Chapter 27

2.8K 35 6
                                    


Author's Note: 
Nothing much to say. Just vote and comment on this chapter. Sorry for the delay. :X

Thank you :">

Time check: 3:00 AM
P.S ~ Insomnia attack kaya nagupdate na lang ako. =)) 

---

Chapter 27

 


[Monday|9:45 am]

“LIEZEEEEEEEEEEEEL!!!!” sigaw ni Kristine sa kaibigan mula sa ibaba. Ang tagal kasi nitong mag-ayos. Siya itong maarte at mahilig magpaganda tapos siya pa ang nauna. Baliktad ata?

Tiningnan ni Kristine ang sariling repleksyon sa malaking salamain na nasa sala nila. Napangiti siya, maganda naman ang pagkakaayos niya sa sarili niya. Walang labis, walang kulang. Alam niyang wala siyang nakalimutan. Maya-maya pa ay bigla itong sumimangot. Naalala niya ang kaibigan na nasa itaas. Naiinip na siya na makaalis at makapunta dun sa pupuntahan nila.

“LIEZEL! HEY! CAN YOU PLEASE GO A LITTLE BIT FASTER?! WE’RE GOING TO BE LATE!”

“MALAPIT NA! ARGH! TEKA LANG!”Samantala, masyado nang nagmamadali si Liezel dahil sa sigaw ni Kristine. Natataranta kasi siya pag minamadali siya. And yung nangyayari ngayon, masasabi niyang umatake nanaman ang pagkataranta niya. Dahil sa pagmamadali, pagkakuha sa heels niya para matapos na ay sumabit ang mga ito at bumagsak sa mga paa niya. Oo, sa mga paa niya.

“Ouch! ARGGGGGHHHHH!” napahawak sa ulo si Liezel dahil sa nangyari. Kanina pa siya naaasar kasi kanina parin siya pumapalpak. Wala ata siyang magawang tama ngayong araw at ang talagang kinaiinisan niya.

Kahit na masakit, itinuloy na lang nito ang pagsuot sa heels at bumaba na. Mukha tuloy itong pilay dahil paika-ika maglakad. Humawak pa ito sa railings ng hagdanan para magsilbing suporta nito sa pagbaba.

Nakataas ang kilay ni Kristine pagkakita sa itsura ng kaibigan. Ano nanamang nangyari dito at ganyan kung lumakad ito? Hinintay niyang makababa ng tuluyan si Liezel bago niya ito tinanong. Sigurado siyang may kapalpakan nanaman na nangyari dito.

Nang makababa si Liezel ay agad itong umupo sa couch dahil napagod ito sa pagbaba. Masakit talaga yung paa niya, sa bigat ba naman nung heels na bumagsak sa kanya panong di sasakit.

She threw a glance at Kristine who’s at her front right now. Her best friend’s eyebrows were raised and it’s pretty obvious to her that Kristine is annoyed and curious at the same time. She took a deep breath as if preparing for the whole question and answer portion of Kristine.

“What happened to you?” asked Kristine who’s eyebrows still raised.

Teenage MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon