Chapter 21

3.2K 43 9
                                    

Chapter 21



[Tin's POV]





Mga 8:15 na kami nakarating ni Joshua sa resto. Yung sinasabi niya pala na pupuntahan namin eh yung resto nila Daren. Ayos no? Buti wala sina Zel dito kundi aasarin nanaman ako nun. ;PP





"Sir, table for 2?" tanong nung lumapit na waiter.





"Nope. Reservation for Joshua Perez please." sabi ni Joshua.





"This way please, ma'am, sir." tapos ginawa niya yung action na parang tinuturo niya kung saan yung table namin kaya naglakad kami papunta dun.





Nung palapit na kami, namangha ako dun sa pagkakaayos. Kahit simple siya, nakakamangha parin. Ewan ko kung dahil espesyal tong gabi or because ngayon lang ako napaghandaan ng ganito ng isang lalaki.





"Ayos ba?" tanong niya sakin habang hinila niya yung upuan ko para makaupo ako.



Hinintay ko muna siyang makaupo bago ako sumagot.





"Oo naman. Ayos na ayos." nginitian ko siya.





"Alam mo, gustong-gusto ko talaga pag ngumingiti ka. Parang pag nakikita ko yung ngiti mo, nakakatanggal ng problema. Yun bang lahat ng inaalala ko sa mundo, naalis nung ngumiti ka.."





Tapos tiningnan niya ako sa mata at ngumiti. Err. Ako na kinikilig :">>>






"Tapos yung ngiti mo, pag nakita ng mga tao, mapapangiti din sila. Bakit? Kasi yung ngiti mo..nakakahawa.."





Tapos ngumiti nanaman siya! Ano ba yan! KINIKILIG AKO SA MGA SINASABI MO! :">>





Sumimangot ako.





"Oh? Problema mo?"





"Wag ka nga ngiti ng ngiti." sabi ko habang nakayuko.





"Huh? Bakit? Pangit ba ako ngumiti? Pangit ba ako pag ngumingiti?"




Natawa naman ako dun! Seryoso? San niya nakuha yang mga sinasabi niya? Ano pangit? Eh makita palang ng mga babae yang ngiti niya, nahihimatay na! Tapos mapapangitan siya? HAHAHA! Nakakatawa!





Teenage MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon