Chapter 2

11.4K 197 9
                                    

Hello po! Ito na po yung update ko oh. Salamat po ulit sa inyo ^_^

___________________________

Nakauwi na kami. Pinaakyat ko na si Adrian sa kwarto niya para makapagpahinga at para mapag-isa kami ni Kristine. May dapat pa kasi kaming pag-usapan.

"Ah Zel sorry sa ginawa ko kanina." biglang sabi ni Kristine.

"Ok lang. Kaso diba parang ang ewan tignan? Alam mo naman na si Daren yun bakit pinapunta mo pa ako?"

"H-hindi ko din alam eh. Basta nung nakita ko siya ikaw agad pumasok sa isip ko. Siguro akala ko oras na para magkaayos kayo. Ang kaso nung nakita kita kanina parang mali yung ginawa ko.  Kaya sorry talaga Zel."

Tinignan ko si Tin, mukhang iiyak na siya. Lumapit ako para icomfort siya. Alam ko naman nagsasabi siya ng totoo.

"Ok lang Tin. Alam ko nagsasabi ka ng totoo. Kaya lang, pasensya kung medyo nainis ako kanina. Pano kasi EX ko yon. Ama ng anak ko. yung nangloko sakin. Tapos babalik? Anong akala niya? Ganun ganun na lang yun? Pwes hindi!"

Nasabi ko na lang. Pakiramdam ko ako naman yung iiyak ngayon. Yun kasing Daren na yon! Bumalik balik pa! Tahimik na buhay namin ni Adrian.

"Shh. Tama na sis. Wag mo na lang pansinin yung mokong na yun."

"Paanong di ko papansinin e baka gawin nun ang lahat ng paraan para makuha si Adrian."

"Bakit papayag ka ba?"

"Hindi! Hinding hindi ako papayag."

"Yun naman pala eh. Pero Zel, wala naman kasing masama kung.."

"Kung?"

"Kung payagan mo na makilala siya ng anak niya. In thaw way hindi na siya maghahangad na makuha sa'yo si Adrian. Saka pumayag ka na rin na madalaw niya. Tandaan mo, ama parin siya ni Adrian."

"Yun na nga eh! Ama siya ni Adrian pero anong ginawa niya? He left us alone! Alam naman niyang buntis ako pero ginawa parin niya! At alam din niya yung kalagayan namin noon at ang tanging kailangan ko lang ay yung presence niya. Yung maramdam kong nandyan lang siya para sakin, ok na sana eh! Kaso... kaso WALA SIYA NUN!"

I broke into tears. Grabe di ko na kaya. Bumalik yung sakit na pinilit kong tinanggal years ago. Naalala ko yung pagkalugi namin, pagkamatay ni mommy at pagkawala ni daddy. Dahil dun, di ko mapigilab magalit. Ang malas ko diba? Ang natitirang swerte na lang sakin ay si Adrian at si Kristine tapos kukunin pa ni Daren si Adrian?! Pano naman ako? Wala nanamang matitira sakin?

Di ko alam pero bigla akong nagtatatakbo sa kwarto ko. Narinig ko pa yung isgaw ni Tin nung nasa hagdanan ako.

"ZEL!!!"

Di ko siya nilingon bagkus ay nagtuloy-tuloy ako sa kwarto ko at dun umiyak ng umiyak. Bukas ko na lang kakausapin si Kristine.

------

Nagising ako ng maaga dahil ayokong malate sa trabaho ko. Kung itatanong niyo kung saan ako nagtratrabaho, sa isang malaking kompanya. Buti nga kahit na di ako graduate ng high school tinanggap parin ako. Ang sabi nila, maganda naman daw kasi yung records ko kaya ganun siguro.

"Adrian baby, alis muna si mama ha? Punta lang ako sa work ko." sabi ko kay Adrian na kumakain sa may dining table.

"Sige po mama. Ingat po kayo ha? Pasalubong ko din po."

"Haha ikaw talaga. Opo di po kakalimutan ni mama yon. Be a good boy ha? Wag mong papahirapan si Tita Kristine mo."

"Opo mama." tapos kiniss niya ako sa cheeks.

Teenage MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon