-aalangan naman akong lumapit sa kanila dahil iniiwasan ko yung tingin ni Aries. I know that stare. Yung nakakakilabot niyang tingin. T^T

“Kristine! Ang cute nila oh! Look at them! Lalo na ‘to. Tinatawag pa niya akong mama. How cute.” pinisil niya yung pisngi ni Adrian habang napangiwi naman si Adrian.

Lumapit ako sa mga parents ni Tj para magpasalamat sa pag-aasikaso nila kay Adrian sa mga araw na nandun ito sa kanila. Sabi nila ayos daw, mas sumaya daw yung bahay nila nung nandun si Adrian. Nagpasalamat ulit ako tapos nagpaalam din naman agad sila para umalis. Hinatid ko sila palabas. Nung nakalabas na sila, agad kong tinext si Joshua ng ‘PUNTA KA AGAD SA BAHAY. URGENT.’ tapos pumasok na ako sa loob at nanginginig na binuksan ang pintuan papasok. Umupo ako sa tabi ni Liezel na busy sa kakalaro kay Adrian. Iniiwasan ko din yung tingin ni Aries. Sandali lang talaga. Hintayin muna natin si Joshua. I can explain.

*click!*

“Tin, bakit mo ko tine—“ natigilan si Joshua ng makitang nandun si Liezel, si Adrian, at si Aries sa sala namin. Lumunok muna siya bago lumapit at pinilit na ngumiti. Tumakbo naman sa kanya si Adrian pagkakita sa kanya ng bata. Sinenyasan ko na iakyat niya muna si Adrian sa taas. Tumango naman siya at hinila na si Adrian papunta sa taas. Nananatili akong tahimik hanggat di ko naririnig yung pagsarado ng pinto nila Adrian.

*click!*

“Kristine, ang cute naman nung batang yun. Nakakapanggigil. Kanino bang anak yun?” nakangiting tanong sakin ni Liezel.

Teenage MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon