Chapter 3

9.5K 162 10
                                    

Ito na po yung update oh. Salamat po sa pagbabasa :DD Sensya po kung nabibitin kayo ^_^

Ito po yung kotse ni Aries ---------------------------------------->

______

Pano kasi..

HINALIKAN NIYA AKO!

AT SA LIPS PA!

MANYAK TALAGA TONG LALAKENG TO!

Unti-unti akong gumalaw dun sa kinatatayuan ko at hinabol siya.

"HOY BAKIT MO GINAWA YUN?!"

"Paki mo ba?"

Talaga nga naman! Ako na ngang ninakawan ng halik siya pa tong may lakas ng loob na gumanyan. Ang yabang talaga nitong lalakeng to! Kainis!

"HOY KINAKAUSAP KITA WAG KANG BASTOS!"

"Ikaw nga tong bastos eh. Nakikipag-usap ka pala pero sumisigaw ka. Ganyan na ba ang tamang pakikipag-usap ngayon?"

Awts. Barado. E kasi naman kahit sino mapapasigaw sa ginawa niya talagang mapapasigaw, well--except dun sa mga malalandi kong officemates na patay na patay sa kanya.

Kinalma ko sarili ko at muli siyang kinausap.

"S-sir Aries.."

"Hmm."

"Bakit niyo po ginawa yun.."

"Aling yun?"

Kainis. Alam naman niya yun eh. Kailangan ko pang sabihin? Nakakainit ng ulo.

"Y-yung kanina.."

"Alin nga dun?"

"Yung pinakahuli.."

Kumunot yung noo niya. Seriously? Nakalimutan niya agad yung ginawa niya sakin kanina? Ang bilis naman? O baka niloloko nanaman ako nito?

"Ah. Yung hinalikan kita?"

Napatingin ako. Naman eh, Mano bang sinagot na lang yung tanong ko sinabi niya pa talaga na hinalikan niya ako. Proud ba siyang nakanakaw siya ng halik?

"O-opo. Bakit niyo po ginawa yun Sir?"

Nagsmirk siya. "Wala lang. Gusto ko lang."

"Ano?!"

"Bingi ka ba? Diba sabi ko gusto ko lang? Tss."

Hinila niya kamay ko. Saan nanaman ako dadalhin nito?

"Teka Sir saan mo nanaman ako dadalhin?"

"Sumunod ka na lang."

"Sir naman eh. Baka sa ano nanaman yan. Ayoko na."

"Anong sa ano? Di kita maintindihan."

"Wala. San m ba kasi ako dadalhin."

Imbes na sagutin niya ako, diretso lang siya sa paghila sakin hanggang makarating kami sa parking lot.

"Sir anong gagawin natin dito sa parking lot?"

Tumingin siya sakin pero nginisian lang niya ako.

Ako naman napaisip kung anong gagawin namin dito.

Teka..

Hindi pwede..

Ayoko pang madagdagan si Adrian..

Saka di ko nga close tong lalakeng to..

At saka bata pa ako!

"Sir wag po."

Teenage MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon