Chapter 18

3.6K 54 5
                                    

Chapter 18

hila-hila ko lang siya habang naglalakad kami. Di ko nga alam kung bakit ko siya hinila. Ang nasa isip ko lang naman nun baka makita kami nila Kristine at Daren eh di pa naman ako masyadong nakakalayo nun sa restaurant.

"liezel san ba talaga tayo pupunta?" huminto ako nung tinanong niya ako. Humarap ako sa kanya at nakita siyang nakakunot ang noo.

Nagshrug ako ng shoulders.

"Honestly, I don't know." sagot ko sa tanong niya.

"eh bakit mo ko hinila-hila kung wala naman pala tayong pupuntahan?"

"Eh... kasi.... ano..." tsk. Di ko masabi yung reason. Ano ba yan! >_<

Nagulat ako kasi ngumiti siya.

'Siguro gusto mo kong makasam noh? Did you miss me?" tanong niya habang nakangiti ng nakakaasar.

"Asa ka naman! Sa lahat na ng lalaki magkakagusto ako wag lang sa'yo, Eew." umacting ako na parang nandidiri. Ang yabang ng loko! Miss ko daw siya? Asa ka boy!

"Sus. If I know, sinusundan mo ako kanina pa tapos nung nakita mo kong paparating lumapit ka sakin para mabunggo kita tapos nung nakakita ka ng pagkakataon bigla mo na lang akong hinila at dinala sa kung san mang lupalop ng Pilipinas para masolo. Kanina pa kita nakikita eh. Dun din sa school. Teka, ikaw nga ba yun?"

O_O

Grabe makagaw ng kwento tong lalaking to. Sarap sapakin eh. Gawin daw ba akong stalker niya? Para namang mangyayari yun? Tsaka, hello? Siya usundan ko? eh halos magkandaugaga na nga ako kung pano ko siya iiwasan eh. Mamatay-matay na ako nung nakita ko siya sa school tapos ganito?! Ha! i can't believe him. At... napansin niya pala ako kanina sa school. Pero, di naman siya sure eh. Eh di ideny ko na lang diba? Iwas gulo pa. ^__^

"Grabe ah. Ba't di ka pumunta sa mga publishers? Ang galing mo kasi eh. Promise pag lumabas yang kwento mo, kikita yan. Baka ma-New York Best Time Seller pa nga eh. Umaapaw kasi sa katotohanan." sarcastic kong sinabi sa kanya.

"weh? Di naman ako gumagawa ng kwento. Nakita nga kita sa school kanina eh. Oh ano? Nagal ka?"

"OO! For your information Mr. Signal #4, *tinitigan niya ako ng masama* tumigil ka. Di mo ko madadaan diyan sa tingin mo. FYI lang ah, di ako yung nakita mo dun s-sa kung san mang school na yan!"

"Anong Signal #4?! *tinitigan ko din siya ng masama* wag ka ding ganyan. Di mo din ako madadaan sa mga ganyan-gan--"

"Anong hindi?! Eh kanina nga napatigil kita tapos sasabihin mong hindi. Sus, wag mo ng ideny. Napaghahalataang talo eh." sabi ko naman sa kanya.

"Talo ka diyan? Para namang papatalo ako sa'yo. Sige nga! Kung hindi ikaw yung nakita ko, sino yun? E kamukhang-kamukha mo eh! ikaw ang wag magdeny!"

"Ano ba yan! LQ ba sila?"

"Gabing-gabi nag-aaway sila."

"oo nga. Tsaka yung lalaki ayaw paawat."

"Kawawa yung girl. Pero kawawa din yung lalaki."

"Oo nga. Kung makasigaw kasi yung babae. Sabagay, wala namang babaeng tahimik."

"yup. Halos lahat ng kilala kong babae bungangera."

"hoy di totoo yan ah!"

Napansin namin ni Aries na dumadami yung tao sa paligid namin tapos yung mga nanunuod nag-aaway na. Akala ko kung anong sasabihin tapos yun pala. Natigil tuloy yung pagtatalo namin ni Aries. Tiningnan ko siya.

"Ah, Aries, umalis na kaya tayo dito? Nakakatakot na yung mga tao eh." sabi ko sa kanya habang papaatras.

"San naman tayo pupunta? Wala akong alam."

Teenage MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon