Chapter 16

4K 57 10
                                    

[Liezel's POV]

It's been three days since nung pumunta yung malanding ex ni Aries na si Chaela. Grabe yung babaeng yon! Sarap iuntog yung ulo niya sa pader eh. >//< Magaling naman na yung sugat ko. Salamat sa paggamot ni Daren. Pwede na siyang maging doctor promise.

"Zel, di ka pa ba tapos diyan? Malelate na tayo." sabi sakin ni Kristine na kasalukuyang nasa labas ng kwarto.

"Sure ka? Bilisan mo ha! Pero dapat magpaganda ka."

"Opo. Para namang dun lang tayo pupunta magpapaganda pa ako?"

"Siyempre naman! Para maraming makapansin sa'yo. Lalo na si papa Daren!" nagsimulang tumili si Kristine.

"Hoy ano ba! Ano nanamang kinalaman ni Daren dito? Loka ka talaga."

"Eh kasi! Kinikilig ako sa inyo! Ang sweet niyo!"

"Sweet?! E wala pa naman kaming ginagawa ah? At for your information Kristine Bergado, di pa po kami nung tao. Wag kang OA diyan." sabi ko at patuloy na nag-ayos ng sarili habang nakaharap sa salamin.

Biglang pumasok si Kristine sa loob at tumakbo papunta sakin.

"Ano ka ba?! Nakalimutan mo na ba na inaya ka niya ng lunch date nung isang isang isang araw? It ain't that sweet?" nagniningning yung mata niya habang sinasabi niya yan.

"Gusto mo ng sweet?" tumango siya. "Kumain ka ng asukal sa baba. Yun. Sweet yun." tapos nginitian ko siya.

"G@ga. Eh basta! Ako parin ang number 1 ng Darel loveteam! Ayieee!" nagtatatalong sigaw niya.

[A/N: DarEl=DARen + liezEL. Bwahaha. Kung di niyo gusto yung name ng loveteam nila isip kayo bago. Tinatamad ako. XD]

"Darel?! Anong kalokohan nanaman yan Kristine?" tanong ko sa kanya.

"Darel. Lovetam niyo ni papa Daren. Daren + Liezel equals DAREL! Yoohoo!!"

"Malay ko sa'yo -___-" di ko na lang siya pinansin at tumuloy sa ginagawa ko.

"Ay!" napatayo ako kasi bigla siyang sumigaw.

"Bakit?!"

Ngumiti siya sakin. Ayaw ko yang ngiti niya. Mukha siyang demonyo. Promise. Pati kayo kikilabutan pag nakita niyo.

"B-bakit nanaman ba?" nauutal na tanong ko sa kanya.

"Diba may isa ka pang papable? Yung boss mo?"

"H-ha? Di ko naman ano yun. A-ano bang pinagsasabi mo?"

"Hmm. Dalawang lalakeng nagmamahal sa'yo. Yung isa bumalik mula sa nakaraan mo at yung isa may balak kang makasama hanggang sa hinaharap mo. Sinong pipiliin mo?"

"Ano ka ba! Wag ka ngang ganyan. Wala namang gusto yung si Aries eh." pagtatanggi ko. Kinilabutan ako sa sinabi niya eh.

"Wala..." tumigil siya at humarap sakin. "...pa sa ngayon. Pero dadating ang panahon. Tignan mo lang. Hantayin mo lang."

"Wala akong hihintayin ano ba! Teka, may alam ka noh?"

Umiling siya. "Ano ka ba girl! That's what you called girl instincts." she winked at me tapos lumabas na ng room ko.

"Dalawang lalakeng nagmamahal sa'yo. Yung isa bumalik mula sa nakaraan mo at yung isa may balak kang makasama hanggang sa hinaharap mo. Sinong pipiliin mo?"

Ano ba yan! Di ko dapat iniisip yan. Wala namang gusto sakin si Aries. Sus. Yung masungit na yun? Magkakagusto sakin/ Eh sabi nga niya ang daldal daldal ko. Hmp. >///<

After ilang minutes lumabas na din ako at nakita si Kristine na naghihintay sa sala. Kung nagtataka kayo kung san kami pupunta, we're going to Adrian's commencement exercises. He's recognized as 1st honor so we needed to go. Buti pinayagan akong magabsent ngayon ni Joshua at Aries. This day is important to me and to Adrian.

"Tara na? Nagaantay na si Daren sa labas."

Tumango ako. Nga pala, kasama si Daren kasi sabi ni Adrian gusto niya na nandun daw papa niya. Kaya inimbitahan ko si Daren na sumama. May important meeting pa nga yan ngayon kaso pinacancel niya para makapunta. Kaya siya sumundo samin.

Lumabas na kami at sumakay na sa kotse ni Daren. Ako sa tabi ni Daren sa may harapan (san ka naman nakakita ng driver na nasa likod?) tapos si Kristine nasa backseat. Si Adrian nandun na sa school niya. Kailangan kasing mauna muna yung mga gragraduate at yung mga may award.

Dumating na kami sa school ni Adrian. Kaso pagbaba namin...

"Waaah! Ang gwapo niya!"

"Sino siya? Anong pangalan niya?"

"Student ba siya dito?"

"Ang pogi-pogi niya talaga!!"

Siniko ako ni Kristine tapos lumapit at bumulong.

"Grabe. Pati hanggang dito pinagkakaguluhan si papa Daren. Look oh. Pano ba namang hindi? He's so handsome and so hot! I wonder kung kelan mo siya sasagutin." tumatawang bulong sakin ni Kristine.

Tiningnan ko naman siya ng masama. Nagpeace sign lang ang loka. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang marating namin yung auditorium kung saan gaganapin yung awarding ceremonies. Humanap kami ng upuan then ayun. Nakita ko pa nga si Adrian na palinga-linga yung ulo dahil sa kakahanap samin. Then nung nakita niya kami tapos nandito pa si Daren, ngumiti siya ng abot tenga tsaka tumingin din sa stage. Napangiti din tuloy ako.

"Liezel, you look beautiful today." bulong sakin ni Daren.

I swear tumaas lahat ng balahibo ko pagkasabi niya nun. Yung boses niya kasi... nakakaano. Plus the fact na he whisphered it so dagdag shivering points.

Nilingon ko siya and nagulat ako kasi 1 inch lang yung pagitan ng mukha namin. A-and malapit na niya akong mahalikan. Umiwas ako ng tingin to avoid such... you know what I mean. Ayokong maulit yung nangyari nung naglaro kami ng pamatay na Tug of War.

"T-thank you." sabi ko ng hindi nakatingin.

"No problem."  napatingin naman ako sa kanya and he's wearing his killer smile. Umiwas nanaman ako ng tingin. Pakiramdam ko namumula ng todo yung mukha ko. Tumingin na lang ako sa stage pero I heard him chuckle. Pinagtritripan nanaman ako nito eh. -__-

"And our 1st honor, let me call on Santillan, Adrian C." rinig kong sabi nung teachers na nasa stage. Tumayo na ako tapos si Adrian para pumunta sa harap. Ako kasi magsasabit ng medal niya. Proud mother ata to. >:DD

Pagkakabit ko nung medal pinaayos kami for picture. Naka 5 shots kami tsaka lang kami pinababa. Hindi kasi sila adik sa picture kaya ganun.

Sinalubong naman kami ni Daren at Kristine sa baba. Lumapit agad si Adrian sa papa niya at niyakap ito. Natouch naman ako sa mga nakikita ko. Ngayon ko lang kasi nakita tong dalawa eh. Especially sa mga ganitong time na nabibigyan si Adrian ng award. ako lagi kasama niya at si Kristine. Tumingin ako kay Kristine...

"Hoy! Bakit ka umiiyak?" natatawang tanong ko sa kanya.

Pinunasan niya yung luha niya tapos tumingin sakin.

"Eh kasi masyado akong natatouch sa eksenang nasa harapan ko. Alam mo naman, ngayon ko lang nakita si Adrian at si papa Daren na magkayakap ng ganyan."

Natawa na lang kaming lahat sa inasal ni Krisitne. Kahit kailan talaga. Hinintay muna naming matapos yung ceremonies then dumiretso na kami sa school parking lot para umuwi. But suddenly, may nakita akong pamilyar na tao. Nung unti-unting lumapit samin nagulat ako kasi...

"Aries?!"

________

[A/N:] Hehe. Sensya kung bitin. Salamat sa pagbabasa. >:D

Vote and Comment. 

Teenage MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon