Chapter 6

6.3K 101 5
                                    

[Liezel's POV]

"ANO?!"

"Ano ka dyan? Gagawin natin yun sa ayaw o sa gusto mo. Lahat sasama kaya wala ng atrasan to. Maliwanag?" sabi ni Sir Joshua.

"O-ok."

Haaaayyyyyy. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Ano ba naman yan oh? Kung mamalas-malasin ka nga naman sobra-sobra. Nakakainis lang.

"Oh Liezel, excited ka na ba dun sa gagawin natin?" tanong ni Bea, yung officemate ko.

"Obvious ba?" -___-

"hindi eh. Ano bang meron? Mukha kang badtrip ah?"

"buti napansin mo." -____-

"Ano bang meron? Share mo naman."

"Anong meron? Namatay kasi yung buwaya sa bahay namin. Ayun, nakakadepressed. Kaya ganito mukha ko. Ayos na ba?" -____-

Tinignan niya ako na parang di makapaniwala. Buwaya? Anong klaseng excuse yan Liezel? Wala naman kaming buwaya sa bahay eh. Sabi ko lang yun. Badtrip talaga ako eh.

"Ok. Sige, condolence na lang.. sa alaga mong buwaya. Bye." taos kumaway siya na parang nagbababye.

"bye." -___-

Walang kabuhay-buhay akong dumiretso sa office ni Aries este SIR Aries dahil may iniuutos daw siya sakin.

Pagpasok ko...

SIR Aries: ---->  ^__~

Ako: ------------>  -___-

"Bakit ganyan mukha mo?" bungad niya sakin.

"Ano bang meron sa mukha ko?"

"Nakasimangot ka. Wag ka ngang ganyan! Lalo kang pumapanget."

"Ok lang." -____-

SIR Aries: -------> O_O

"Oh bakit ganyan mukha mo? Ang laki ng mata mo."

Imbes na sagutin yung tanong ko lumapit siya sakin tapos hinawakan yung noo ko tapos yung leeg ko.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko.

"Wala ka bang sakit?"

Sakit? Sa pagkakaalam ko wala naman diba?

"Wala. Bakit ba?"

"Siguradong-sigurado ka ba?" tanong nanaman niya sakin.

"Wala nga. Bakit ba ang kulit-kulit mo?"  di ko na siya pinansin at dumiretso ako dun sa upuan sa harap ng table niya. Nanglalata ako.

Sumunod naman siya at umupo din sa harap ko.

"Wala lang. Ang tamlay mo kasi eh. E dapat dinadaldal mo na ako pag ganito. Ano bang nangyari sa'yo?"

"ayieee. Namimiss mo kadaldalan ko noh?" walang sigla kong tanong.

Sa totoo lang inis na inis na inis na ako. Simula kanina nung sinabi ni Sir Joshua yun. Ay nako. Sarap pumatay ng hayop. De joke lang. -____-

"Asa ka naman. Buti nga yon eh. Walang maingay. Anyway, bakit ka nga ganyan? Bigay ka naman ng clue, huhulaan ko."

"Sige. Tagalog. 1000 words. 500 syllables. Tungkol sa office. Ano huhulaan mo pa ba?"

"Ano ba namang klaseng clue yan? Walng kwenta. O ayaw mong magpahula? Magkwento ka na lang."

"Mukha ba kong nasa mood para magkwento?"

"kahit nasa mood ka pa o wala, magkwekwento ka parin. Now, start."

"ok fine."

"Diba alam mo na yung gagawin nating out of town next week?"

Teenage MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon