Epilogo

106K 3.4K 725
                                    

Bira

Three hundred sixty-five days later...

Juan Pedro Birada's

"Nakahanda na ba iyong letson?"

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Mamang. Abalang – abala siya dahil binyag ng anak ni Toto ngayong araw. Nine months na si Karlotta – ang ikalawang anak nila ni Panpan at malaking handaan talaga ang nangyari. Hindi nga lang inimbitahan ni Pan ang pamilya niya dahil na rin sa kagustuhan ng pinsan niyang si Ave Maria. Sabay kasi silang magpapabinyag, hindi alam ng pamilya ni Ave Maria na nagkaanak na rin siya. Ang kwento kasi ni Pan ay itiknakwil daw si Ave ng Uncle Javier niya.


Maayos na maayos na ang lahat. Nandito si Fonso, Ate Mona, Toto at Pan kaya lang wala naman si Kuya Jufran. Hindi na siya nagpupunta dito sa amin mula nang mag-away sila ni Mamang dahil nagpakasal siya nang walang pasabi. Nakakalungkot kasi talaga, kahit ang tawagan ang Mamang ay hindi niya ginagawa. Sabi rin ni Pan, abala daw kasi si Jufran sa pamamahala sa negosyo noong mga Sihurano. Wala daw kasing anak na lalaki ang byenan ni Kuya kaya siya at ang asawa nitong si Mary Jane ang namamahala sa mga kompanya doon.

Iyong iniwang food business ni Kuya, ako at si Toto ang nag-aasikaso. Inaamin kong nahihirapan ako kasi nga nagbabago ang lahat. Ako pa naman iyong taong hindi madaling maka-adapt sa pagbabago. Saka kahit naman palagi kaming nag-aasaran ni Kuya Jufran noon, nami-miss ko siya. Sobra ko siyang nami-miss, noong nakaraan, tinatawagan ko siya pero sabi nasa isang mahalagang meeting daw siya. Nagagalit rin ako sa asawa ni Kuya, para bang pilit niyang inilalayo sa amin ang kapatid ko.

"Pe, ano bang ginagawa mo diyan?" Nakita kong papalapit si Ate Mona. Hindi na siya buntis – siyempre, pero feeling ko malapit na naman, palagi daw sila ni Kuya Fonso sa kamalig, malamang nanghihingi ng anak na lalaki ang kapatid ko.

"Wala lang, Ate, miss ko na si Kuya Jufran kasi." Mahinang wika ko. Ginulo ni Ate Mona ang buhok ko.

"We all miss him, Bunso pero uuwi rin iyon. Mami-miss niya rin tayo." She told me. Ngumiti lang ako. Niyakag na niya ako dahil pupunta na kami ng simbahan. Si Ate Inday ay maiiwanan sa bahay dahil siya ang mag-aasikaso sa mga handa.

"Inday, iyong sinaing! Ibinili ka n ani Alfonso ng bagong rice cooker ha! Maayos dapat iyan!" Bilin ni Mamang. Hinihintay ko siya dahil sasakay siya sa pick up ko. Nang matapos ang mga bilin niya ay sumama na siya sa amin, ni Ate Mona. Nauna na sila Pan sa simbahan. Ninong ako ng anak ni Pan tapos si Pan ninang ng anak ng pinsan niya.

"Mang." Tinawag siya ni Ate Mona. "Gusto ninyo po bang tawagan ko si Jufran?"

"Sino iyon? Hindi ko kilala iyon." Sagot niya. Napailing na lang kami pareho. Habang nagmamaneho ay muling nagsalita si Ate Mona.

"Darating daw ba si Sarah, Pepe?"

"Oo, Ate. Magkausap kaming dalawa. Darating siya pero baka mamayang gabi pa. Matagal iyong lay over niya sa Dubai." Sabi ko pa. Nakakapag-usap kami ni Sarah at okay na okay na siya. Katunayan, noong Mayo ay nagpunta ako sa New York para dalawin siya. Ang loka, nasa airport pa langf kilig na kilig na, pagbaba ko ng escalator, naroon na siya at may dalang cardboard na may nakalagay na I miss you, Pepe! Tapos tinakbo niya ako, tumalon siya at ipinalupot ang mga binti niya sa baywang ko. Naghalikan kaming dalawa doon mismo sa airport.

Tang ina, libog na libog ako noon. Umuwi agad kami ni Sarah sa apartment niya tapos nagbanatan kami maghapon magdamag. Ang sarap ng feeling nang kasama si Sarah. Mga dalawang buwan akong nasa New Yorl tapos umuwi ako ulit dito. Kailangan ko kasing asikasuhin iyong negosyo dito saka siyempre, nami-miss ko naman si Mamang.

Quit playing games with my heartWhere stories live. Discover now