Chapter 1

12.9K 219 10
                                    

Nasabi ko naman sa inyo na isa akong batang ina diba? Oo tama iyon. Pero kung sasabihan niyo na agad akong malandi, impokrita, pokpok at walanghiya, isa lang ang masasabi ko sa inyo, WALA AKONG GINAWANG MASAMA.

Oo nga at ganun ang sitwasyon ko pero porke ba ganun e malandi, impokrita, pokpok at walanghiya na agad? Hindi ba pwedeng nangyari yon dahil sa pag-ibig?

Kasi ganun ang nangyari sa akin. Gusto niyo bang malaman? Pakinggan niyo na lang ako.

High school ako nun ng i-arranged marriage ako ng magulang ko sa isang lalaking di ko kilala, di ko pa nakikita at worst, di ko mahal. Ang pangalan niya ay Daren at siya ay anak ng business partner ng daddy ko. Nung time kasing yun, mayaman pa kami. Lahat ng gusto ko nakukuha ko kasi akala ko hindi kami maghihirap. Umayaw ako dun sa kasalan pero lahat ng yon nagbago nung isang araw nakita ko ang mommy ko na umiiyak sa kwarto nila.

Tinanong ko siya kung ano bang nangyari pero lalo lang siyang umiyak at sinabing tanggapin ko na daw ang arranged marriage. I said no pero sinabi niya yung totoong dahilan kung bakit kailangan kong tanggapin, kasi nalulugi na yung kompanya namin. At ang tanging paraan na lang ay ang pakasalan si Daren. Dahil sa ayokong mangyari yun, pumayag ako. Tinulungan ng family ni Daren na makabangon ulit kami at nagtagumpay sila.

Yung tungkol naman daw sa kasal ay mas maganda daw kung pagkatapos pa ng college gagawin para makagraduate muna kami. Purpose din nila yun para matutunan naming mahalin ni Dare ang isa't-isa. And I did. I did fall for Him. Kasi habang di pa kami kasal, ginawa din niya lahat para mahalin ko siya. Niligawan niya ako at sinagot ko siya. Nagmahalan kami at nangakong di iiwan ang isa't-isa.

Ngunit di inaasahang nabuntis ako. Lasing kasi kami nung mangyari yon kaya wala kami sa tang pag-iisip. Sinabi namin sa mga magulang namin and it turned out na ok lang sa kanila. Masaya kaming lahat sa nangyari. Noon yun, pero lahat nabago ng isang araw nabalitaan ko na lang na umalis siya ng bansa at iniwan ako. Hiyang-hiya yung magulang ni Daren samin kaya pinull-out nila yung share of stocks nila sa kompanya na naging dahilan kaya nalugi ulit kami.

Di nakayanan ni mommy yung nangyari kaya inatake siya sa puso at namatay. Nung pagkamatay ni mommy, si daddy biglang nagbago, madaling araw na kung umuwi at lagi pang lasing. Lahat yun pinagtiisan ko, lahat ng hirap, wala na din kasing natira sa saving namin dahil naubos na namin sa dami ng gastusin namin.

Ngunit di ko inaasahang may mas darating pa palang mas masakit, namatay si daddy. Nasaksak habang nakikipag-inuman. Sa sobrang lungkot ko nun, nagbreak down ako nun at muntik pang mag-agaw buhay. Buti na lang dumating si Kristine, yung bestfriend ko since high school. Tinulungan niya akong bumagon at pinatuloy niya ako sa bahay niya. Utang ko sa kanya ang buhay ko pati narin ang buhay ng anak ko. Kundi dahil sa kanya wala na ako ngayon dito sa mundo. Kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanya.

Ngayon, dito parin kami nakatira kay Kristine pero di na tulad ng dati. May trabaho na ako kaya hati kami sa lahat ng gastusin, sa kuryente, tubig at iba pa. Pero yung pagpapaaral ng anak ko, ako na lang mag-isa. aba, kahit bestfriend ko yan nahihiya na din naman ako sa kanya. Tama na yung mga nagawa niya.

"BESTFRIEEEEEEEND!" rinig kong sigaw ni Kristine. Ganyan talaga yan. Maingay.

Teenage MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon