Chapter 20

3.6K 57 20
                                    

[Daren's POV]





Nandito kami ngayon sa may kubo. Dinala ko kasi siya dito sa lugar na madalas naming puntahan dati. Di ko alam kung ano pangalan ng lugar na to kasi nadiskubre ko lang to. Sa may Manila din siya kaso secluded yung place kaya wala masyadong nakakaalam.





Tiningnan ko si Liezel, nakatingin lang siya sa labas.





"Zel.." tawag ko sa kanya.





"Hmm?" sabi niya pero di parin lumilingon.





"Pwede bang.."





Lumingon siya ng nakangiti.





"Pwedeng?"





Huminga ako ng malalim.





"Wag na. Baka di ka naman pumayag e." sabi ko tas umupo ako dun sa upuan na kahoy.





"Try me." napalingon ako nung sinabi niya yun. Sasabihin ko ba?





Tumayo ulit ako tapos umupo dun sa tabi niya at tumingin sa may dagat.





"Pwede bang..*hingang malalim* pwede bang ibalik yung dati? Yung tayo pa? Dito, masaya. Naghahabulan sa may buhangin, alam mo yun? Kung ok lang sa'yo.. Just for today.. Pero kung hindi, ok lang. I understand you." tapos ngumiti ako ng pilit.





Hinihintay ko yung sagot niya..pero wala. O baka.. Silence means yes?





Maya-maya, may naramdaman akong yumakap sa likod ko.. Tiningnan ko at nakita si Zel na nakangiti sakin. Nagulat ako. Pumapayag na siya?




"Does this mean a yes?" tanong ko sa kanya.




Di siya sumagot but she smiled.




"Kb, punta tayo sa may dagat."




She called me Kb. Endearment niya sakin dati nung kami pa. Kb.. Kabute ibig sabihin niyan. Lagi daw ako bigla-bigla sumusulpot dati e.




I smiled. Pumayag nga siya. Cloud 9 ang feeling.




"Bi, madilim na."




Bi..tawag ko naman sa kanya. Meaning biik. Matakaw yan e. Pero di tumataba. May alaga ata to sa katawan.




"Eh? Kb sige na. Di naman tayo lalangoy e. Maglalakad lang tayo. Please?" sabi niya sabay pout.




I laughed at what she's doing. Yung ugali niya ngayon, ganito yung ugali niya dati. Makulit, madaldal, magulo.. How I miss this.




"Sige na nga. Pero, maglalakad lang ah?"




She nodded.




"Kb, wala akong extrang damit."




"Huh? Bakit mo naman kailangan ng extrang damit Bi?"




Naglalakad na kami sa may tabing dagat ngayon. Hawak ko yung kamay niya..yung nakaintertwine parehas.




"Eh, baka gabihin tayo dito. Ikaw din, wala diba? Baka bukas na tayo makauwi."




Tumawa ako.




"Bi, don't worry. May dala akong damit. Alam ko na baka gabihin tayo dito kaya bumili na ako."




Namula siya.




"P-pati y-yung..yung ano?" tanong niya habang nakayuko at namumula ang mukha.



"Anong ano? Di kita maintindihan."

Teenage MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon